GANYAN inilarawan ni Melai Cantiveros-Francisco ang Mutya ng Pasig Mega Market sa pagbisita niya rito nitong ika-14 ng Marso. “Bakit? Kahit anong oras may mabibili dito sa inyong market, diba?,” pagsasaad ni Melai sa kuhang Facebook live video ng 106 TRABAHO Partylist. Napag-alaman niya mula sa pamunuan ng nasabing palengke na 24 oras palang bukas at may nagtitinda rito. “Aside from that, yung CR [comfort room] ninyo andun lahat- meron tayong [para sa] PWD [persons with disability]. ‘Pag mag-CR kayo, meron din CR ang babae, lalaki, at ang LGBTQIA++ at…
Read MoreCategory: METRO
PNP MAY TEMPLATE NA KUNG PAANO HUHULIHIN MGA KASABWAT NI FPRRD
MAY template na umanong nakakasa ang Philippine National Police na ilalarga para dakpin ang hinihinalang mga kasabwat o may kaugnayan sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakadetine na ngayon sa The Hague, Netherlands, sakaling maglabas muli ng warrant of arrest ang International Criminal Court. Inihayag ni PNP-PRO-III Regional Director at tagapagsalita ng pambansang pulisya, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, may nakahanda nang “template” ang PNP para sa paghahain ng arrest warrants sa mga personalidad na may kinalaman sa anti-drug campaign noong Duterte administration. Sinasabing nakahanda…
Read MoreLOCAL HOSPITAL, DAYCARE CENTER SA PASIG CITY NAPABAYAAN
DISMAYADO ang mga residente sa Pasig City dahil sa mistulang pagpapabaya umano ng administrasyon ni Mayor Vico Sotto sa local hospital sa lungsod. Bukod sa ospital, inihayag din ng mga residente ang pagkadismaya sa napabayaang daycare center sa bahagi ng Southville na dapat ay nagkakaloob ng libreng serbisyo. Sa isang post sa Pasig Laban Page Group, ngayong palapit na ang eleksyon, kabilang ang health care services sa muling ipinapangako ng alkalde na tututukan at pagbubutihin. “As the election nears, he is once again making commitments to address these concerns which…
Read MoreARTE WOMEN’S VOLLEYBALL LEAGUE PINANGUNAHAN NI ARCH. SHAMCEY
PINAMAHALAAN ni Architect Shamcey Supsup-Lee ang pagsasagawa ng ARTE Women’s Volleyball League sa unang distrito ng Pasig City. Ayon kay Shamcey Lee, founder ng ARTE Party-list at tumatakbong City Councilor ng Pasig District 1, ang one day volleyball league ay pagkakataon para sa mga residente ng Kapasigan na makasali sa pisikal na aktibidad, bumuo ng pagtutulungan ng magkakasama, at pagyamanin ang sense of community. Ang liga ay bahagi sa patuloy na pagdiriwang ng International Women’s Month, ani Lee. Matatandaan na sumigla rin ang larong volleyball sa bawat pamayanan at tumaas…
Read MoreKAAGAPAY, KABAKA, KABABAIHAN SA MAYNILA SANIB-PWERSA
PINANGUNAHAN ng tambalang Yorme Isko Moreno-Chi Atienza at 5th district Congressman aspirant Amado Bagatsing ang pagsasanib ng pwersa ng KAAGAPAY, KABAKA at KABABAIHAN, tatlong malalaking organisasyon sa Maynila sa ginanap na Sportsfest meeting sa Ninoy Aquino Stadium kahapon, March 16, 2025. Ang pagsasanib na ito ang isa sa mga highlight ng programa. (BP) 256
Read MoreMELAI IBINANDERA TRABAHO PARTY-LIST SA ‘VOTE-RICH’ MALABON
MAGHAPONG ibinandera ni Melai Cantiveros-Francisco ang TRABAHO Party-list, bilang 106 sa balota, sa pag-ikot nito sa buong Malabon nitong Linggo, ika-16 ng Marso. Lulan ng motorcade kasama ang nominee ng TRABAHO na tubong Malabon, sinuyod nila ang 21 barangay na may rehistradong botante na hindi bababa sa 233,868, ayon sa datos ng COMELEC noong nakaraang eleksyon. “Alam niyo po ba na ang first nominee ng TRABAHO na si Atty. Johanne ay taga-Malabon po? Siya po ang magiging boses natin sa opisina [ng Kongreso],” pagbibida ng celebrity advocate. Nakipagpalitan ng pagbati…
Read MoreFAKE NEWS IKINABABAHALA NG NAKARARAMING PINOY
LUMITAW sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group, may 59% ng mga Pilipino ang kinokonsidera ang paglaganap ng fake news sa social media na isang seryosong usapin, habang 20% naman ang nagsabi na hindi ito seryoso. May 21% ng mga respondent ang hindi sigurado ukol sa kabigatan o pagiging malala ng isyu. Samantala, 62% ng mga respondent ang nagsabi na ang usapin ng fake news sa mga pahayagan, radyo at telebisyon ay “seryoso,” habang 18% ay ipinagpapalagay na ito ay “not serious.” May 21% naman…
Read More100K WARAY NAGPAKITA NG SUPORTA KAY PBBM, ALYANSA
PAGPAPAKITA ng suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa mga kandidato sa pagkasenador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang pagdalo ng nasa 100,000 Waray sa campaign rally sa Tacloban City noong Biyernes. Iginiit naman ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isang anak ng Leyte at pangunahing kaalyado ni Pangulong Marcos, ang kahalagahan ng panalo ng mga kandidato ng Alyansa upang magpatuloy ang mga reporma ng administrasyon. “Ang pagkakaisang ipinakita ng ating mga kababayan dito sa Eastern Visayas ay patunay na buo ang suporta natin sa liderato ni…
Read MoreSURVEY: ERWIN TULFO NANGUNGUNA PA RIN
SI ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo pa rin ang nangunguna sa pagka-Senador base sa pinakabagong senatorial survey. Ayon sa Tugon Ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Pebrero 22-28, si Tulfo pa rin ang numero uno na may 100% na awareness at 66% na voting preference. Ang dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development ay patuloy sa pag-arangkada bilang top choice ng mga Pilipino. Patunay rito, ang pananatili niya sa mataas na ranggo sa iba pang naunang survey mula sa mga kilalang ahensya tulad ng Social…
Read More