TULAK NASILO SA P476K SHABU

ARESTADO ang isang 30-anyos na lalaki sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 9 ng Manila Police District, sa Roxas Boulevard, Barangay 720, Malate, Manila kahapon ng madaling araw. Kinilala ang arestong suspek na si alyas “Leandro Vega”, jobless, residente ng Pasay City. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Celso Sorita Jr., hepe ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip…

Read More

BINATILYO MALUBHA SA SAKSAK NG 2 SIGA

MALUBHA ang kalagayan sa pagamutan ng isang 18-anyos na binatilyo makaraang saksakin ng dalawang siga sa panulukan ng Moriones at Sto. Cristo Streets, Tondo, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Mark Ace”, residente ng Brgy. 73, Tondo, Manila. Nagsasagawa naman ng “Oplan Galugad” ang mga operatiba ng Asuncion Police Community Precinct, sakop ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, upang madakip ang dalawang suspek na sina alyas “Jepjep” at “Bugoy”. Ayon sa ulat nina Police Corporal Philip Sarmiento at Police Master Sergeant Jesus Lumabao,…

Read More

VP SARA BANTA NA SA DEMOKRASYA?

HINDI na pinalagpas ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-amin ni Vice President Sara Duterte na kumontrata na ito ng taong papatay kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag napatay siya. Kasabay nito, tumayo ang mga kinatawan ng iba’t ibang political party na kaalyado ng administrasyon kung saan binakbakan ng mga ito ang Pangalawang Pangulo, hindi lamang sa mga wala umanong basehang alegasyon nito kundi maging ang hindi paggalang sa kapulungan. “Let me be clear: Hindi na ito…

Read More

PINAS NANGUNA SA 41ST ASEAN SOCIAL SECURITY ASSOCIATION MEETINGS

(NAGPALIWANAG si Jose Arnulfo A. Veloso, president and general manager ng Government Services Insurance System kasama si Ahmad Zulqarnain Onn ng Malaysia Employees Provident Fund nang humarap sa isang pulong balitaan na ginanap sa Seda Manila Bay Hotel sa Parañaque City. PINANGUNAHAN ng Pilipinas ang ika 41st ASEAN Social Security Association (ASSA) na ginanap sa isang hotel sa lungsod ng Parañaque, Lunes ng umaga. Layunin ng naturang pagpupulong na palakasin ang social protection systems at palawakin ang coverage nito sa mga manggagawa. Ang 41st ASEAN Social Security Association ay dinaluhan…

Read More

BUDGET NG OVP, AKAP PROGRAM POSIBLENG DESISYUNAN NG SENADO BUKAS

POSIBLENG desisyunan na ng Senado bukas ang isyu kung daragdagan pa ang inaprubahang budget ng Kamara para sa Office of the Vice President at ang pondo para sa Ayuda Para sa Kapos ang kita o AKAP Program. Ayon kay Senador Grace Poe, chairperson ng Senate committee on Finance, puspusan na nilang pinag-aaralan ang mga panukala ng mga senador kaugnay sa mga naturang usapin. Sinabi ni Poe na layun nitong maisapinal ang latag ng proposed 2025 national budget na isasalang sa approval sa 2nd reading sa Senado, bukas. Una nang nagpasya…

Read More

ATE SARAH PINATUNAYAN PAGIGING INA SA MGA PASIGUEÑO; HANDOG NA MEDICAL MISSION, YOUTH FORUM TULOY-TULOY

Masayang inaasikaso ni Sarah Discaya ang pagiging “ina at ate” ng mga Pasigueño sa pamamagitan ng dibdibang pagsulong ng kanyang medical mission, lalo na sa matatanda. Sa mga batang Pasig naman ay umarangkada na ang “Youth Forum” ni Ate Sarah upang ipanday ang kabataan na maging responsableng henerasyon na may magandang ambag sa lipunan. PINATUNAYAN ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya ang pagiging tunay na ina sa mga Pasigueño sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paghahandog niya ng medical mission para sa matatanda’t lokal ng Pasig at youth forum naman…

Read More

SECURITY PROTOCOL KAY MARCOS ITINAAS

LUBHANG nakababahala at hindi tama umano ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na kumontrata na siya ng assassin upang likidahin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. maging si First lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez, kung may mangyari sa kanya. Bunsod nito ay itinaas na ng Presidential Security Command (PSC) ang security protocol nito sa mag-asawang Marcos at pinsang si Romualdez. “The National Security Council considers all threats to the President of the Philippines as serious. All threats against the life of the President shall be validated…

Read More

REP. ERWIN TULFO, 4 PANG MAMBABATAS PINABIBIGYAN NG 10% DISCOUNT SA GAMOT MGA RANK AND FILE GOVT EMPLOYEE

ISINUSULONG ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, at apat pa niyang kasamahan sa Kongreso na mabigyan ng 10 percent discount sa gamot ang mga rank and file na kawani ng pamahalaan para makatulong sa kanilang mga gastusin sa pagkakasakit. Ayon kay Tulfo, ihahain niya ngayong Lunes kasama sina ACT-CIS partylist Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ang bill na “An act granting rank and file government employees a 10% discount on the…

Read More

P700-M SERBISYO, AYUDA INIHATID NG BPSF SA SAMAR

MATAGUMPAY na nailunsad sa lalawigan ng Samar ang huling yugto ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong 2024, isang pangunahing inisyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mamamayan. Ang event, na inilunsad noong Nobyembre 22 at magpapatuloy hanggang sa susunod na araw sa Northwest Samar State University sa Calbayog City, ay namahagi ng higit sa P700 milyong halaga ng mga programa, serbisyo, at tulong-pinansyal sa mahigit 60,000 benepisyaryo, na nagpapatibay sa kahalagahan nito bilang isang mahalagang mekanismo para sa paghahatid…

Read More