LAMAN ng halos lahat ng telebisyon, dyaryo, at online news sa buong mundo ang banta ni Vice President Sara Duterte noong Biyernes ng gabi na pinapapatay nito sa isang “hitman” si Pangulong Marcos at asawa nitong si Liza, at Speaker Martin Romualdez kung sakali na siya ay mapatay. Ilan sa mga kilalang news organization na binalita ang pagbabanta ni VP laban kay PBBM ang CNN, Bloomberg, Reuters, Associated Press ng Amerika, Agence France Presse ng France, ABC, CBS, Fox News, Strait Times ng Singapore, Nikkei TV ng Japan at ilan…
Read MoreCategory: METRO
P38 MILLION HALAGA NG SHABU HINALUAN NG SEMENTO
ITO ang ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) para sirain ang nasa 5.6 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng ₱38,225,128.11 sa kanilang hall of justice sa Jolo, Sulu. Ang nasabing sistema na ginamit ng BARMM PDEA Regional Office ay kakaibang pamamaraan ng pagsira sa ipinagbabawal na droga na kinilalang “rendering inert,” na nagresulta para kilalanin ang PDEA BARMM bilang kauna-unahang regional office na nag-iimplementa ng kakaibang estilo ng drug destruction. Ayon sa PDEA Public Information Office, ang pamamaraan…
Read MoreEXTENSION NG MEDICAL FURLOUGH NI QUIBOLOY, APRUB SA KORTE
INAPRUBAHAN ng korte sa Pasig City na dumidinig sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy, leader at founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang hiling nito na extension ng medical furlough hanggang Nobyembre 27. Ito ang inihayag ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon, matapos makumpirma ng korte na nagkaroon ng impeksyon ang dental implants ng religious leader. “It was approved until Wednesday. Mataas na diskusyon po pero na-approved naman. There will be a medical furlough for Pastor Apollo Quiboloy,” ang pahayag ni Torreon. “Hindi ko pwedeng isiwalat…
Read MoreFPJ PANDAY BAYANIHAN, TULOY-TULOY SA PAGTULONG
(SINABAYAN si Brian Poe ng mga kabataang estudyante na sumenyas ng numero tres, ang opisyal na pagkahanay sa balota ng FPJ Panday Bayanihan partylist.) WALANG humpay ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa pagtugon sa mga pamayanan hindi lang sa pagsuporta sa mga biktima ng kalamidad kundi maging sa legal at teknikal na pagtulong at pag-agapay sa kabataang mag-aaral. “Sa nakalipas na linggo at hanggang sa mga sumandali ay patuloy na inaagapayan ng FPJ Panday Bayanihan partylist na makabangon ang ating mga kababayan na biktima ng pananalasa ng malalakas na bagyo,…
Read MoreSC IBINASURA SUBSTITUTION NI GUANZON SA PARTY-LIST
IBINASURA ng Korte Suprema ang Minute Resolution No. 22-0074 ng Commission on Elections (Comelec) na nag-apruba sa post-election substitution ng nominees ng Komunidad ng Pamilya, at Persons with Disabilities (P3PWD) Party-list kabilang ang dating commissioner na si Rowena Guanzon noong 2022 elections. Sa halip, inatasan ng En Banc ng Korte Suprema ang P3PWD Party-list na magsumite ng karagdagang nominees. Ngunit pinagbawalan ng high tribunal ang P3PWD na i-nominate uli para sa 19th Congress ang mga nominado na pinawalang-bisa na ang paghalili kung saan itinuturing na immediately executory ang nasabing kautusan.…
Read More‘MARY GRACE PIATTOS’ PINAHAHANAP SA PSA, NBI, PNP
DAHIL wala pang natatanggap na impormasyon ang Kamara hinggil sa katauhan ng isang “Mary Grace Piattos” sa kabila ng isang milyong pisong pabuya, pinakilos na ang mga law enforcement agencies para mahanap ito. Bukod sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), inatasan din ng House committee on good government and public accountability na tumulong sa paghahanap kay Mary Grace Piattos. Ginawa ang kautusan kasunod ng mosyon ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon dahil matapos ang ilang araw mula ng inaanusyo ang P1 million reward sa…
Read MoreMARIKINA NAKAMIT ANG PINAKAMATAAS NA SEWER COVERAGE AWARD MULA SA MWSS
TUMANGGAP ng panibagong parangal ang Marikina City matapos makamit ang 2024 Kaagapay sa Kalusugan at Kapaligiran for Sewer Coverage Award mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO). Bitbit ang 81 porsiyentong sewer coverage, naungusan ng Marikina City ang Pasay City (48 porsyento) at siyudad ng Maynila (45 porsyento) para sa pagkilala. Tinanggap ni Mayor Marcy Teodoro ang parangal mula kay MWSS RO Chief Regulator Patrick Lester Ty sa Marikina City Hall, na sinaksihan nina Marikina 2nd District Rep. Maan Teodoro. “Pinagtibay ng pagkilalang ito ang kakayahan…
Read MoreRODRIGUEZ NAMAHAGI NG BIGAS AT FERTILIZERS SA BUKIDNON
PINANGUNAHAN ng kinatawan ng A Teacher Party-list na si Virginia Rodriguez ang pamimigay ng libreng bigas at organic na fertilizers sa daan-daang magsasaka mula sa Valencia City, Bukidnon para lalong lumago ang produksyon ng kanilang ani sa probinsya. Si Rodriguez, na sinamahan ni Valencia City Mayor Azucena Huervas, ay nagsabi na ang pinamigay na organic fertilizers, na may kasama pang libro niya na may pamagat na “Leave Nobody Hungry”, ay makatutulong sa pagbibigay dagdag kaalaman sa magsasaka upang magkaroon ng sustainable agricultural practices at malaman ang makabagong teknolohiyang ginagamit sa…
Read MoreRECIPIENT NG CONFI FUND NG OVP-DEPED, MAGKAKAIBA PIRMA
ISA pang recipient ng Confidential Funds (CF), hindi lamang ng Office of the Vice President (OVP) kundi ng Department of Education (DepEd) na nagngangalang “Kokoy Villamin” ay iba-iba ang pirma sa acknowledgment receipts (ARs). Ito ang natuklasan sa ika-6 na pagdinig ng House committee on good government and public accountability hinggil sa umano’y maling paggastos sa nasabing pondo ng OVP at DepEd na dating pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte. Bukod kay Mary Grace Piattos, kabilang si “Kokoy Villamin” na taga Ozamiz umano sa recipient ng CFs at lumagda sa…
Read More