Sa kanilang pag-uwi pansamantala TULFO: P150K CASH AID SA MGA OFW SA LEBANON

INANUNSYO ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na may tig-P150,000 cash assistance na naghihintay para sa bawat overseas Filipino worker (OFW) na uuwi sa bansa mula sa Lebanon, kahit pansamantala lang dahil sa giyera doon. Ayon kay Tulfo, ito ang kanyang napag-alaman matapos ang pakikipagpulong niya kamakailan sa mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Sinabi ng mambabatas na nakipag-usap siya kay OWWA Administrator Arnel Ignacio upang malaman ng pamunuan ng Kongreso, sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang estado ng repatriation o pagpapauwi ng mga…

Read More

OPISYAL NA PAHAYAG NG AKO-OFW PARTY-LIST UKOL SA PAGBITAY SA KABABAYAN NATING OFW SA SAUDI ARABIA

NAPAKABIGAT po sa pusong makumpirma ang pagbitay sa kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos itong mahatulan ng death penalty dahil sa kasong pagpatay. Nakikiramay po ang AKO-OFW Partylist sa pamilya at mga mahal sa buhay ng yumaong OFW na siguradong buong-pusong nagdadalamhati sa trahedyang nangyari. Bagaman nirerespeto po natin ang sagradong batas at hukuman ng Saudi Arabia, hindi pa rin maikakaila ng bawat Pilipino na lalong pinaigting ng isyung ito ang kahinaan ng mga OFW na kumakaharap ng mga kaso sa ibang bansa—ang pagkakaroon ng wastong…

Read More

RAYMOND BAGATSING NAKIGULO SA MAYNILA

MARAMI ang nagulat nang humabol sa last day of filing ng certificate of candidacy (COC) noong October 8 ang aktor na si Raymond Bagatsing o Ramon San Diego Bagatsing III. Tatakbo si Raymond for mayor ng Manila habang for vice mayor ang running mate na si Pablo Dario “Chikee” Gorosin Ocampo, sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kapwa galing sa kilalang angkan ng mga politiko sa lungsod ang dalawa. Si Raymond ay apo ng pinakamatagal naging Manila Mayor Ramon D. Bagatsing Sr. Si…

Read More

BATAAN NUKE PLANT REVIVAL STUDY POPONDOHAN NG KOREA

POPONDOHAN ng South Korea ang feasibility study kung maaaring buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant, ayon sa Department of Energy (DoE). Sa isang kalatas, sinabi ng DOE na ang pag-aaral ay mayroong dalawang phase: ang una ay susuri sa kasalukuyang kondisyon ng BNPP at bahagi nito habang ang pangalawang phase ay magsasabi kung ang planta ay maaari pang ayusin at baguhin. Kung makikita kaagad sa first phase na hindi advisable na magpatuloy pa sa susunod na phase, maaaring magrekomenda ang Korea Hydro and Nuclear Power Co. (KHNP) ng alternatibo, kabilang…

Read More

PRESIDENCY NAGAMIT NI PBBM PARA TAKASAN PANANAGUTAN NG PAMILYA

NALANTAD na ang talagang misyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagtakbo nito noong 2022 presidential election, hindi para magsilbi sa Pilipino kundi para takasan ang pananagutan ng kanilang pamilya lalo na sa nakaw nilang yaman. Ito ang malinaw ngayon sa Kabataan party-list na kinakatawan ni Rep. Raoul Manuel sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos ibasura ng Sandiganbayan ang P276 million ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos. “Si Marcos Jr. ang modelo ng paggamit sa halalan at sa posisyon para takasan ang pananagutan sa mga krimen ng kanyang dinastiya sa…

Read More

REMULLA SA DOJ AT DILG IKINABAHALA

BAGAMAN hindi isyu para kay bagong Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kung maging bahagi man sila ng gabinete ng Kapatid na si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, iba naman ang pananaw ng publiko. Sa social media, marami ang nagpahayag ng pagkadisgusto, pagkabahala at pagkainis sa malinaw anilang pagpabor ng administrasyong Marcos sa mga Remulla. May mga nagdududang bayad-utang ang appointment ni Jonvic lalo pa’t humamig ng malaking boto si Pangulong Bongbong Marcos noong 2022 elections sa balwarte ng mga ito sa…

Read More

AKO BICOL PARTY-LIST MULING TATAKBO SA 2025 MIDTERM POLLS

MULING naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance ang Ako Bicol Party-List upang ipagpatuloy ang mga programang isinusulong nito sa Kongreso. Pinangunahan nina Ako Bicol Party-List Congressman Zaldy Co at Alfredo ‘Pido’ Garbin ang paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections noong Lunes. Nabatid sa isang pahayag, iniulat ng Ako Bicol Party-List kung saan dinala ang mga proyektong nakuha nito sa mga nakalipas na taon. Kabilang dito ang pagpapagawa ng mga lansangan at tulay, ospital, school buildings, solar street lights, solar-powered water and irrigation projects, pabahay, trabaho sa mga disadvantaged…

Read More

ISKO BABALIK SA MAYNILA

Naghain din kahapon ng COC si dating Manila mayor Isko Moreno Domagoso para sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod. Nagmistulang blockbuster na pelikula ang paghahain ni Yorme ng COC sa Comelec filing site sa Cinema 12 SM Manila dahil sa pagbuhos ng kanyang mga tagasuporta. Mula sa bahagi ng Arroceros Park, sa Kartilya hanggang SM Manila ay hindi mahulugang-karayom sa dami ng tao na nagpakita ng suporta sa dating alkalde. Kasamang naghain ng COC ni Yorme ang kanyang pamilya kung saan tumatakbo ring city councilor ang anak nitong si…

Read More

Hirit ng AKOOFW party-list VP SARA ITALAGANG OFW CZAR

SA gitna ng mga problemang kinakaharap ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, napapanahon ang pagtatalaga ng overseas Filipino worker (OFW) czar sa katauhan ni Vice President Sara Duterte. Binigyang-diin ito ng Advocates and Keepers Organization of OFW Inc. o mas kilalang AKOOFW Party-list sa kanilang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections sa Tent City Manila Hotel sa lungsod ng Maynila. Sa pagtatanong ng mga mamamahayag Kay Dr. Chie Umandap, ang first nominee ng AKOOFW Party-list, sinabi nito na mas makabubuti na magkaroon muna ng pagkakaisa…

Read More