DAPAT magsilbi nang babala sa mga fraternity at sorority ang naging conviction sa mga sangkot sa hazing at pagpatay kay Horacio ‘Atio’ Castillo. Ito ang pahayag ni Senador Juan Miguel Zubiri sa pagpapalabas ng hatol ng korte ng pitong taon matapos ang brutal at walang saysay na pagkamatay ni Castillo. Sinabi ni Zubiri na matagal ang pitong taong paghihintay at bagama’t hindi na maibabalik ng hatol ng korte ang buhay ni Atio, umaasa ang senador na makapagpapaluwag ito ng kalooban ng kanyang pamilya na ilang taong nakipaglaban para sa hustisya.…
Read MoreCategory: METRO
SENIORS PINAHALAGAHAN SA ELDERLY FILIPINO WEEK
SA paggunita ngayong Oktubre ng Elderly Filipino Week, kinilala ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pagkilala sa napakalaking ambag ng bawat senior citizen sa pagpapa-unlad sa Pilipinas at paggabay sa bagong henerasyon. Ang tema ng selebrasyon ngayon taon ay “Senior Citizen: Building the Nation, Inspiring Generations.” “Kaya naman marapat lamang na bawat isang senior citizen sa bansa ay ating kilalanin, ipagdiwang at pahalagahan sa kanilang pagiging matibay na haligi ng ating komunidad at lipunan,” sabi pa ng mambabatas. Ayon pa kay Ordanes, patuloy niyang ipaglalaban ang mga…
Read MoreSa muling pagbubukas ng Barayuga case 2 PNP OFFICER SINIBAK
DALAWANG police officer ang sinibak sa kanilang puwesto matapos iutos ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil na muling buksan ang pagsisiyasat sa pagpatay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga, may apat na taon na ang nakararaan. Sa ibinahaging impormasyon ng PNP, sina Lt. Col. Santie Mendoza at Col. Hector Grijaldo, na kapwa nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group ay inilagay sa PNP Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Camp Crame. Magugunitang idinawit ni Mendoza sa ginanap na House of Representatives’ quad committee…
Read MoreKAT PIMENTEL ‘NAMANGKA SA DALAWANG ILOG’
INIWAN sa ere ni Kat Pimentel, asawa ni Senador Koko Pimentel, ang kampo ng mga Teodoro matapos siyang tulungan ng mga ito na makilala sa Marikina City. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, hindi man lang nagpaalam nang maayos si Pimentel kina Mayor Marcy Teodoro at Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro at ipinaabot lang sa pamamagitan ng text message ang desisyon niyang kumalas. Ang mga Teodoro ang nagbigay ng break kay Pimentel para umugong ang pangalan at makilala ng mga taga-Marikina. Batay sa impormasyong nakalap ng hiwalay na source, nagmistulang…
Read MoreLINGKOD NG SIMBAHAN, LINGKOD NG SAMBAYANAN Ed dela Torre sa Senado
GANITO ang panawagan ng pamunuan ng People’ Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL Party) nang hikayatin nila na sumabak sa Senado ang dating pari na si Edicio dela Torre para sa 2025 midterm election. Inihayag ni Rodolfo ‘ Kid’ Cañeda, national chairman ng partidong PolPHIL, ang kapasyahan nilang piliin na senatorial candidate si Dela Torre nang magpulong ang kanilang national executive committee kamakailan sa Quezon City. Kalahok sa Execom meeting ang PolPHIL Council of Elders na si Ed dela Torre, kasalukuyang pangulo ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM); Rodolfo Salas, dating…
Read MoreP1,200 PARKING FEE SA NAIA KINASTIGO SA KAMARA
NAGULANTANG ang isang mambabatas sa Kamara sa parking fees na nakatakdang bayaran ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nasa kontrol na ngayon ng San Miguel Corporation (SMC). “Wala pang pagbabago na nagaganap sa NAIA, nauna nang lumipad ang singil sa mga pasahero,” reaksyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos maglabas ng advisory na simula kahapon, October 1, ay P1,200 na ang babayaran ng pasahero na overnight parking. Maging ang mga motorsiklong iiwan ng lumipad na pasahero ay magbabayad ng P480 kada araw habang P2,400 naman…
Read MorePULONG NI DUTERTE SA PNPA CLASS 1996, 1997 KINUMPIRMA
PINULONG ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1996 at 1997 para pag-usapan ang Davao Template sa war on drugs, dalawang araw bago ito nanumpa bilang Pangulo ng Pilipinas noong 2016. Naestablisa ito matapos mapaamin ng Quad Committee si dating Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) general manager Royina Garma bagama’t patuloy naman itong itinatanggi ng kanyang upper class na si ret. Police Col. Edilberto Leonardo. Si Garma, ng PNPA Class 1997, ay umamin sa pagtatanong ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen…
Read MoreUndergrads tutulungang magka-degree REP. NOGRALES ITINULAK PAGSASABATAS NG ETEEAP
UMAASA si Rizal 4th District Representative Fidel Nograles na mabilis na maisasabatas ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). Kasabay nito, pinasalamatan ni Nograles ang mga kapwa mambabatas sa pag-apruba sa panukalang ETEEAP upang maiakyat ito sa tanggapan ng Pangulo at maisabatas. Paliwanag ni Nograles, sa pamamagitan ng panukalang ito ay matutulungan ang mga undergraduate professionals na makakuha ng bachelor’s degree sa pamamagitan ng alternatibong college-level education program. “Nagpapasalamat tayo sa ating mga counterpart sa Senado sa pagpasa ng panukalang batas na ito. Umaasa tayo na sa lalong…
Read More3 dam nagpakawala ng tubig NORTHERN LUZON PATULOY NA BINABAYO NI JULIAN
PATULOY na binabayo ng Typhoon Julian ang hilaga-kanlurang hilaga ng Luzon na pinangangambahang magdulot ng mga pagbaha nang magpakawala ng tubig ang tatlong dam para mabawasan ang epekto ng tuloy-tuloy na pag ulan. Nauna rito, sinabi ng PAGASA na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No.4 ay nananatiling nakataas sa Batanes at hilagang bahagi ng Babuyan Islands habang mabagal ang naging pagkilos ng bagyong Julian nang dumaan malapit sa Sabtang Island, nitong ng Lunes. Nabatid na nagbukas ng kani-kanilang gate ang tatlong dam sa Luzon bilang paghahanda sa posibleng dami…
Read More