MABILOG MAY MGA KASO, COC MAAARING MAKANSELA

MAAARING kanselahin ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy (CoC) ni dating Iloilo City mayor Jed Mabilog sakaling magpasya itong kumandidato sa darating na eleksyon dahil sa kanyang mga kaso. Ito ang iginiit ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia nang tanungin ng media kung maaari bang maghain si Mabilog ng CoC para sa 2025 elections. Paliwanag ni Garcia, binibigyang kapangyarihan ng Section 12 o Section 78 ng Omnibus Election Code o Section 40 ng Local Government Code ang Comelec na kanselahin ang CoC ng sinoman na nahaharap sa…

Read More

P1-B PROGRAMA, SERBISYO NG BPSF PINADALOY SA CAVITEÑOS

SA Cavite idinaos ang ika-24 na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. noong Biyernes at Sabado. Bitbit ng BPSF ang P1 bilyong halaga ng programa at serbisyo ng gobyerno para sa 120,000 Caviteños. Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang BPSF ay nagpapatuloy sa pagpapaabot ng direktang serbisyo at tulong sa mga Pilipino. Nagsilbing local host ng BPSF ang pamilya Revilla sa pangunguna ni Sen. Ramon “Bong” Revilla at misis nitong si Cavite Rep. Lani Mercado Revilla, katuwang si Speaker Romualdez at ang…

Read More

Sa pag-iimbestiga sa pagpatay sa PCSO exec na kanilang mistah QUAD COMM PINASALAMATAN NG MATIKAS CLASS 1983

LABIS ang pasasalamat ng mga ‘mistah’ o kaklase ng napaslang na dating senior official ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Wesley Barayuga, sa liderato ng Kongreso, partikular sa Quad Committee, dahil posibleng makamit na nila ang hustisya matapos ang mahigit apat na taon. Sa isang pahayag ng mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Matikas Class 1983, nagpaabot sila ng labis na pasasalamat kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sa Quad Committee, sa isinagawa nitong imbestigasyon na tila nagbibigay-linaw sa pagkamatay ni Barayuga. “The Philippine Military Academy…

Read More

PAGPAPALAWIG SA PAMAMAHAGI NG PONDONG PANGKABUHAYAN ISINUSULONG NI REP. TULFO

ISINUSULONG ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang pagpapalawig pa ng pamahalaan sa pamamahagi ng libreng pondo pang hanapbuhay ng mahihirap at walang kinikita sa bansa. Sa kanyang pahayag sa founding anniversary ng Market Vendors Cooperative ng Puerto Princesa City nitong Linggo, ipinaalala ni Tulfo na may libreng pondo na ipinamamahagi ang DSWD sa mga walang hanapbuhay at kinikita na P15,000 bawat tao. “Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya para matulungan ang mga pamilya na kapos o walang kinikita,” aniya. Nabatid na ang SLP ay tulong…

Read More

COMELEC: ALL SYSTEMS GO FOR COC FILING

KASADO na ang preparasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato para sa 2025 Midterm election. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na handa na rin ang kanilang election offices sa buong bansa para tumanggap ng COC mula Senador hanggang municipal Councilors. Inilipat na rin ng komisyon ang ilan nilang tanggapan sa mas malaking lugar upang ma-accomodate ang mga kandidato dahil maliit lamang ang kanilang mga opisina. Ayon sa Comelec, kapag kumpleto ang lahat ng isusumiteng dokumento ay maaaring tumagal…

Read More

KUMPIRMADO! MABILOG HINDI NA PWEDENG HUMAWAK NG PWESTO SA GOBYERNO

INIHAYAG ni dating Iloilo City Councilor Plaridel Nava Plaridel Nava na hindi maaaring tumakbo si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa anomang posisyon matapos siyang patalsikin sa puwesto ng Office of the Ombudsman na may kasamang “perpetual disqualification for public office”. Sa isang Facebook post, sinabi ni Nava na nagtungo siya sa Office of the Ombudsman sa Cebu City para kumuha ng certified copy ng kautusan na naglalaman ng perpetual disqualification dahil sa pakikialam umano ng dating alkalde sa awarding ng kontrata para sa towing service kung saan mayroon…

Read More

MGA EMPLEYADO NG LTO BINALAAN SA PAKIKIPAGSABWATAN SA FIXERS

NAGBABALA si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II nitong Miyerkoles, Setyembre 25, sa lahat ng empleyado ng ahensya laban sa pakikipagsabwatan sa mga fixer, na nagsasabing matinding administrative sanctions ang naghihintay sa kanila, kabilang na ang pagkawala ng trabaho. Ang babala ni Mendoza ay kaugnay sa iniimbestigahang tatlong tauhan ng LTO, kabilang ang isang District Office head, dahil sa umano’y mga ilegal na transaksyon na kinasasangkutan ng mga fixer sa kani-kanilang lugar. Noong Martes, dalawang operasyon ang isinagawa malapit sa LTO Central Office sa…

Read More

TONY YANG MARUNONG MAG-TAGALOG AT BISAYA – PAOCC

NAKAPAGSASALITA ng ‘Tagalog at Bisaya’ ang negosyanteng si Tony Yang, kilala rin bilang Yang Jian Xin at Antonio Lim. Kinumpirma ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Dr. Winston Casio na si Yang ay nakapagsasalita ng “good Tagalog and a little bit of Bisaya” nang tanungin ukol sa sinasabing video ni Yang na nakikipag-usap sa mga awtoridad sa lengguwaheng Tagalog nang maaresto ang huli noong nakaraang linggo sa Maynila. “Marunong po talaga siya. Hindi lang kasing tatas nung pag Pilipino, pero talagang marunong siyang mag-Tagalog at saka nakakaintindi. At maging…

Read More

BENTAHAN NG DROGA SA ILOILO CITY TALAMAK SA PANAHON NI MABILOG – BATO

IGINIIT ni Senador Ronald ”Bato” dela Rosa na talamak ang ilegal na droga sa Iloilo City sa ilalim ng pamumuno ni dating Mayor Jed Mabilog. Ayon sa Senador, ito ang dahilan kung bakit isinama si Mabilog sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte noon, at hindi dahil kaalyado siya ng dating administrasyon. Sa pag-upo ni Duterte, sinabi ni Bato na pinakamalakas ang bentahan ng shabu sa Iloilo City kaya doon tumutok ang mga intelligence agency ng gobyerno. Katwiran ni Bato, kung susundan ang katwiran ni Mabilog na pulitika ang dahilan, sana…

Read More