UMAPELA si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng senior citizens sa lungsod na i-surrender ang kanilang PayMaya cards na mapapaso na ngayon buwan para mapalitan ng bagong senior citizen cards na walang expiration date. Ayon kay Lacuna, lahat ng PayMaya cards na dating ginagamit ng mga senior citizen para makuha ang kanilang monthly cash allowance, ay nakatakdang mapaso ngayong buwan ng September. At dahil madalas na nirereklamo ng mga senior sa kanyang tanggapan at sa tanggapan ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa ilalim ni Elinor Jacinto ang…
Read MoreCategory: METRO
LALAKI NAHULIHAN NG BARIL SA QUIAPO
NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang 32-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng baril ng mga tauhan ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, sa Quiapo, Manila noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Raymond Pantoja, residente ng Barangay 385, Quiapo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Investigation Management Branch (SIDMB), bandang ala-1:10 ng madaling araw nang masabat ang suspek habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” ang pulisya sa kahabaan ng P.…
Read MoreDOH NAGPASAKLOLO SA DOJ, NBI LABAN SA SMUGGLED MPOX VAX
NAGPASAKLOLO kahapon ang Department of Health (DOH) sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) para malaman kung paano nakuha ng ilang indibidwal at pribadong establisimyento ang mga bakuna laban sa virus na Mpox. Sa kabila ito ng katotohanang walang inaprubahan ang Food and Drugs Administration (FDA) na nasabing bakuna. Kinumpirma ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na ipauubaya ng kagawaran sa DOJ at NBI ang mga kaso laban sa mga indibidwal na ito dahil sa panloloko sa publiko sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng maling kahulugan…
Read MoreEX-PNP CHIEF SINUHULAN SA POGO OPERATIONS
ISINIWALAT ni PAGCOR Senior Vice President for Security Retired Gen. Raul Villanueva na may dating hepe ng Philippine National Police ang tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kanyang POGO Operations. Sa pagdinig ng Senate committee on women, sinabi ni Villanueva na kasama ang dating chief PNP gayundin ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration na tumulong umano sa pagpapatakas sa grupo ni Alice Guo. Gayunman, sinabi ni Villanueva na hindi niya mabanggit ang pangalan ng dating hepe ng PNP dahil patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.…
Read MoreDIOKNO NANUMPA SA AKBAYAN
PORMAL nang nanumpa si human right advocate Chel Diokno bilang bagong miyembro ng Akbayan Party para sa 2025 midterm elections. Sa isang simpleng seremonya ay pinanumpa siya ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na sinaksihan nina Party president Rafaela David at human rights champion Etta Rosales na ginanap sa Senado sa Pasay City. (DANNY BACOLOD) 246
Read MoreSENATE INQUIRY SA OIL SPILL NAGPATULOY
PINANGUNAHAN ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar, ang nagpapatuloy na Senate inquiry sa epekto ng oil spill na dulot ng MTKR Terranova, MV Mirola 1, at MT Jason Bradley, nitong Martes, Setyembre 17, 2024. Nanawagan si Villar ng agarang pagsasampa ng kaso laban sa mga responsable sa mapanirang oil spill sa Bataan. Ayon sa senadora, ang insidente ay nagdulot ng malawak na pinsala sa ekonomiya at kapaligiran. Ito rin ay nagdulot ng banta sa marine ecosystem at biodiversity, at sa kabuhayan…
Read MoreISKO BINISITA MGA NASUNUGAN SA TONDO
TILA naibsan o pansamantalang nakalimutan ng halos 2,000 pamilyang nasunugan ang kanilang problema nang bumisita si dating Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa evacuation center. Partikular na pinuntahan ng dating alkalde ang General Vicente Lim Elementary School kung saan isa-isang kinumusta ang kalagayan ng bawat pamilyang nawalan ng tirahan. Ayon kay Domagoso, batid niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga nasunugan ngunit naroon pa rin ang pasasalamat na walang nasaktan o nasawi sa matinding sunog na tumupok sa tenement area Aroma Compound. Bagamat malungkot ang mga nasunugan, ikinatuwa naman ng mga…
Read MorePANANATILI NG PILIPINAS SA ESCODA SHOAL TINIYAK
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa puwersa ng gobyerno na panatilihin ang ‘strategic presence’ sa West Philippine Sea kasunod ng pagbabalik ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) mula Escoda Shoal. Sinabi ito ni National Maritime Council (NMC) spokesman Alexander Lopez matapos mag-pull out ang BRP Teresa Magbanua dahil natapos na ang matagumpay nitong five-month mission sa pinagtatalunang katubigan. Sa isang panayam ng Malacañang reporters, ngayong Lunes, sinabi ni Lopez na nakatakdang mag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng bagong vessel para i-monitor ang lugar kasunod ng direktiba mula sa Pangulo.…
Read MoreMADULAS SI ROQUE – BARBERS
HINDI pa rin naaaresto si Atty. Harry Roque sa kabila ng paghahanap ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police (PNP) at House Sgt-At-Arms. Ayon ito kay House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na siyang lead chairman ng Quad committee na nag-iimbestiga sa koneksyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drug trades at extra-judicial killings (EJK). “Hanggang ngayon walang feedback sa PNP at House Sgt-at-arms,” ani Barbers ukol sa paghahanap kay Roque na sinimulang hanapin para arestuhin noong Biyernes matapos ma-cite in contempt noong Huwebes. Sinabi…
Read More