NILINAW ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cassandra Li Ong, na pagkatapos niyang mag-imbestiga tungkol sa diumano’y pagkakasangkot ng isang Rainer Tiu sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators, o POGO, sa bansa, ay wala silang nakitang koneksiyon o link, sa pagitan ni Tiu at ang mga POGO. Sa isang press conference noong Sabado, Setyembre 14 sa New Kamuning Bakery, Quezon City, sinabi ni Topacio na sa open sources katulad ng records ng Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Internal Revenue (BIR) at…
Read MoreCategory: METRO
VILLAR AT BEST 25TH ANNIVERSARY
HINIMOK ni Senator Cynthia Villar ang publiko na mag-solid waste management para mapigil ang malalang pagbaha sa kalakhang Maynila at iba pang lugar sa bansa. Pinaalalahanan ng chairperson ng Senate committee on environment ang publiko na kailangan nilang magsanib-puwersa para maiwasan ang palagiang suliraning ito. Dumalo si Villar bilang guest speaker sa 25th Anniversary ng BEST, lider sa waste management sa Pilipinas. Nasa larawan din kasama ni Villar sina CEO Isabelita Paredes-Mercado, SVP Emilite Aguinaldo, SVP Atty Dwight Ramos at Vice President Jan Vincent Paredes Mercado. (DANNY BACOLOD) 272
Read MoreREP. ERWIN TULFO, NAMAYAGPAG ULIT SA SENATORIAL SURVEY NG TANGERE
MULING namayagpag at lumawak pa ang lamang ni ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo sa kanyang mga katunggali sa darating na 2025 midterm elections, ayon sa pinakahuling survey na ipinalabas ng market research firm na Tangere. Ang 2025 Tangere Senate Survey, na isinagawa nitong Setyembre 9-13, ay nagsasabi na nakakuha si Rep. Tulfo ng 58 porsyento ng voter preference, o mas mataas sa kanyang 56.29 porsyento na nakuha sa isinagawang survey ng Tangere nitong Agosto. Ayon sa Tangere, nakakuha ang mambabatas ng score na “very high” sa lahat ng lugar sa…
Read MoreMAKABAGONG GAMIT, BARKO SA PCG ITINULAK NI TULFO
“PAPAANO mabantayan ng ating PCG ang West Philippine Sea (WPS) kung kulang o wala silang gamit”? Ito ang inihayag ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo matapos lumusot sa Kongreso sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10841 o ang Philippine Coast Guard Modernization Act noong nakaraang linggo. “Kung ano ang kailangan ng ating coast guard, ibigay kasi nakasalalay sa kanila ang pagbantay sa WPS para hindi tuluyang makamkam ang ating teritoryo,” ani Tulfo. Ayon pa sa mambabatas, makabagong gamit ang kailangan ng PCG para makaresponde nang maayos ang mga tauhan natin at…
Read More‘ZERO-BILLING’ NI PBBM SA OSPITAL LAKING TULONG SA MAHIHIRAP – SPEAKER ROMUALDEZ
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang “zero billing” initiative ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na naglalayong tulungan ang mahihirap na pasyente. Ayon kay Speaker Romualdez, ang “zero-billing” initiative ay isang makasaysayang healthcare program kung saan magbibigay ng libreng serbisyong medikal ang 22 pampublikong ospital sa bansa. Kasabay ng ika-67 kaarawan ng Pangulo noong Setyembre 13, inilunsad ang inisyatiba na itinuturing na isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino, ayon sa pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan. “The…
Read MorePDL SA QC JAIL NAKINABANG SA MOBILE KITCHEN, HOSPITAL
BILANG pagbibigay halaga, nakinabang ang daan-daang Person Deprived of Liberty (PDL) sa mobile kitchen at mobile hospital na ipinagkaloob ni League of Municipalities of the Philippine (LMP) President Emeritus Luis Chavit Singson sa Quezon City Jail nitong Sabado (Setyembre 14). Sa ulat, bumisita si Singson kasama ang kanyang anak na si Congresswoman Richelle Singson ng Ako Ilocano Party-list sa mga inmate ng Quezon City Jail sa Payatas at nagkaloob na mainit na pagkain sa pamamagitan ng mobile kitchen at pangangalagang medical sa pamamagitan ng isang mobile na ospital. Hindi lang…
Read MoreQUIBOLOY SECURITY RISK, MANANATILI SA CAMP CRAME
MANANATILI sa Philippine National Police (PNP) Custodial Facility sa Camp Crame si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy habang ililipat naman ang apat na kasamahan nito sa Pasig City Jail. Ito ang ipinag-utos matapos iharap si Quiboloy et’ al sa Pasig RTC para sa kanilang arraignment kaugnay sa kasong human trafficking. Nabatid na ililipat sa Pasig City Jail ang apat na kasamahan ni Quiboloy na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes alinsunod na sa kautusan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159.…
Read MoreICRC SA UKRAINE PINASABUGAN 3 PATAY, 2 SUGATAN
KINONDENA ng pamunuan ng International Committee of the Red Cross ang pambobomba sa isang aid distribution site sa Donetsk region, sakop ng eastern Ukraine. Sa ibinahaging report ng lokal na tanggapan ng ICRC sa Pilipinas, may tatlo silang tauhan na namatay sa isinagawang shelling sa Donetsk region noong Huwebes ng umaga. Bukod sa tatlong aid workers ay may dalawa pang malubhang nasugatan, kabilang ang isang nasa kritikal ang kondisyon. Sinasabing tatlong staff members ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang tinamaan sa pambobomba habang inihahanda ang planned frontline…
Read MoreGINANG HULI SA DRUG BUST SA VALENZUELA
NASAKOTE ang isang ginang sa isinagawang madaling araw na buy-bust operation at nakumpiskahan ng mahigit na P200,000 halaga ng umano’y shabu sa Valenzuela City. Ayon sa ulat ni Valenzuela Police chief, P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang arestadong suspek na si alyas “Malou”, 58, ng Brgy. Rincon. Napag-alaman, dakong alas-5:00 ng madaling araw, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Pasolo Rd., Brgy Pasolo ng nabanggit na lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. Nakumpiska…
Read More