HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Palawan Governor Joel Reyes. Kung matatandaan si Reyes ang itinuturong nasa likod ng pagpaslang sa broadcast journalist na si Gerry Ortega noong 2011. Si Ortega, na isa ring beterinaryo at program manager ng Philippine Ecotourism Palawan ng ABS-CBN Foundation, ay binaril sa ulo ng nag-iisang gunman noong Enero 24, 2011 sa San Pedro Village, Puerto Princesa City. Ang broadcast journalist ay kilalang kritiko ng gobyerno laban sa korapsyon noong panahon ni Reyes. Noong nakaraang taon ay naglabas ng arrest warrant…
Read MoreCategory: METRO
PAGBIBITIW NI DND SEC. TEODORO FAKE NEWS
MISMONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang nagdeklara kahapon na fake news ang kumakalat na balita sa social media na tuluyan nang nagbitiw sa kanyang gabinete si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro. Ayon sa inilabas na statement ni DND Public Affairs Service chief, Director Arsenio Andolong, ” There is no truth to the rumor perpetrated by certain sectors online about the supposed resignation of Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr. We call on those who purposely propagate unfounded lies to be circumspect and refrain from spreading…
Read MoreNBI NAGBABALA SA TATAKBO GAMIT POGO FUNDS
NAGBABALA si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa mga kakandidato sa 2025 midterm elections na gagamit ng pondong galing sa illegal sources gaya ng POGO. Sa kanyang pagharap sa MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association, sinabi ni Santiago na mananagot ang sinomang kandidato na mapatutunayang tumanggap o gumamit ng pondo mula sa illegally-sourced funds tulad ng POGO. Nanindigan si Santiago na walang sasantuhin ang kanyang babala. “Mag-ingat po sila… wala kaming sasantuhin kahit na sino pa ‘yan,” pahayag ng NBI chief. “Basta galing sa…
Read More2 TULAK NASABAT SA NAVOTAS
ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon kay Navotas Police chief, P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas “Pilay”, 48, sa lungsod kaya isinailalim nila ito sa pagmamanman. Pagkaraan ay ikinasa ng SDEU, sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr., ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-2:19 ng madaling araw nitong Miyerkoles sa Lourdes Compound, Brgy.…
Read MoreDATING CARETAKER NG PNP-SAF, TIMBOG SA BARIL
ISINELDA ng mga tauhan ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, ang isang dating caretaker ng PNP-SAF, dahil sa pagpapaputok ng baril sa sa Ermita, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Clande Jr., 46, sinampahan ng kasong indiscriminate firing at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, habang ang kasama nitong si alyas “Cleo”, 50-anyos, ay sinampahan ng kasong obstruction of justice. Ayon sa ulat ng Jorge Bocobo Police Community Precinct, sakop ng Police Station 5, bandang alas-9:55 ng gabi,…
Read MoreDIRECT FLIGHT PATUNGONG PARIS, LONDON BUBUKSAN
NANINIWALA ang Department of Tourism na hindi lamang makadaragdag sa trabaho kundi sa paglago ng turismo at ekonomiya ang binuksang direct flight mula Manila patungong Paris, France, at London, England. Inaasahan din na maraming resort at hotel ang naghahanda para sa pagdami ng mga European tourist na magtutungo sa bansa. Ayon kay Tourism Sec. Christina Garcia Frasco, nagsagawa na rin siya ng pakikipag-ugnayan sa French Embassy para iparating ang pagkakaroon ng direct flight sa dalawang bansa. Sa ngayon ay nasa Top 8 ang arrival ng mga European tourist sa bansa…
Read MoreBIGAS NA P42-45 KADA KILO MABIBILI NA SA NCR – RICE RETAILERS
MABIBILI na sa halos lahat ng pamilihan sa National Capital Region (NCR) ang regular at well-milled rice na nagkakahalaga lamang ng P42 hanggang P45 kada kilo. Ito ay bunga na rin ng inisyatiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibaba ang taripa ng bigas sa bansa sa 15 porsyento. Bilang patunay, nabatid na nitong Martes ng umaga ay inimbitahan ng Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM), isang malaking organisasyon ng rice traders, si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at iba pang mambabatas para mag-inspeksyon ng presyo ng…
Read MoreKontra baha, pagguho: SMDA BILL IPASA NA – REP. NOGRALES
(JOEL O. AMONGO) INULIT ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang panawagan para sa pagpasa ng panukala na lilikha ng isang body na mangangasiwa sa konserbasyon at mamahala ng 500-kilometer haba ng Sierra Madre. Ang panawagan ni Nograles ay matapos makita ang lawak ng napinsala ng Sierra Madre dulot ng bagyong Enteng sa aerial inspection na ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “I hope that the President’s recent statement about Sierra Madre’s deforestation will serve as a nudge in the right direction for us in Congress to prioritize the…
Read MoreAPPROPRIATIONS CHAIR PUMALAG SA AKUSASYON NI VP SARA
PUMALAG si House Appropriations Chairman Elizaldy Co sa mga akusasyon ni Vice Pres. Sara Duterte na siya at si House Speaker Martin Romualdez lang ang may hawak ng pambansang pondo. Diretsahang sinagot ni Cong. Co ang akusasyon ni VP Sara at sinabing, “Again, malaking pambubudol na naman nila yan. Akala siguro nila hindi matalino ang taumbayan.” Paliwanag pa ni Co, imposible ang paratang ni VP Sara dahil, “Ang Committee on Appropriations po ay may miyembro na 139 at ang vice chairmen ay 36.” Dagdag pa ni Co, dadaan din sa…
Read More