“YORME’S CHOICE” NANUMPA SA AKSYON DEMOKRATIKO

(JOCELYN DOMENDEN) TULOY na ang labanang Honey-Isko sa darating na local elections matapos manumpa sa isang simpleng pagtitipon ang “Yorme’s Choice” at Team Aksyon Manila sa partidong Aksyon Demokratiko (Aksyon) sa Sheraton Hotel Manila. Pinangunahan ni Aksyon President, former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang oathtaking na sinaksihan naman ni Aksyon Chairperson Ernest Ramel, Jr. Ilan sa mga nanunumpa sina dating 2nd district Congressman Carlo Lopez at 5th district Congressman Amado Bagatsing. Nanumpa din ang dating broadcaster at aktres na si Chi Atienza, anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza…

Read More

TANSINGCO PINASISIBAK SA IMMIGRATION

APRUBADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakasibak sa pwesto ni Immigration Commissioner Norman Tansingco. Sa isang text message, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na “His (Tansingco) dismissal has already been approved by the President.” Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagkasundo sila ni Pangulong Marcos na sibakin at palitan sa puwesto si Tansingco. “Yes, yes, okay na ‘yun. Nagkasundo na kami ng Pangulo,” ang sinabi ni Remulla. “Papalitan siya, papalitan siya. If I were him, I’ll just resign already. Mag-resign na…

Read More

ALICE GUO MULING NA-CONTEMPT SA SENADO

NAGPATULOY ang pagdinig ng Senate committee on women kaugnay sa POGO operations kung saan humarap muli si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos itong maaresto sa Indonesia. Sa ikalawang pagkakataon, na-cite in contempt si Guo. Sa kanilang opening statements, ipinamukha ng mga senador ang paulit-ulit na pagsisinungaling ni Alice Guo sa pagharap niya sa Senado noong Mayo. Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na hindi uubra sa kanila ang pagpapa-cute ni Guo at hindi katanggap-tanggap ang celebrity treatment. Tahasan ding iginiit ni Senador Jinggoy Estrada kay Guo ang pagsisinungaling niya…

Read More

ISAFP NO COMMENT SA PARTISIPASYON SA QUIBOLOY OPS

HINDI direktang kinumpirma o itinanggi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines kung kusang sumuko si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippine (ISAFP). Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, “The Armed Forces of the Philippines (AFP) has been in full support of the Philippine National Police (PNP) from the onset of the operation related to the case of Mr. Apollo Quiboloy. Our role in this matter has been purely in support of the PNP’s efforts…

Read More

73rd PHILAAST ANNUAL CONVENTION, ENSURING FOOD SECURITY

“ENSURING Food Security through Science Technology and Innovation”. Ito ang tema ng isinagawang 73rd PHILAAST National Convention sa Manila Hotel kahapon. Sinimulan ang programa ng alas-9:00 ng umaga sa pamamagitan ng pag-awit ng National Anthem at taimtim na dasal. Kasunod nito ang welcome message ni PHILAAST President Fortunato De La Pena, opening remarks ni DOST Sec. Renato Solidum Jr., Keynote message ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., na binasa ni DA Undersecretary Agnes Catherine Miranda. Pinangunahan naman ni PHILAAST Vice President, Environment Science Dr. Reynaldo Dela Cruz ang awarding ceremonies.…

Read More

Malapitan sa mga illegal terminal, vendors: BILANG NA ARAW NINYO

NAGPAHIWATIG na ng pagkaasar si Mayor Along Malapitan na tila pinaikot lang siya ng departamentong naatasan na mangasiwa sa pag-aayos ng takbo ng trapiko at ang talamak na illegal terminal at ilang pasaway na mga sidewalk vendor sa lungsod ng Caloocan. Mga pasahero ang naiipit sa idinudulot at walang kinatatakutan na paglabag sa cutting trip ng mga pampasaherong jeepneys na nanggagaling ng Malabon papuntang Caloocan Monumento. Kung naiipit ang mga pasahero ay mas lalong naiipit ang mga tauhan ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) na tila nirerendahan dahil…

Read More

PAGPASA NG CHILD SUPPORT LAW PINAPAPASPASAN NI TULFO

PINAMAMADALI na ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang pagpasa ng panukalang batas na inihain niya at mga kasamahan na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, at Ralph Tulfo, hinggil sa pagsustento ng mga hiwalay na mga magulang sa mga menor de edad na anak. Sa House Bill No. 08987 o ang “Act punishing the wilful failure to pay paternal child support”, ay parurusahan ang magulang na hindi magsusustento sa anak o mga anak bagamat may kakayahan naman itong magbigay ng buwanang sustento sa bata. Ayon kay Cong. Tulfo,…

Read More

DAILY SUBSISTENCE ALLOWANCE NG MGA SUNDALO ITATAAS NG HIGIT 100% – SPEAKER ROMUALDEZ

SIMULA sa susunod na taon ay makatatanggap na ang mga sundalo sa bansa ng mahigit 100 porsyentong pagtaas sa kanilang daily subsistence allowance. Ito ang pagtiyak ni House Speaker Martin Romualdez sa kanyang pagdalo sa idinaos na House of Representatives-AFP Southern Luzon Command fellowship sa Camp Nakar sa Lucena City. Sa nasabing okasyon, tiniyak ni Romualdez na, “Next year, expect to receive a higher daily subsistence allowance from your government. Mula P150 per day, dodoblehin natin ang daily subsistence allowance ninyo. Ang target natin, maitaas natin ito hanggang P350 per…

Read More

TULONG UPANG MAPALAKAS AGRI WORKERS PAIGTINGIN – TRABAHO PARTYLIST

ISINUSULONG ng Trabaho Partylist ang mga hakbang upang mapalakas ang sektor ng mga manggagawa sa agrikultura, tulad ng pagpapalago ng “farm tourism” at paghahatid ng paunang tulong pinansyal para sa iba’t ibang proyekto at kagamitan. Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, sa pamamagitan ng programang ito, hangad nilang makapagbukas ng mas maraming trabaho at oportunidad sa sektor ng agrikultura at turismo. Bukod dito, malaking tulong na rin aniya ito sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang kasapi ng agrikultural na komunidad. Binigyang diin ng Trabaho…

Read More