PORMAL nang nagsampa ng kaso ang Department of Justice (DOJ) sa Pasay City laban kina Shiela Guo, umano’y kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Cassandra Li Ong na umano’y tumatayong authorized representative ng sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga. Sa ilalim ng National Prosecution Service (NPS) ng DOJ, ang mga kasong inihain laban sa dalawa ay paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code for Disobedience to Summons na inisyu ng Senado. Kabilang din sa mga rekomendasyong kaso ay may kinalaman sa paggamit ng pekeng passport…
Read MoreCategory: METRO
BOMB EXPERT HULI NG NAVAL INTEL
NADAKIP ang itinuturong bomb expert na responsable umano sa bomb attacks sa dalawang bus companies, matapos matunton ng Philippine Navy Naval Intelligence Unit. Pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng nadakip na miyembro ng terrorist group na Daulah Islamiyah, Hassan group bunsod ng follow-up operation na isinasagawa ng mga tauhan ng naval intelligence. Ang sinasabing bomb expert ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Barangay Midpandacan, General Salipada K. Pendatun sa Maguindanao del Sur. Ayon naman kay Area Police Command-Western Mindanao chief, Maj. Gen. Bernard Banac, ang nasabing…
Read More‘PINOY PORK IS SAFE’ CAMPAIGN INILUNSAD NG PROPORK
‘PORK is safe to eat!’ Ito ang garantiyang ibinigay ng hog raiser group nitong Miyerkoles, Agosto 28, 2024 kaalinsabay ng paglulunsad ng Pork Producers Federation of the Philippines, Inc. (ProPork) ng ‘Pinoy Pork is Safe’ campaign upang pawiin ang takot ng mamamayan na hindi ligtas kainin ang baboy dahil na rin sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa iba’t ibang lugar sa bansa. “Especially this ‘ber’ months, pork sale is seen to spike. There’s nothing to worry about ASF as it will not inflict humans,” pahayag ni AGAP Party-list…
Read MoreDATING WARDEN NG DAVAO PENAL COLONY KULONG SA BICUTAN
IPINAKULONG ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating warden ng Davao Penal Colony na si Supt. Gerardo Padilla dahil sa pagsisinungaling. Sa mosyon ni House committee on public account chairman Joseph Stephen Caraps Paduano, inaprubahan ng QuadComm na pinamumunuan ni House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers ang pag-contempt kay Padilla. Matapos nito, nagmosyon si Antipolo Rep. Romeo Acop na patawan ng 30 araw na pagkakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig na sinegundahan ng isang kongresista kaya inaprubahan. Si Padilla ay kabilang sa…
Read MoreMEGA FARMS PROJECT ITINUTULAK NG DAR
TILA ang pagsusumikap ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na mapababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay mailap pa rin dahil patuloy na bigo ang pamahalaan na maisakatuparan ito. Bunsod nito, patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas mula P35 hanggang P60 pesos kada kilo ito’y dahil na rin umano sa hindi pagiging stable ng sektor ng agrikultura at agricultural product sa bansa. Ayon kay dating DAR Secretary Bernie Cruz, nakikita nito na makakamit ang pagsasakatuparan ng pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo sa…
Read MoreREVILLA SINAMAHAN SI PBBM SA PAMAMAHAGI NG TULONG SA MGA APEKTADO NG OIL SPILL
SINAMAHAN ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pamamahagi ng financial assistance nitong Miyerkoles (Agosto 27) sa mga magsasaka at mangingisda sa Lalawigan ng Cavite na naapektuhan ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Terra Nova. Sa isinagawang distribusyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and their Families (PAFFF) sa General Trias, siyam na libong (9,000) benepisyaryo ang nabiyayaan ng P6,500 cash assistance sa pamamagitan ni PBBM. Matatandaan na noong Hulyo 25, lumubog ang oil tanker na MT Terra Nova sa karagatan ng…
Read MoreCONFIDENTIAL FUNDS NG OMBUDSMAN IPINABUBURA NI MARTIRES
MISMONG si Ombudsman Samuel Martires na ang humiling sa House Committee on Appropriations na tanggalin sa 2025 national budget ang confidential funds ng kanyang tanggapan. “I will appreciate really if Congress will remove the confidential fund from our budget,” ani Martires matapos itong humarap sa nasabing komite para sa deliberasyon ng P5.842 billion na budget ng Office of the Ombudsman sa susunod na taon. Ginawa ni Martires ang pahayag matapos humingi si House deputy minority leader France Castro ng confidential funds ng Office of the Ombudsman matapos matuklasan na hindi…
Read MoreEMPLEYADO NG CITY HALL NILIKIDA
INAALAM ngayon kung politically motivated o personal grudge ang motibo sa paglikida sa isang tauhan ng Manila City na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin. Kinumpirma ni Manila Mayor Honey Lacuna na malapit sa kanila ang nasawing kawani na sinasabing isang sound technician. Ayon kay Mayor Lacuna, hindi pa gaanong nagtatagal matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang tahanan si Carmelo Ocampo, 55 anyos at residente ng 481 Peñalosa Street ng Brgy 81, Tondo ay kinausap na ni Mayor Lacuna si Manila Police District Director PBGen. Arnold Thomas Ibay para tutukan…
Read MoreMOMMY CARING TULFO SUMAKABILANG BUHAY, 97
MABIGAT sa puso na ipinababatid ng pamilya Tulfo na ang kanilang pinakamamahal na ina na si Gng. Caridad Teshiba Tulfo, ay sumakabilang buhay na kahapon, Agosto 27, sa edad na 97, dahil sa natural na kadahilanan, at ngayon ay kapiling na ng ating Panginoong Maykapal. Inulila ni Mommy Caring ang kanyang mga anak na sina Ramon Jr., Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph, Raffy, Erwin at Edel, gayundin ang kanyang mga manugang, at mga apo. Para sa mga nais makiramay sa pamilya, si Mommy Caring ay maaaring masilayan sa Sanctuarium, na…
Read More