LGUs, GOV’T AGENCIES PINASALAMATAN SA MAAGAP NA PAGKILOS

LABIS ang pasasalamat ng mga residente ng lungsod ng Malabon sa maagap na pagkilos ng mga local government at iba pang ahensya ng pamahalaan upang maayos ang nasira nitong navigational gate na nagsisilbing pananggalang sa baha lalo na pag may bagyo ganon din kapag nagka-high tide. Bagamat napakalaking perwisyo ang idinulot nito sa mga kabahayan na dinadaanan ng malakas na agos ng tubig, nagkaisa ang magkatabing lungsod ng Malabon at Navotas sa pangunguna ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na pag-usapan kung…

Read More

HUMANITARIAN MISSION NG PCG HINARANG NG 40 CHINA VESSELS

KABUUANG 40 na sasakyang pandagat ng China, kabilang ang tatlong warships, ang idineploy noong Lunes sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea upang harangin ang humanitarian mission doon ng Philippine Coast Guard (PCG). Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, anim na barko ng China Coast Guard, tatlong barkong pandigma ng People’s Liberation Army-Navy, at 31 Chinese maritime militia vessels ang naka-deploy nang magsagawa ng misyon ang BRP Teresa Magbanua. Ayon pa kay Tarriela, sa panahon ng misyon na ito, ang People’s Republic of…

Read More

SHIELA GO DINALA NA SA SENADO

DINALA ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) si Shiela Guo, kapatid ng pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo o Guo Hua Ping patungo sa Senate Custodial facility kung saan siya pansamantalang mananatili. Si Shiela Guo kasama si Cassandra Li Ong ay nahaharap sa contempt citation ng Senado matapos balewalain ang subpoena sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on women sa pamumuno ni Senador Risa Hontiveros. Kapwa ikinulong ang dalawa sa ipinagawang kuwarto na babantayan ng ilang Senate police. Ngunit kahapon ay inilipat si Ong…

Read More

BATANG MAY BILIARY ATRESIA TULUNGAN – TULFO

IHAHAIN ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ngayong araw ang isang panukalang batas para tulungan ng pamahalaan sa pagpapagamot ang mga batang may sakit na biliary atresia. Ayon kay Rep. Tulfo, “may 200 na mga paslit ang may biliary atresia sa bansa ngayon at kailangan nila ang agarang gamutan”. Tanging liver transplant ang solusyon ng mga sanggol o bata na dumaranas ng naturang sakit, kaya’t kadalasan ay hindi na sila umaabot sa edad na dalawang taon dahil sa nasabing karamdaman. “Ang problema, umaabot sa halos two million pesos ang operasyon at…

Read More

PBBM, ROMUALDEZ PINASALAMATAN NG MGA BATANGUEÑO

WALANG katapusang pasasalamat sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ang ipinahayag ng mga residente ng Batangas matapos makatanggap ng tulong mula sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair noong Sabado. Si Rogelio Lopez, na isang magsasaka mula Balayan, Batangas ay nakatanggap ng bigas at cash mula sa proyekto ni Speaker Romualdez na Cash and Rice Distribution (CARD). “Napakalaking tulong po ito sa amin lalo pa’t may pinapaaral pa ako. Salamat Speaker, salamat Bagong Pilipinas Fair,” ani Mang Rogelio. Ang mag-aaral na si John Fajardo naman ay nabigyan din…

Read More

NAGTE-TERRORIZE NA ANG CHINA

KUNG dati ay nanghaharass lamang ang China sa West Philippine (WPS) ngayon ay direktang nagte-terrorized o nananakot na ang mga ito kaya labis na itong ikinaalarma sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ginawa ni House Speaker Martin Romualdez ang pahayag matapos banggain ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng humanitarian mission malapit sa Escoda shoal. “This is the second time in about a week that China used its might to harass and terrorize our vessels and personnel inside our own…

Read More

Illegal vendors, terminal sa Caloocan NAKASISIRA SA IMAHE NI MAYOR ALONG

MALIWANAG na may sabwatan ng ilang tiwaling kawani ng pamahalaang lungsod ng Caloocan at mga sidewalk vendor at illegal terminal kaya hindi nagiging maayos ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng nasabing lungsod. Ito ang obserbasyon ng mga motorista, at mga taong napapadaan sa gawi ng Monumento, istasyon ng LRT kung bakit naging talamak ang mga sagabal sa mga pangunahing lansangan na parang sila na ang naghahari at walang makapipigil sa kanilang mga illegal na gawain. Maging ang mga estudyante at mga dayo mula sa ibang lugar na napapadaan…

Read More

INFO DRIVE LABAN SA MPOX, LEPTOSPIROSIS PAIGTINGIN

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na paigtingin ang information dissemination campaign laban sa leptospirosis at mpox. Sa Local Governance Summit 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, kinilala ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng LGUs sa pagbibigay proteksyon sa public health sa pamamagitan ng implementasyon ng kaukulang hakbang at pagtaas sa public awareness. Dahil dito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga lokal na opisyal na tugunan ang ‘improper garbage disposal at poor waste management’ na sanhi ng pagtaas ng kaso…

Read More

MAY 70K BATANGUEÑO NAKINABANG SA BPSF, 4 PANG GOV’T PROGRAMS

AABOT sa 70,000 residente ng lalawigan ng Batangas ang nakinabang sa serbisyo at cash assistance na dala ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) at apat pang programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang kumatawan kay Pangulong Marcos, ang pagbubukas ng BPSF sa Batangas kung saan P563 milyong halaga ng cash assistance at serbisyo ang dinala para sa may 60,000 benepisyaryo. Ang “Anak ng Batangas” na si Finance Secretary Ralph Recto, na dati ring kinatawan ng distrito ng Batangas, ang nagsilbing punong-abala sa…

Read More