PDEA TIKOM-BIBIG SA PAHAYAG NI SEN. BATO

HINDI muna naglabas ng kanilang pahayag ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency hinggil sa naging pahayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na tunay ang umano’y leaked documents mula sa nasabing anti-drug agency ng pamahalaan, sa likod ng hinalang posibleng AI-generated lang ang mga ito. Ilang opisyal ng PDEA ang sinubukang kunan ng panig hinggil sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa sa ginaganap na Senate hearing, hinggil sa leaked pre-operational document ng ahensya, na sinabing handa niyang ipusta ang kanyang buhay na totoo ang nasabing leaked documents na…

Read More

Vhong Navarro pinaboran ng korte CEDRIC LEE ET AL, PINASUSUKO NG PNP

IMINUNGKAHI kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police na mag-voluntary surrender na lamang ang negosyanteng si Cedric Lee at isang pang at large na co-accused nito sa kasong inihain ng actor/tv host na si Vhong Navarro. Ito ay matapos na katigan ng Taguig Regional Trial Court ang kasong serious illegal detention na isinampa ni Navarro laban kina Cedric Lee at modelong si Deniece Cornejo. Kasama ni Lee na hinatulan ng guilty sa kaso sina Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Palma Raz sa promulgation na inilabas ng korte nitong Huwebes. Hindi…

Read More

DRIVER, PAHINANTE NAKURYENTE PATAY

MAGKASUNOD na nangisay at binawian ng buhay ang isang driver at pahinante nito nang sumayad sa high tension live wire ang kanilang dump truck sa kanilang pagdaan sa Taysan, Batangas. Ayon sa ulat ng Batangas PNP, nasawi ang driver ng isang dump truck at pahinante nito nang gapangan sila ng malakas na boltahe ng kuryente mula sa isang live wire na kanilang nadaanan habang binabagtas ang national road. Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad noong martes ng gabi, habang inaayos ng driver ang rig ng dump box ng kanyang truck…

Read More

DAGDAG-SAHOD SIGAW SA LABOR DAY PROTEST

MARIING iginiit ng mga grupo ng mga manggagawa at iba pang organisasyon sa isinagawang kilos-protesta sa Metro Manila nitong Labor Day, ang panawagan para sa pagtataas ng sahod. Nabatid na nagtipon-tipon ang mga manggagawa at nagprotesta sa iba’t ibang lugar tulad ng España Boulevard at Recto Avenue sa Maynila gayundin sa Mabuhay Rotonda sa Quezon City at nagpaplanong magmartsa patungong Mendiola. “Ang pinapanawagan namin talaga legislated wage increase. Kailangan na ng manggagawa ng dagdag. Masyadong naiiwan ang sahod,” ayon kay Workers for People’s Liberation (WPL) Secretary General Primo Amparo. “Partikular,…

Read More

2.4M PINOY NAGPAREHISTRO NA SA 2025 POLLS

UMABOT na sa mahigit 2.4 milyong Pilipino ang nagsumite ng mga aplikasyon bilang mga bagong rehistradong botante para sa May 2025 midterm polls. Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (Comelec), mayroon nang 2,473,922 indibidwal na naghain ng kanilang mga aplikasyon mula nang simulan ang pagpapatuloy ng mga aktibidad sa pagpaparehistro noong Pebrero 12 hanggang Abril 29. Sa isang panayam noong Martes, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga numerong ito ay nagpapahiwatig na sila ay “nasa tamang landas” sa pagkamit ng kanilang target na 3 milyong voter…

Read More

BARMM ELECTION TULOY NA

IKINATUWA ng Muslim congressmen na sa wakas ay matutuloy na ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at magkakaroon na ng pagkakataon ang Bangsamoro na maghalal ng mga lider na mamumuno sa kanila. “Ang Bangsamoro ay para sa Bangsamoro, hindi lamang para sa iilan. Panahon na para ang mamamayan ang sumulat ng kanilang kasaysayan. Walang tunay na demokrasya kung wala sa kamay ng mamamayan ang pagpili ng kanilang mga pinuno,” ayon kay House Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos…

Read More

M-CAVITEX OPERATION IBALIK NA SA GOBYERNO

BINIGYANG-DIIN ng Public Estates Authority Tollway Corporation o PEATC, na kailangan nang maibalik sa kanilang Kontrol ang operasyon at pangongolekta sa Manila Cavite Expressway Project o M-Cavitex. Sa isang press conference sa Maynila, iginiit ni Dioscoro Esteban Jr., ang OIC ng PEATC, ang karapatan nila na pangasiwaan ang toll road na nag-uugnay sa Katimugang Metro Manila sa Cavite. Nilinaw rin ni Esteban na operasyon lang ang ipinasa sa kanila ng Metro Pacific Corporation at hindi kasama ang pangongolekta ng tollway kaya nais nila itong maibalik sa kanilang pangangasiwa Ito rin…

Read More

FEELING SINGLE BAWAL

BINALAAN ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ang mga magsasamantala sa benepisyong tulong para sa mga solo parent dahil maaari silang pagmultahin ng P50k. Ayon kay Herrera, na isa ring solo parent, adhikain ng programang ito na kilalanin ang mga solo parent sa pamamagitan ng mas aktibong representasyon at pagtugon sa kanilang mga hinaing na mapansin at matulungan ng gobyerno. Tinatayang humigit kumulang 15 milyon na ang naitalang solo parent sa bansa at 95% nito ay pawang kababaihan na nag-iisang kumakayod upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga…

Read More

DPWH AT MMDA PINAGHAHANDA NA SA LA NIÑA

KINALAMPAG ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak ang kaligtasan ng bansa sa panahon ng La Niña. Iginiit ni Revilla na papalapit na ang panahon ng tag-ulan at dapat anyang paghandaan ang posibleng epekto ng La Niña kung saan mas maraming ulan ang mararanasan. Sinabi ni Revilla na dapat ngayon pa lang, pinapanatili nang malinis ang mga drainage at iba pang tributaries. Dapat din anyang matiyak na 100 porsyentong operational ang pumping station. Sa…

Read More