PINASASAMPAHAN ng Office of the Ombudsman ng mga kasong graft ang mga kasalukuyan at dating pinuno ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) kaugnay ng umano’y P2.09 bilyong kontrata na ibinigay sa isang British company para magsuplay ng teknolohiya at mga kagamitan para sa Integrated Marine Environment Monitoring System Project Phase 1 (PHILO Project). Nabatid na layon ng PHILO Project ng DA-BFAR na mapangalagaan ang yamang-dagat at labanan ang illegal fishing sa pamamagitan ng paglalagay ng Vessel Monitoring System (VMS) sa malalaking commercial fishing vessels na may…
Read MoreCategory: METRO
SERBISYO, AYUDA PANGAKONG TINUTUPAD NG PAMAHALAAN – ROMUALDEZ
HINDI titigil ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mahihirap at pagdadala ng serbisyo ng gobyerno sa mga probinsiya. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, “tinutupad lang natin ang naipangako ng Pang. Marcos noong tumatakbo pa lang siya sa pagka-pangulo na tulungan ang mga mahihirap para makabangon”. “Naipangako rin ni PBBM na dadalhin sa tao ang serbisyo ng gobyerno. Kaya heto may Serbisyo Fair tayo halos linggo-linggo sa iba’t ibang lalawigan.” “Magpapatuloy ang ayuda at serbisyo ng gobyerno habang narito tayo sa gobyerno dahil yan ang dapat nating gawin bilang government…
Read MoreHirit nina Rep. Chua, Mayor Benitez & Trenyas SARA RESIGN NOW!
SAMA-SAMANG hiningi ng isang mambabatas mula sa Maynila at dalawang mayor sa Visayas ang pagbibitiw ni Vice Pres. Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd). Ayon kay Manila 3rd District Cong. Joel Chua, hindi maaari na hayaan lang ni VP Sara na batikusin nang batikusin ng kanyang pamilya si Pang. Bongbong Marcos, gayung miyembro siya ng gabinete nito. “Kung disente siyang tao, magbitiw na lang siya sa gabinete dahil kontra naman ang pamilya niya sa administrasyon,” ani Cong. Chua. Dagdag pa niya, “wala naman siyang nagagawa sa DepEd.”…
Read MoreAKTIBIDAD NG FOREIGN STUDENTS BUBUSISIIN
ISASAILALIM sa government intelligence investigation kung may ginagawang illegal activities ang mga dayuhang estudyante na may hawak na student visa, ayon sa Bureau of Immigration. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ayon sa batas, ang isang dayuhan na nakakuha ng student visa ay maaari pa ring isailalim sa pagsusuri ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang mga aktibidades “which appear to be inimical to the security of the State”. Sinabi ni Tansingo, ayon sa Executive Order No. 285, s. 2000, nakapaloob sa batas…
Read MoreKami Naman inilantad sa Kalikasan Kabataan, Kagitingan Youth Music Festival
Natapos na ang misteryo tungkol sa malalaking”Kami Naman” murals na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa bansa nang ito ay ilantad sa katatapos lamang na “Kalikasan, Kabataan, Kagitingan” youth music festival sa Montalban Sports Complex sa Rizal. Hatid ng SAVE ME Movement (Students Action Vital to the Environment and Mother Earth Movement), tampok sa youth music festival ang mga batikan na musikero at mang-aawit tulad nila CJ Villavicencio na nagsilbing host, I Belong to the Zoo, Dilaw, Janina Tenoso, Illest Morena, Johannes Rissler, Kyle Echarri, at may special performance pa…
Read More2 TULAK NABINGWIT SA P353K SHABU
NABINGWIT ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Group (DDEG) ng Manila Police District sa ikinasang buy-bust operation ang dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga sa Sampaloc, Manila noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Elmer Patiag, 23, at Mary Rose Soriano, 20-anyos. Ayon sa ulat nina Police Major Chey Saulog at Police Captain Bernardo Diego, bandang alas-4:15 ng madaling araw nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa may riles ng tren sa Algeciras Street, Sampaloc, Manila, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga…
Read MoreOCD GINAGAMIT NG SCAMMERS
NAGLABAS ng babala kahapon ang Office of Civil Defense sa publiko laban sa scammers na gumagamit sa ahensya sa mga ilegal na transaksyon, ayon kay OCD Administrator DND Undersecretary Ariel Nepomuceno. Nabatid na humingi na rin ng tulong ang ahensiya sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng OCD sa mga ilegal na transaksyon partikular sa procurement and NDRRMF funding applications. Binalaan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga grupo o indibidwal na nag-aalok ng serbisyo sa…
Read MoreAYUDA IPAMAMAHAGI NG PAMAHALAAN SA BENGUET SA LINGGO
HINDI lang cash kundi pati bigas ang ipamamahagi ng administrasyong Marcos sa libu-libong residente sa lalawigan ng Benguet sa darating na Linggo. Pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang cash and rice distribution o card program ng pamahalaan. Ito na ang ika-20 lalawigan na bibigyan ng ayuda ng gobyerno para sa mahihirap na kababayan. Ayon kay Romualdez, “tinutupad lang ng Pangulong Marcos ang pangako na prayoridad sa kanyang administrasyon ang mga mahihirap na sabay-sabay na aahon at hindi sila maiiwan”. “Ang Kongreso ay naglaan ng malaking halaga para sa programang…
Read MoreEPEKTO SA JEEPNEY, TRIKE NG MOTORCYCLE TAXI OPERATION SISILIPIN
TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisilipin nito ang epekto ng mga operasyon ng motorcycle taxi sa mga serbisyo ng pampublikong transportasyon tulad ng mga jeepney at tricycle. Ayon kay Atty. Paul Austria, nagsisilbing secretariat ng Technical Working Group (TWG), inatasang mangasiwa sa pagtakbo ng motorcycle taxi, habang may mga transport group na nagrereklamo tungkol dito, kailangan pa ring i-verify ang naturang claim. “Ito po ‘yung medyo kailangan namin ng additional data. Marami po ang nagsasabi na nawawalan na ng pasahero si ganito, si ganyan. But…
Read More