INARESTO ang isang 26-anyos na nursing attendant sa kasong child abuse, sa loob mismo ng selda ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Lunes. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, hepe ng DSOU, ang suspek na si alyas “David”, residente ng Tondo, Manila. Ayon kay Police Captain Robert Dato, bandang alas-12:40 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa nasabing suspek. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Francisco…
Read MoreCategory: METRO
OVERSTAYING INDIAN NAT’L, ARESTADO SA CLARK
ARESTADO sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na overstaying, at tinangkang umalis ng bansa, sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga . Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ng BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU), inaresto ang dayuhan na si Jasbir Singh, 40, nang masabat sa boarding gate bago makalipad patungong Singapore. Ayon kay BI-BCIU acting chief Vincent Bryan Allas, si Singh ay nagpakita ng boarding pass na may immigration departure stamp at emergency travel document subalit walang BI stamp. Sinabi…
Read MoreSa pagsisimula ng PHL-US Balikatan BILANG NG CHINESE VESSELS SA WPS LUMOBO
HINDI nagpapahayag ng pagkabahala ang Armed Forces of the Philippines sa bigla umanong pagdami ng marine vessels ng China sa bahagi ng West Philippine kasabay ng pagsisimula ng isinasagawang joint maritime exercise ng Pilipinas at Amerika kasama ang French Navy at Australian forces. Ayon kay Balikatan Exercises director for the Philippines, MGen. Marvin Licudine, inaasahan na nila ang posibilidad ng pagkakaroon ng presensya ng China vessels sa ilang lugar na pagdarausan ng nakalatag na mga aktibidad ng Balikatan Exercises 39-2024 ngayong taon. Ayon kay Licudine, sanay na sila na nakikita…
Read MorePAGLAYA NG BABAENG PDLs PABIBILISIN NG SC
PURSIGIDO ang Korte Suprema na bumuo ng procedure sa paghawak ng kaso ng Persons Deprived of Liberty (DPLs) na nakapiit sa Correctional Institution for Women (CIW). Ito ay matapos magtungo si Supreme Court Justice Ma. Filomena Singh sa CIW sa Mandaluyong City noong April 18 upang alamin ang kondisyon at mga paraan sa paghawak ng kaso ng women in conflict with the law. Sinabi ni Singh, co-chairperson ng committee on Gender Responsiveness in the Judiciary, makatutulong para sa pagbuo ng procedure ang pagkalap ng mga impormasyon ng technical working group.…
Read MoreCROPPING CALENDAR NG MGA MAGSASAKA BALAK BAGUHIN NG NIA
NAGSASAGAWA ng pag-aaral ang National Irrigation Administration (NIA) na baguhin ang cropping calendar sa bansa para mabawasan ang pressure sa mga dam lalo na sa panahon ng El Niño. Layunin din nito na mapangalagaan ang imbak na tubig sa malalaking dam sa Luzon tulad ng Pantabangan Dam na pangunahing source ng patubig sa panahon ng taniman. Ayon kay NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen, irerekomenda nilang simulan ang pagtatanim sa Oktubre, sa halip na sa Disyembre, para sumakto ang anihan pagdating ng Pebrero. Paliwanag ni Engr. Guillen, sa pamamagitan ng nasabing…
Read More500 PASAWAY NA PULIS SA NCR, SINIBAK
UMABOT sa kabuuang 500 pulis mula sa Philippine National Police-National Capital Region Office, ang sinibak sa kanilang pwesto kabilang ang isang police colonel, simula nang maupo si PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., bilang hepe ng PNP-NCRPO. Ayon kay MGen Nartatez, ang decommissioning ng mga pulis ay patuloy na ginagawa sa NCRPO. Inihayag ito ni Nartatez sa monthly forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View restaurant. Sinabi pa ni Nartatez, ang pagpaparusa sa pasaway na mga pulis ay mula demotion, dismissal hanggang sa pagbawi ng mga benepisyo.…
Read MoreMISIS UMINOM NG LASON SA TAGAYAN
PATAY ang isang 32-anyos na ginang makaraang uminom umano ito ng lason habang nakikipag-inuman sa kanyang asawa at sa isang lalaki sa kanilang bahay sa Mayhaligue Street, Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si “Priscilla”, may asawa at residente sa naturang lugar. Base sa ulat na isinumite ni Det. Charles Benson Dela Torre kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-5:10 ng hapon nang mangyari ang insidente. Napag-alaman, habang nakikipag-inuman ang biktima at ang asawa nito, kasama ang isang…
Read MoreCAMI CLARK Golf Cup, umarangkada muli sa Clark
Matagumpay na naidaos ng Capampangan in Media Inc. (CAMI), sa kooperasyon ng Clark Development Corporation (CDC) at Quest Plus Hotel and Conference Center Clark, ang 10th CAMI Clark Golf Cup (2024) sa Mimosa Golf Course sa Clark Freeport Zone Philippines noong Abril 19. Sina Chairman Arsenio “Arni” N. Valdes ng Juan D. Nepomuceno (JDN) Realty at dating Mayor Tito Mendiola (regular players) ang nanguna sa ceremonial tee off para sa aktibidad. Nagsilbi namang lead sponsors para sa golf tournament ang RASLAG Corporation (platinum), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)-gold at…
Read MoreVILLAR SUMALI SA CLEF PROGRAM MISSION
LUMAHOK si Senador Cynthia Villar sa pamamagitan ng Villar Foundation, kay Ben Mead, founder ng Mead Foundation sa kanilang “Operation Restore Hope Australia” cleft program medical mission. Ang screening ng 60 beneficiaries ay ginanap nitong Linggo, April 21 sa Las Piñas Medical Center. Layunin ng ‘Operation Restore Hope’ ang magdala ng pagbabago sa buhay ng mga batang mahihirap na may deformities. (Danny Bacolod) 190
Read More