2 DAYUHAN INARESTO SA MONEY LAUNDERING, CYBERCRIME

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa dalawang dayuhan mula sa Taiwan at South Korea, na nahaharap sa deportasyon dahil sa sa pagiging wanted sa iba’t ibang kaso sa kanilang bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, inaresto ang dalawang dayuhan sa magkahiwalay na operasyon sa mga lungsod ng Makati at Parañaque, ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU). Kinilala ang mga ito na sina Taiwanese national Li Ming Hsiu, 44, at South Korean Joo Han Wong, 39. Sina Joo at Li ay ibabalik sa kanilang…

Read More

MULTI MILYONG HALAGA NG HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT

MULTI MILYONG halaga ng high grade marijuana o mas kilala sa tawag na kush, ang nasabat sa joint anti-drug smuggling operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Custom sa Port of Manila. Ayon sa ulat ng PDEA, bukod sa kush ay may iba’t ibang marijuana by products din ang kasamang nadiskubre sa South Harbor Port of Manila, ng mga tauhan BOC Seaport Interdiction Unit North Harbor at PDEA. Nakapaloob ito sa ilang kahon na may tatak na “Lawin Balikbayan Box” na nagmula sa bansang Thailand Batay sa report…

Read More

PAGSASANIB NG 3 BIG ENERGY COMPANIES ‘GINUGULO’ NG P4P

INAASAHAN na magdudulot ng mas malinis at sustainable na enerhiya sa bansa ang pagsasanib-pwersa ng tatlong malalaking kumpanya na may kinalaman sa kuryente ngunit binubulabog ito ng isang grupo. Kamakailan, inanunsyo ang pagsasanib-pwersa ng Meralco PowerGen Corporation (MGen), Aboitiz Power Corporation (AP) at San Miguel Global Power Holdings Corp. (SMGP), ang tatlong pinakamalalaking kumpanya pagdating sa sektor ng enerhiya para sa integrated liquefied natural gas (LNG) facility sa Batangas. Napag-alaman na target ng pagtutulong-tulong ng tatlong bigating kumpanya sa bansa na pag-ibayuhin ang mga programa tungo sa mas malinis at…

Read More

HIGIT 1M REGISTER APPLICANTS NAPROSESO NA – COMELEC

MAYROON nang mahigit sa isang milyong mga aplikante sa pagpaparehistro, halos isang buwan nang magsimula ang registration period noong Pebrero 12, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia noong Sabado, noong Marso 6 ay may kabuuang 1,027,572 na aplikasyon ang naproseso sa buong bansa sa mga tanggapan ng Comelec, satellite centers at “Register Anywhere Program” (RAP) stations. Ang top regions na may pinakamaraming aplikante ay ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na may 187,372; Metro Manila, 156,990; Central Luzon, 111,681; Central Visayas, 79,552;…

Read More

PAF JETS PINADEDEPLOY SA PALAWAN

KASUNOD ng muling pambobomba ng tubig at pagbangga ng China Coast Guard (CCG) ship sa Philippine resupply ship sa Ayungin Shoal kamakailan, nais ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magtalaga o magdestino ng dalawa o tatlo sa 12 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) sa Palawan. Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Romualdez, “maroon tayong 12 na fighter jets sa Basa Air Base sa Pampanga, baka pwede idestino ang dalawa o tatlo sa mga ito, para naman makapag-patrolya sa Philippine airspace at iba pang lugar around Palawan”. “Hindi…

Read More

FINANCIAL AID PACKAGES PARA SA PAMILYA NG MGA NAMATAY AT NASUGATANG SUNDALO SA LANAO DEL NORTE, INILABAS NI SPEAKER ROMUALDEZ – DML TULFO

ALINSUNOD na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagpaabot ng tulong pinansyal si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya ng anim na sundalong nasawi at sa anim pang nasugatan sa pakikipagsagupaan sa teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute sa Lanao del Norte noong Pebrero 18. Ito ang iniulat nitong Linggo ni Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na nagsabing mahigit P4.14 milyong financial, education at livelihood assistance, mula sa personal calamity at emergency funds ng Speaker, ang naibigay sa mga pamilya ng…

Read More

ACT-AGRI KAAGAPAY KINILALA MALAKING PAPEL NG KABABAIHAN SA LIPUNAN

KINILALA ng ACT-Agri Kaagapay ang malaking papel at kontribusyon sa ating lipunan ng kababaihan. Ayon sa Pangulo ng ACT-Agri Kaagapay na si Ms.Virginia Rodriguez, hindi madaling gawin ang mga bagay at magandang pangarap sa buhay ng isang magulang sa kanyang mga anak at pamilya. Si Ms. Rodriguez ay maagang naulila sa asawa kaya mag-isa nitong kinaya na itaguyod ang kanyang pamilya, buhayin at papag-aralin sa magandang paaralan ang kanyang mga anak. Bukod sa obligasyon sa pamilya sa kabila ng kanyang pagiging solo parent ay tumutulong pa sa mga less fortunate…

Read More

CELLPHONES, WALLETS NAGLAHO SA X-RAY MACHINE NG NAIA

DISMAYADO ang mag-asawang British national matapos maglaho ang kanilang sling bag sa loob ng X-ray machine sa entrance ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Ayon kay Abigail Lynch, asawa ng British national, ang kanyang sling bag ay naglalaman ng kanilang cellular phones, wallet at identification cards. Aniya, wala sa kanyang kaisipan na maglalaho ang kanyang sling bag sa loob ng X-ray machine dahil mayroong nakabantay na security guard. Agad niya ito ipinagbigay-alam sa Airport Police Department, at sa isinagawang review sa CCTV footage, kitang-kita na…

Read More

300 communist terrorists na-neyutralisa ng militar TACTICAL VICTORIES VS CPP-NPA MALAPIT NA

TIWALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na malapit na nilang makamtan ang inaasam na tactical victories laban sa Communist Party of the Philippines at sa armadong galamay nitong New People’s Army, at maisusulong na nang husto ang pangmatagalang peace and development. Ayon sa AFP, umabot sa mahigit 300 kasapi ng Communist Terrorist Group sa bansa ang na-neyutralisa ng militar nito lamang buwan ng Enero hanggang Pebrero ngayong taon. Ito’y bunsod nang mas pinaigting na focused military operations ng security forces ng pamahalaan para wasakin ang mga nalalabing…

Read More