TRABAHO MUNA SAKA NA 2028 ELECTIONS – ROMUALDEZ

NAGPASALAMAT si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pakikilahok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga usaping pulitika at nauunawaan umano nito ang kanyang interes kaugnay ng halalan sa 2028. Subalit naniniwala si Speaker Romualdez na maraming problema ang bansa na nararapat na pagtuunan ng agarang pansin gaya ng isyu ng pagpapa-unlad ng ekonomiya, sa sektor ng kalusugan at ang pang-rehiyon gaya ng agresibong mga hakbang ng China sa West Philippine Sea. “Ako’y naniniwala na mas mahalaga ngayon na mag-focus tayo sa mga problema na kasalukuyang kinakaharap ng bansa,”…

Read More

MGA KASO LABAN SA MAG-ASAWANG ARTEMIO AT PHEBIE DY IBINASURA NG KORTE

IBINASURA ng korte ang inihaing reklamo ng isang Mario Marcos laban sa mag-asawang negosyante dahil sa kawalan ng basehan. Sa resolusyon ng Office of the City Prosecutor ng Makati City, hindi napatunayan ni Marcos ang isinampang kaso na theft at qualified theft laban sa mag-asawang Artemio at Phebie Dy. Nabigo umano si Marcos na patunayan na sa kanya ang titulo ng ari-arian at totoong mamahaling bato ang ibinigay niyang kolateral sa mag-asawang Dy para siya makautang ng P12 milyon. Sinabi pa ng korte na boluntaryo ang pagdadala ng titulo ng…

Read More

National threat – NSC NAGLIPANANG FAKE DOCUMENTS DAHIL SA CORRUPT LGUs

ITINUTURING na isang national security threat ang ulat hinggil sa naglipanang mga pekeng dokumento na itinuturong nag-uugat sa korupsyon sa local government units. Ito ang pag-amin ni Jonathan Malaya ng National Security Council, sa gitna ng nadiskubreng government IDs sa kamay ng mga banyaga. Nabatid na isinusulong ngayon sa Senado na imbestigahan ang pagkakaroon ng government issued IDs tulad ng passport, lisensya, national ID ng mga foreigner na karamihan ay Chinese nationals. Ayon kay Malaya, “Kami po sa National Security Council ay nababahala dyan sa pangyayaring ‘yan kung saan may…

Read More

PCG BARGE SUMADSAD

SUMADSAD ang isang barge sa katubigan ng Bais Sand Bar, Barangay Okiot, Bais City Negros Oriental dahil sa sama ng panahon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Nabatid sa ulat, patungong Campuyo, Manjuyod, Negros Oriental mula Semirara, Antique ang barge na TMLBlue Sky Jay nang makaranas ng ‘rough sea condition’ dahilan para sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan. Lulan nito ang 1600 MT ng industrial coal nang mangyari ang insidente. Tumulong ang tugboat MTUG TML THE CEO upang hilahin ang barge ngunit nahirapan itong maglatag ng towing line dahilan…

Read More

3 ‘MANAGER AT SUPERVISORS’ NAHARANG SA NAIA

NAHARANG ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong lalaki na nagpakilalang magtatrabaho sa Malaysia bilang manager at supervisor sa isang construction company ngunit nadiskubreng ilegal na na-recruit para magtrabaho bilang mga waiter lamang. Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, patungo ng Kuala Lumpur ang tatlong lalaki kasama ang kanilang umano’y employer, na tinangkang sumakay ng Cebu Pacific flight . Ayon sa BI, unang sinabi ng mga ito na magtatrabaho sila bilang operations manager, site supervisor at paint supervisor sa isang construction company.…

Read More

MGA SASAKYANG MAY PLAKANG ‘8’ IPINAHUHULI NG KAMARA

INATASAN ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kinauukulang mga ahensya ng pamahalaan na hulihin ang mga driver at kumpiskahin ang mga plakang “8” na nakakabit sa kanilang sasakyan. Ginawa ni House Secretary General Reginald Velasco ang kautusan sa Land Transportation Office (LTO) at Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos mahuli ang isang sasakyan na dumaan sa EDSA Busway na may plakang “8 CA”. “The House of Representatives has not released, or authorized the use of official plates for vehicles of House Members,” paglilinaw ni Velasco. Nakapangalan umano sa…

Read More

EX-MAYOR TUMANG NG MEXICO, PAMPANGA IKINULONG SA KAMARA

IPINAKULONG ng mga kongresista ang dating alkalde ng Mexico, Pampanga na si Teddy Tumang na kasama sa iniimbestigahan hinggil sa 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion sa isang bodega sa nasabing lalawigan na nakumpiska noong Setyembre. Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House committee on dangerous drugs sa nasabing isyu, kinompronta ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Tumang hinggil sa press conference nito noong October 11 kung saan isinapubliko ang detalye ng executive session. “Meron akong nakausap sa mga nag-iimbestiga, ang nagtatanong dun (sa executive…

Read More

AFP SINUBOK KANILANG FIREPOWER SA AJEX DAGITPA

SINUBUKAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang pinagsama-samang arms firepower sa ginanap na live fire exercise kahapon bilang bahagi ng AFP Joint Exercise Dagat-Langit-Lupa (AJEX DAGITPA) sa Burgos, Ilocos Norte. Sinaksihan mismo ni AFP chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang nasabing live firing ng mga bagong sandata ng Hukbong Sandatahan na binili para sa Philippine Army at Philippine Marine Corps. Sinabayan ito ng artillery fire mula sa Philippine Air Force’s AW109 at A-29B Super Tucano aircraft. Ang nasabing pagsasanay ay sumusubok at nagpapakita ng kapabilidad…

Read More

DRUG DEN NALANSAG, P57K SHABU NASAMSAM

NABUWAG ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI, ang isang drug den sa Purok Carig, Barangay Mankilam, Tagum City at nadakip ang target na drug personality at isang parukyano Ayon sa report ng mga operatiba kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Emma Latu-ab, alyas “Emma,” 46, nadakip ng PDEA matapos mabilhan ng isang PDEA agent na umaktong poseur buyer, ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng umano’y methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang shabu, tinatayang tumitimbang ng…

Read More