PAGLILIPAT NG BATASAN PAMBANSA SA TAGUIG UMUSAD

kongreso12

UMUSAD na ang resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa paglilipat ng tanggapan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso malapit sa bagong gusali ng Senado sa Bonifacio Global City, Taguig. Sa sesyon kahapon ng hapon, pinagtibay ng Kamara ang House Resolution (HR) 1390 na nagsusulong sa pagbuo ng isang Ad Hoc committee na mag-aaral para sa konstruksyon ng bagong gusali na lilipatan ng Kapulungan. Itinalaga bilang chairman ng komite si Camarines Sur Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte habang sina House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Quezon Rep. David Suarez at…

Read More

PAGLAYA NI DE LIMA WELCOME SA FOREIGN ENVOYS

WINELCOME ng European Union (EU) at ni US ambassador Marykay Carlson ang paglaya ni dating Senador Leila de Lima matapos ang mahigit anim na taong pagkakabilanggo dahil sa kasong ilegal na droga. Sa kanyang X (dating Twitter) account, sinabi ni EU Ambassador Luc Veron na siya ay “Very pleased by the news of Leila de Lima’s release. A significant step for rule of law in the Philippines.” “A positive turn in the pursuit of justice! I hope that resolution of the remaining charges will be accelerated,” ayon pa kay Veron.…

Read More

BARONG-BARONG PINASOK NG ARMADO, 2 PATAY

DEAD on the spot ang isang 34-anyos na lalaki habang hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 9-anyos batang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa loob ng isang barong-barong sa Barangay 649, Baseco Compound Port Area, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang target ng suspek na si Rusty Lipusan na agad namatay sa insidente habang idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang batang si alyas “Uyag”, kapwa residente ng nasabing lugar. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang…

Read More

RORE mission magpapatuloy AFP HINDI MAGPAPASINDAK SA TAMBAK NA CHINESE VESSELS

ITO ang naging tugon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine kasunod ng ulat na pagdami ng mga barko ng China sa bahagi ng West Philippine Sea sa bisinidad ng Ayungin Shoal, kasunod ng pinakahuling Rotation and Resupply Mission ng Philippine Navy. Ayon kay AFP Spokesman, Col. Medel Aguilar, walang sinomang makapipigil sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa pagsasagawa ng Rotation and Resupply (RoRe) Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kasunod ng huling matagumpay na resupply Mission sa BRP Sierra Madre. Nilinaw ni Col. Aguilar, lehitimo ang…

Read More

HUSTISYA ABOT-KAMAY NA NI DE LIMA

MALAPIT nang makamit ni dating Senator Leila de Lima ang katarungan. Ito ang paniniwala ng mga kaalyado ni De Lima sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos payagan ni Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Gener Gito na pansamantala itong makalaya sa pamamagitan ng bail na naghahalaga ng P300,000. “This is the essence of Senator Leila de Lima’s belated grant of bail which is a prelude to her exoneration in all of the three feigned drug charges against her,” ani Liberal Party president at Albay Rep. Edcel Lagman. Ayon sa mambabatas, halos…

Read More

GOBYERNO, BABALANGKAS NG IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA RESUPPLY MISSION SA AYUNGIN SHOAL

KINUMPIRMA ni National Security Adviser Eduardo Ano na patuloy ang pagbalangkas nila ng iba’t ibang estratehiya para sa pagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sa panayam sa Senado bago ang budget deliberation, sinabi ni Ano na kasama sa kanilang bagong istratehiya ang paggamit ng BRP Melchora Aquino subalit hindi anya ito ang magiging regular nilang aksyon. Sinabi ni Ano na binigyang laya sila ng Pangulo na bumalangkas ng iba’t ibang mga estratehiya upang mapabilis at matiyak ang matagumpay na resupply mission. Kasabay nito, pinuri anya…

Read More

SEASONAL EMPLOYMENT HINDI DAPAT MAGSILBING BENCHMARK NG EMPLOYMENT RATE NG BANSA

IGINIIT ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi dapat gamiting benchmark ng employment rate ng bansa ang mga seasonal employment at sa halip ay isulong ang mas marami pang de kalidad na trabaho. Sinabi ng principal sponsor at author ng Trabaho Para sa Bayan Act, inaasahan na tataas ang hiring ngayong holiday season subalit hindi ito dapat maging dahilan upang tigilan ang pagbuo ng mga dagdag trabaho. Kasabay nito, muling iginiit ni Villanueva ang agarang pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations para sa Trabaho para sa bayan act upang…

Read More

P1.6-M ECSTASY NASABAT SA NAIA

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang inbound express cargo na naglalaman ng dangerous drug, tinatayang aabot sa P1.6 milyon ang halaga. Ayon kay BOC-NAIA District Collector Yasmin Mapa, idineklara ang mga ito bilang vitamins supplements, baby wash at body wash, at itinago sa loob ng bagahe. Nadiskubre ang mga ito matapos ipadaan ang bagahe sa 100 percent physical examinations. Nakita sa loob ng bagahe ng suspek ang 995 piraso ng tableta ng methylenedioxymethampheta o kilala sa tawag na ecstasy.…

Read More

APPROVAL NG DFA BUDGET POSIBLENG IPA-RECALL

POSIBLENG ibalik sa pagtalakay ng Senado ang panukalang P24 bilyong pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa susunod na taon kahit una na itong inaprubahan. Ito ang binigyang-diin ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa upang matalakay ang usapin kaugnay sa pag-iisyu ng Philippine passports sa mga dayuhan na nagpanggap na mga Pinoy. Nababahala si dela Rosa na posibleng makaapekto sa national security ang naturang gawain. “For all we know, paggising natin one day, itong mga kapitbahay pala natin, may passport na ng Pilipino.” Una nang binawi ng Senado ang…

Read More