PALABOY BAWAL LIMUSAN – DSWD

HINIKAYAT ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na huwag agad-agad magbigay ng limos sa street dwellers lalo pa’t nalalapit na ang Kapaskuhan. Ang katwiran ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, “We discourage them po sa alms giving, sa paglilimos kasi encourage lang natin ating mga kababayan na manatili sa kalsada.” Matatandaang, nakasaad sa Presidential Decree 1563 sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na pinarurusahan ang mga taong nahuhuling nagbibigay ng limos. Pinagmumulta ang mga ito at ikinukulong ng hanggang apat na taon.…

Read More

RATING NI DIGONG HINATAK PABABA NG CIF COMMENT?

NALAGLAG sa ikalawang pwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa latest Tangere Senatorial Survey na isinagawa nitong November 2-4, 2023, ilang linggo matapos itong magalit hinggil sa pag-alis ng Kongreso sa “Confidential and Intelligence Fund” (CIF) ng anak nito na si Vice President Sara Duterte. Mula 62.42 percent noong Setyembre, nabawasan ng 5 points ang voter preference ng dating pangulo, at ngayon ay nasa 57.39 percent lang. Dahil dito, umakyat si ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa number 1 spot mula sa 2nd place na nakakuha ng 60 percent voter preference.…

Read More

TULONG IPINAABOT SA PAMILYA NG PINATAY NA BROADCASTER

PERSONAL na inabot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) USec. Paul Guttierez ang P250,000 sa pamilya ng pinaslang na brodkaster na si Juan Jumalon na galing kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. “It’s difficult na biglang mawala ang bread winner ng pamilya dahil hindi alam ng mga naiwan kung papaano magsimula muli,” ayon sa statement mula sa Office of the Speaker. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga naulila ng broadcaster na mas kilala bilang “DJ Johnny Walker” kay Speaker Romualdez at sa lahat ng tumutulong sa kanila tulad…

Read More

12TH OFW & FAMILY SUMMIT 2023 UMARANGKADA SA LAS PIÑAS

Umarangkada kaninang umaga sa lungsod ng Las Pinas ang Ika 12th OFW & Family Summit 2023 na may temang Masaganang Kabuhayan para sa OFWs and Families. Mahigit sa 3,000 OFWs ang dumalo ngayong taon kasama ang Villar Foundation officials na nagtatag nito na sina dating Senate President Manny Villar, Senadora Cynthia Villar, Senador Mark Villar at Congresswoman Camille Villar. Layunin nito na kilalanin ang kabayanihan at sakripisyo ng mga OFWs at turuan sila na harapin ang panibagong subok sa buhay kung saan tuturuan sila ng Villar Foundation kung paano magkaroon…

Read More

Ginamitan uli ng water cannon PH NAVY RESUPPLY MISSION MULING HINARAS NG CHINA

MAS naging agresibo ang China Coast Guard nang muli nilang gitgitin ang mga barko ng Pilipinas na magsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal, nitong Biyerness at gamitan sila ng water cannon at salubungin ng dangerous maneuvers sa bahagi ng West Philippine Sea. Agad na kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea, ang ginawang pag-harass at ‘dangerous maneuvers’ ng CCG at China Maritime Militia sa supply boats ng Pilipinas na Unaizah Mae 1 at M/L Kalayaan bandang alas-7:00 ng umaga. “China Coast Guard (CCG) and Chinese Maritime…

Read More

NAGTAMPO SA KARELASYONG TOMBOY, SALESLADY NAGBIGTI

BUNSOD ng tampuhan na umabot pa sa social media, isang 26-anyos na saleslady ang umano’y nagbigti sa inuupahang silid sa Brgy. 18, Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Christine, tubong San Juan Batangas, dalaga, naninirahan sa nabanggit na lugar. Batay sa ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro ng Manila Police District -Homicide Section, bandang alas-6:00 ng gabi nang madiskubre ng kinakasama nitong tomboy ang nakabigting biktima sa kisame ng inuupahan nilang silid sa ikalimang palapag. Ayon sa karelasyong tomboy, ilang beses siyang kumatok sa silid…

Read More

DESTAB VERSUS PBBM ITINANGGI NG STORM

MARIING itinanggi ng grupong September Twenty One Reform Movement (STORM) na may kinalaman ang kanilang hanay sa tangkang destabilisasyon laban sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa ginanap na pulong balitaan sa Pandesal Forum sa Quezon City, itinanggi ng retired military personnel na kasapi rin ng grupong September Twenty One Reform Movement, na bahagi sila ng pagpaplano ng destabilisasyon laban sa Marcos Jr. administration. Sinabi ni STORM convenor at Philippine Military Academy Alumnus Bob Yap, kailanman ay hindi sila nakikisali sa anomang usapin para pabagsakin ang kasalukuyang pamahalaan. Sa…

Read More

12 TAUHAN NG SDEU NG MPD STATION 14 SINIBAK

INALIS sa pwesto ang 12 tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District makaraang ireklamo sa umano’y ilegal na anti-drug operations kung saan dalawang indibidwal ang pinasok sa bahay sa Tondo, Manila kamakailan. Ayon sa reklamo, nang damputin umano ang dalawang babae na sinasabing tulak ng iligal na droga, imbes na dalhin sa presinto ay dinala ang mga ito sa tabi ng Station 14 sa Quiapo, Manila at hiningian ng P45K kapalit ng kanilang kalayaan. Nang makarating ito kay Police Lieutenant Colonel…

Read More

3 PRIME SUSPECTS SA JUMALON ROBBERY-SLAY CASE KINASUHAN NA

HABANG tinatapos ang isinasagawang case build-up ng binuong Johnny Walker Special Investigating Task Group na siyang tumututok sa pagsisiyasat sa pinaslang na radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker”, ay kinasuhan na ang tatlong hinihinalang pangunahing mga suspek sa krimen. Sa huling updates sa kaso ni Jumalon, sinampahan ng patong-patong na kaso ng Philippine National Police (PNP), sa piskalya ang tatlong hindi na muna pinangalanang indibidwal na hinihinalang may kaugnayan sa brutal na pagpaslang at pagnanakaw sa radio broadcaster ng 94.7 Calamba Gold FM noong…

Read More