HINDI pumayag ang mga Bulakenyo sa 19munisipalidad at tatlong siyudad sa lalawigan ng Bulacan na maging Highly Urbanized City (HUC) ang Lungsod ng San Jose Del Monte base sa naging resulta ng plebesito kasabay ng isinagawang Barangay and Sangguniang Kabataan Election 2023 noong Oktubre 30. Base sa official result mula sa inilabas na certificate of canvass ng Board of Canvassers ng Commission On Election (COMELEC) sa Bulacan, nasa 820,385 Bulakenyo ang bumoto ng “NO” sa HUC habang nasa 620,707 naman ang bumoto ng “YES”. Ayon sa record, ang boto ng…
Read MoreCategory: METRO
HIGIT 100 IBON AT SASABUNGING MANOK, NILASON
CAVITE – Tatlo katao ang inaresto ng Cavite Police dahil sa hinihinalang paglalagay ng lason sa feeds na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit isang daang mga ibon at sasabungin na manok sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong cruelty to animal (alleged poisoning), at paglabag sa Animal Welfare Act, at malicious mischief ang mga suspek na sina alyas “Jojo”, “Alvin” at “Jake”, pawang nasa hustong edad, dahil sa reklamo ng may-ari ng mga ibon at mga sasabunging manok. Ayon sa reklamo ng may-ari,…
Read MoreOBRERO ARESTADO SA FRUSTRATED MURDER
NASA kritikal na kondisyon sa Philippine General Hospital (PGH) ang isang 24-anyos na construction worker makaraang saksakin sa tiyan ng kapwa obrero sa Block 4, New Site, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila nitong Miyerkoles ng umaga. Agad namang nadakip ang suspek na kinilalang si Jayson Varona, 47, tubong Palo, Leyte, dahil sa maagap na aksyon ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13. Inoobserbahan sa nabanggit na pagamutan ang biktimang si Jaba Sawajaan, 24, ng Barangay 649, Baseco…
Read MorePAGHABOL SA HOARDERS AT DESISYON LABAN SA CIF NAG-AMBAG SA RATINGS NI ROMUALDEZ
Nakapagtala nang pagtaas ng anim na puntos ang performance at satisfaction rating ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pinakahuling survey na isinagawa ng independiyenteng OCTA Research Group sa mga high ranking government officials ng Pilipinas. Batay sa naturang survey, na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, tanging si Romualdez sa matataas na opisyal ng bansa, na kinabibilangan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Vice President Sara Duterte at Senate President Juan Miguel Zubiri, ang may malaking inakyat ang rating. Nabatid na pumalo sa 61% ang performance at satisfaction rating…
Read MoreBSKE 2023 GENERALLY PEACEFUL – COMELEC
MAITUTURING pa rin na “generally peaceful” ang idinaos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila ng mga insidente ng karahasan na naitala sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Sa pagsasara ng botohan dakong alas-3:00 ng hapon, idineklara ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na maituturing ang 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections bilang “generally peaceful and orderly” sa likod ng naitalang limang namatay sa mismong araw ng eleksyon. Maging ang Armed Forces of the Philippines ay nagsabing naging payapa naman…
Read More6 CHINESE, 3 PINOY KINIDNAP SA MUNTINLUPA
SIYAM na indibidwal, kabilang ang anim na Chinese nationals at tatlong Pilipino ang kinidnap ng hindi kilalang mga suspek sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City noong lunes ng madaling araw. Pagkaraan ay pinakawalan ng mga kidnapper ang tatlong Pilipino na sina Henry Catapat, Marian Arambulo at Jhon Ray Catapat sa Brgy. Limao, Calauan, Laguna subalit tangay pa rin ang 6 na dayuhan kabilang ang Chinese employer ng mga biktima na si Ceng Chi Liang. Batay sa report ng Calauan Police, nasa bahay ng kanilang employer sa Sampaca Street, Ayala Alabang…
Read More3 FLYING VOTERS HULI SA BINONDO
TATLONG indibidwal na pawang mga residente ng Caloocan City, ang nagtangkang bomoto gamit ang pangalan ng ibang tao sa Raja Solaiman High School sa Urbiztondo St., Binondo, Manila. Ayon sa mga tauhan ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, bandang alas-11:00 ng umaga habang nasa kasagsagan ang botohan para sa SK at Barangay officials, nang dumating ang tatlong lalaki para bumoto. Nabatid mula sa isang hindi na pinangalanang poll watcher, na nakahalata umano niya na hindi tunay na pangalan ng mga suspek ang gamit ng mga ito nang magtungo sa…
Read More2 DALAGITA GINAHASA NG 3 LALAKI SA PORT AREA
ARESTADO sa follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang dalawa sa tatlong lalaking gumahasa umano sa dalawang dalagita sa sa11th at 12 Streets sa Port Area, Manila, iniulat ng pulisya. Nahaharap sa kasong statutory rape at slight illegal detention ang arestadong mga suspek na kinilalang sina Alejandro Galera, 25; Michael Politico, 28, habang patuloy na tinutugis ang nakatakas na si Rolando Garela. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, itinawag ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, commander ng MPD-Sta.…
Read MoreWRITER NG RAPPLER KINASUHAN
NAHAHARAP sa kasong cyber libel ang isang beteranong mamamahayag base na rin sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI). Si Fermin Diaz ay inireklamo sa maraming bilang ng malisyoso at walang basehan umanong artikulo nito na inilabas sa digital news site na Rappler nitong Agosto. Nag-ugat ang reklamo sa isang artikulo ni Diaz na nagkaroon umano ng sabwatan ang pribadong kumpanya na KPP Powers Commodities, Inc. sa regulatory agencies upang mapabilis ang pagpapalabas ng lisensya at pagbenta ng swine vaccine mula sa Vietnam. Pinalabas umano ni Diaz na inaprubahan…
Read More