KUNG mayroong dapat asikasuhin ang bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials, ito ay ang mga bisyo sa kanilang mga barangay partikular na sa sugal at sigarilyo. Ito ang pahayag ni Manila Rep. Bienvenido Abante, chairman ng House committee on human rights. Bukod dito, pinayuhan ni Abante, ang mga bagong halal na opisyal na huwag magpatianod sa sistema at tuparin ang kanilang pangakong pagbabago sa kanilang barangay. “The erosion of our values can either be prevented or abetted in our communities. I pray that our new barangay leaders…
Read MoreCategory: METRO
UMIIHI SA PADER HULI SA PATALIM
HINDI nakalusot sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang isang 19-anyos na lalaki makaraang makumpiskahan ng patalim nang sitahin habang umiihi sa pader noong Lunes ng hapon sa A. Mabini St., malapit sa Quirino Avenue, Malate, Manila. Bukod sa kasong paglabag sa City Ordinance 1054 (Urinating in Public Place), nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance 864-C (Concealing Deadly Weapon), in relation to Omnibus Election Code, ang suspek na si “Adrian”, ng Malate, Manila. Base sa ulat ng pulisya, habang nagpapatupad ng anti-criminality…
Read MoreMPD KASADO NA SA UNDAS
MAHIGPIT na seguridad ang ipatutupad ng pamunuan ng Manila Police District sa paggunita ng All Saints day at All Souls Day sa Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 2, sa limang sementeryo ng lungsod ng Maynila. Sa North Cemetery sa Blumentritt Street, Sta. Cruz, Manila, si Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng MPD- Station 3, ang ground commander, kaagapay si Police Major Mark Apostol, hepe ng Blumentritt PCP. Sa La Loma Cemetery, itinalagang ground commander si Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, ang commander ng Jose Abad Santos Police Station 7.…
Read MoreP2.3-M SMUGGLED AGRI-FISHERY PRODUCTS NASABAT NG DA-IE
MAY kabuuang P2,310,000 milyon halaga ng smuggled agri-fishery products mula China at Vietnam ang napasakamay ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement ((DA-IE) noong nakaraang linggo. Sa ulat ni DA-IE Head, Assistant Secretary James A. Layug, ang pagkakasamsam sa smuggled na agri-fishery products ay bunga ng pinagsanib na operasyon na pinamunuan ng DA-IE sa magkahiwalay na anti-smuggling operation at food safety inspection sa Navotas City at Cavite noong October 12, 2023. Ayon kay Layug, alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na paigtingin ng DA ang laban sa agricultural…
Read MorePAGPAPALAKAS SA EXTERNAL DEFENSE NG PINAS HIRIT NI TULFO
NANAWAGAN si House Majority Floor Leader Erwin Tulfo sa Executive Department at sa mga kasamahan sa lehislatura na mag-focus na sa pagpapaigting sa depensa ng Pilipinas laban sa mga bansa na gustong sumakop dito. Sa isang panayam sa radyo kamakailan, sinabi ni Cong. Tulfo na napapanahon na ring pagtuunan ng pansin ang depensa ng bansa sakaling lusubin ito mula sa labas. Ayon kay ACT-CIS Rep. Tulfo, “ilan taon nating pinalakas ang ating AFP (Armed Forces of the Philippines) at PNP (Philippine National Police) laban sa sa mga rebelde at terorista”.…
Read MoreMAPAYAPANG BSKE PANAWAGAN NG KAMARA
NANAWAGAN si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa lahat ng kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong araw na panatilihin ang isang mapayapa at maayos na halalan. Ang panawagan ni Romualdez ay bunsod na rin sa pagpatay sa mahigit 20 mga kandidato ng BSK election nitong mga nagdaang araw sa buong bansa. “Nakikiusap tayo sa lahat ng kandidato na siguraduhin na mapanatili nila ang kapayapaan sa kani-kanilang mga lugar,” ayon kay Speaker Romualdez. Paliwanag ng lider ng Kongreso,” magre-reflect sa inyo mismo na magulo ang inyong lugar at…
Read MorePUBLIKO PINAG-IINGAT SA PAGTAAS NG TYPHOID CASES
SA gitna ng pagtaas ng kaso ng typhoid sa bansa, nanawagan si Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go sa mga Pilipino na maging vigilante at palagiang iprayoridad ang kanilang kalusugan. Hinimok ni Go ang publiko na palagiang tiyakin ang kalinisan sa katawan at agad na magpakonsulta sa sandaling may naramdamang hindi Maganda sa katawan. Ito ay makaraang ilabas ng Department of Health ang datos na umabot na sa 17,531 ang kaso ng typhoid ngayong taon. Ang bilang ng typhoid cases mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon ay mataas…
Read MorePNP MEDIA ACTION CENTER MINOBILISA PARA SA BSKE 2023
SINIMULAN nang imobilisa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Media Action Center para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes. Inihayag ni PNP Public Information Office Chief P/Col. Jean Fajardo, noong Miyerkoles ay nagsimula nang pakilusin ng PNP ang kanilang Media Action Center mula sa national headquarters sa Camp Crame hanggang sa regional headquarters sa buong bansa. Nabatid na ito ang magiging balon ng impormasyon ng mga mamamahayag kaugnay sa mga kaganapan na may kaugnayan sa BSKE 2023. Bukod sa itinalagang mga tauhan ng PNP ay…
Read MoreMEDICAL MARIJUANA SUPORTADO NI HERBOSA
SINUPORTAHAN ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang legalisasyon ng medical use ng cannabidiol (CBD) o medical marijuana, na isinusulong ng mga mambabatas, kabilang ang dating Pangulo na si House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Ito ang isiniwalat ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte habang naghahanda ang Kongreso sa pangunguna ng House Committee on Dangerous Drugs at Committee on Health, sa pag-apruba sa substitute bills sa 9 panukalang batas sa Kongreso para gawing legal ang paggamit ng CBD sa bansa. “We are in favor of the legalization of…
Read More