KASUNOD ng utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tutukan at resolbahin sa lalong madaling panahon ang kaso ng pagpatay kay radio broadcaster Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” sa Calamba, Misamis Occidental, nagpalabas na ang Philippine National police ng composite sketch ng isa sa mga suspek sa pamamaslang. Kinumpirma ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr., may inilabas nang computerized sketch ang binuong Special Investigation task Group na siyang tumututok sa kaso ng pinaslang na radio broadcaster. “May (sketch na ng suspek). They (SITG) were able to review all…
Read MoreCategory: METRO
BANTAG AT BUCOR DEPUTY OFFICER TINUTUGIS PA RIN NG PNP
ITO ang ginawang pagtiyak kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP chief, Police General Benjamin Acorda Jr., hindi pa rin nilulubayan ng ilang tracker ng pambansang pulisya ang paghahanap kina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief, Gerald Bantag at dating BuCor deputy officer Ricardo Zulueta. Mahigit isang taon na ang nakalipas, sina Bantag at Zulueta ang sinasabing utak sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong Oktubre 2022 at sa whistleblower inmate na si Jun Villamor. Sinabi ni Acorda, umaasa ang Pambansang Pulisya sa positive…
Read MorePNP AT AFP, 100 PERCENT NASA LIKOD NI PBBM
KASUNOD ng naging pahayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine, tiniyak din ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Benjamin Acorda Jr., ang 100 porsyentong suporta ng buong pwersa ng Pambansang Pulisya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ginawa ni General Acorda ang pahayag kasunod ng ulat na may namumuo umanong destabilisasyon laban kay Pangulong Marcos, na una nang itinaggi ng AFP. Magugunitang mariing inihayag ng pamunuan ng AFP at maging ng tanggapan ng National Security Adviser na ‘misquoted’ at ‘taken out of context’ lamang ng media…
Read MoreMAS MATAPANG NA AKSYON SA WPS PINAG-AARALAN NG KONGRESO
PINAG-AARALAN ngayon ng Kongreso para irekomenda sa Executive Department ang mas matapang na aksyon o sagot ng Pilipinas sa pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, maraming pamamaraan pa para tapatan ng Pilipinas ang pambu-bully ng China bukod sa mga diplomatic protest. “For one, we can give what our Coast Guard and Navy need right away,” ayon kay Speaker Romualdez. Dagdag pa niya, “another is allowing our allies to patrol the West Philippine Sea anytime para masiguro ang malayang paglalayag sa naturang…
Read MorePaghahanda sa umiinit na sitwasyon sa WPS MODERNIZATION NG AFP TINUTUTUKAN NG DND
TINUTUTUKAN ng Department of National Finance ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines, patunay rito ang pagbisita ng ilang senior officials ng DND sa dalawang pangunahing South Korean defense equipment manufacturer. Ayon kay DND spokesperson, Director Arsenio Andolong, isang delegasyon mula sa kanilang kagawaran ang nagtungo sa South Korea para silipin ang dalawang malaking armed industry sa Korea. Ito ay sa gitna ng lumalakas na panawagan mula sa iba’t ibang sektor na pabilisin ang isinasagawang Armed Forces of the Philippines Modernization Program (AFPMP) dahil sa umiinit na sitwasyon…
Read MoreVENDOR TIMBOG SA PATALIM SA SEMENTERYO
INARESTO ang isang 23-anyos na binata makaraang makumpiskahan ng patalim habang ginugunita ang Undas noong Nobyembre 1 ng umaga sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila. Nanlaban pa umano nang arestuhin ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Antonio De Luna, 23, vendor, ng Barangay 372, Manila North Cemetery, Sta. Cruz, Manila. Batay sa ulat na isinumite ni Police Major Mark Dave Apostol, hepe ng Manila Police District-Blumentritt Police Community Precinct, kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng MPD- Sta Cruz Police Station 3, at ground commander…
Read MoreNATALSIKAN NG PUTIK NANAKSAK, 1 PATAY
NALAGUTAN ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 21-anyos na stay-in employee sa isang printing shop, nang saksakin sa dibdib ng isang lalaki noong Miyerkoles ng gabi sa Claro M. Recto Avenue, Barangay 310 , Sta. Cruz, Manila. Kinilala ang biktimang si John Mark Oliva, binata, stay-in sa JDM printing shop sa nasabing lugar Agad namang nadakip sa ikinasang anti-criminality campaign ng mga tauhan ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Manila Police District – Alvarez Police Community Precinct (PCP), ang suspek na…
Read MoreMGA SUNDALONG NAGBUWIS NG BUHAY DAPAT DING ALALAHANIN SA UNDAS
KASABAY sa paggunita ng Todos Los Santos at All Souls Day ay pinaalalahanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga Pilipino na sana ay alalahanin din at gawaran ng parangal o pagkilala ang mga nasawing sundalo na gumawa ng sukdulang sakripisyo sa paglilingkod sa bayan. Ayon kay General Brawner, gamitin ang pagkakataong ibinigay ng mga bayani upang muling buhayin ang kanilang pangako na patuloy na paglingkuran ang bayan. Sinabi ni Brawner, bukod sa pagpapatibay ng pananampalataya, ang buhay ng magigiting na mga mandirigmang…
Read MoreMAHIGIT 3M PINOY DUMAGSA SA MGA SEMENTERYO
MAHIGIT sa tatlong milyong Pilipino ang dumagsa sa mga sementeryo kaugnay sa paggunita ng sambayanan sa Todos Los Santos na sinasabing maituturing na mapayapa sa pangkalahatan. Sa isinumiteng ulat ng mga local government at kanilang pulisya, sinasabing umabot sa 3 milyong Pinoy ang dumagsa sa mga sementeryo sa paggunita sa Undas 2023. “Kahapon, (kamakalawa) araw ng Miyerkoles ay umabot ng halos 3 million ang na-monitor po nating pumasok at lumabas ng mga sementeryo natin nationwide,” ani Philippine National Police spokesperson, Col. Jean Fajardo. Hanggang sa paggunita sa All Souls Day…
Read More