ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal sa ikinasang entrapment operations dahil sa illegal medical practice. Base sa ulat ng NBI-Western Visayas Regional Office (NBI- WEVRO), kinilala ang mga arestado na sina “Ivonne”, “Roselyn”, at “Michelle”, pawang nahaharap sa kasong estafa, paglabag sa Cybercrime Crime Act at Medical Act of 1959. Nag-ugat ang pagdakip sa mga suspek sa reklamo ng isang complainant hinggil sa maling non-surgical procedure para sa beauty treatment na ginawa ng umano’y cosmetic surgeons/aesthetic practitioners ng Angel’s Pretty Aesthetic Beauty Lounge…
Read MoreCategory: METRO
HUC NG SJDM SUPORTADO NG BULACAN MAYORS
SINUPORTAHAN ng lahat ng municipal at city mayors sa Bulacan ang panukalang i-convert bilang Highly Urbanized City (HUC) ang City of San Jose del Monte (CSJDM) na tanging lone district ng nasabing lalawigan. Ito ang nilalaman ng Manifesto ng Pagsuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan” ng League of Municipalities of the Philippines, Bulacan na nilagdaan ng 23 Local Government. “Kaming mga halal na Punong Bayan ng iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa Lalawigan ng Bulacan ay nagkakaisa at buong tibay na sumusuporta sa Lungsod ng San Jose…
Read More3 ARMADONG INDIBIDWAL TIMBOG SA SUGAL
NAKUMPISKAHAN ng baril at patalim ang tatlong indibidwal na naaktuhan habang nagsusugal sa isang eskinita sa Gate 18, Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga arestado na sina “Abraham”, 32, helper; “Jeson”, 23, porter, at “Jackson”, 29-anyos. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Charmaine Duenas, ng Police Community Precinct 3, sakop ng Manila Police District- Delpan Police Station 12, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang dambahin ng mga awtoridad ang tatlo habang nagsusugal ng cara y cruz sa nasabing lugar. Nabatid mula…
Read MoreRESPONSABLE SA HIT AND RUN SA MAKATI, TINUTUGIS
INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagpapalabas ng Show Cause Order sa rehistradong may-ari ng sasakyan na naaksidente sa kalsada ngunit piniling tumakas sa Makati City. Ang utos ni Mendoza ay bilang tugon sa paghingi ng tulong ng may-ari ng sasakyan na nabangga ng kulay kahel na MG ZS na may plakang NIF 2282, sa kahabaan ng southbound ng Ayala Tunnel sa Makati City noong Oktubre 23. Sa Facebook post, sinabi ng driver ng sasakyan na may kasama siyang dalawang senior…
Read MoreAIRPORT POLICE IMBESTIGAHAN DIN SA ANOMALYA SA PALIPARAN
INIREKOMENDA ng Bureau of Immigration na imbestigahan din ang airport police kaugnay sa mga ilegal na aktibidad sa mga paliparan. Sa pulong balitaan sa Harbor View ng Manila City Hall Reporter’s Association (Machra) sa kanilang 1st anniversary, inamin ni BI Commissioner Norman Tansingco, na may airport police na nasangkot sa “escort service”. “Hindi nga lamang natuloy dahil naharang ng mga immigration officer, kasi kapag may ilegal na nangyayari sa airport, ang itinuturo ay immigration officer,” ayon kay Tansingco. Hiniling din ni Tansingco sa Manila International Airport Administration (MIAA) na imbestigahan…
Read More1 PATAY SA SUNOG SA MOTOR TANKER
ISA ang patay makaraang masunog ang isang motor tanker Sea Horse sa Alpha Anchorage Area, Batangas noong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa PCG-Batangas, agad silang nakipag-coordinate sa Bureau of Fire Protection at sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office para humingi ng tulong hinggil sa insidente. Mabilis namang naglunsad ng search and rescue operation para sa kinakailangang tulong. Samantala, tatlong tugboat, kabilang ang Motor Tug Great Lark, Motor Tug Sedar 7, at Motor Tug Sedar 8, na malapit sa pinangyarihan ng insidente,…
Read MoreUS AT PHL SECURITY ADVISERS NAG-USAP SA SEGURIDAD SA WPS
NAG-USAP sina United States National Security Advisor Jake Sullivan at National Security Advisor Eduardo M. Año ng Pilipinas, matapos ang umano’y sinadyang banggaan sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia vessels nitong nakalipas na linggo. Kasunod ito ng ginawang pagpapasalamat ng Department of National Defense sa iba’t ibang mga bansang nagpahayag ng pagsuporta sa Pilipinas matapos ang pinakahuling insidente ng pangha-harass ng China sa tropa ng militar ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, bunsod ito ng…
Read MoreESTUDYANTE NAG-GOOD TIME, KINUYOG SA LABAS NG BAR
HUSTISYA ang hiling ng mga magulang ng 20-anyos na lalaking estudyante na namatay makaraang pagtulungang bugbugin ng ilang kalalakihan sa labas ng isang beerhouse sa North Bay Boulevard, Barangay 148, Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Randell Bonifacio, residente ng Tondo, Manila. Patuloy namang nangangalap ng testigo ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, para sa ikadarakip ng mga suspek. Base sa ulat ni Chief Master Sergeant Gil Bunagan, bandang alas-5:30…
Read MoreARAW-ARAW NA BAKLASAN SA MGA KANDIDATONG PASAWAY
IKINASA ng Commission on Elections (Comelec) ang araw-araw na pagbaklas sa mga illegal campaign materials ng mga pasaway na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kahit araw-araw magkabit sa mga ipinagbabawal lugar ang mga kandidato ay araw-araw rin nilang babaklasin ang mga ito. Nasampolan ng Oplan Baklas ng Comelec kahapon ng tanghali sa lungsod ng Maynila ang posters na nakakabit sa mga kawad ng kuryente at nakadikit sa poste ng Meralco. Binaklas din ng Comelec ang mga mala-banderitas na posters na…
Read More