KINONDENA ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panibagong aksyon ng China sa West Philippines Sea. Iginiit ni Romualdez na nagkakaisa ang Kongreso para kondenahin ang ginawa ng China sa tangkang pagharang sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “We, in the House of Representatives, strongly condemn the recent acts of China, which resulted in the collision of its coast guard vessel 5203 with the private resupply vessel of the Armed Forces of the Philippines,” ayon sa pahayag ni Romualdez. “These actions not only endangered the lives of…
Read MoreCategory: METRO
JEANLY LIN UMAANI NG SUPORTA SA NOVA
PATOK sa hanay ng mga kabataang botante ang dalagitang philanthropist na tumatakbo sa posisyon na Sangguniang Kabataan chairperson sa Barangay San Bartolome, Novaliches sa Quezon City. Lumitaw sa isang non-commissioned survey na isinagawa ng Eidiya Research Group, nakuha ni Jeanly Lin ang pinakamataas na awareness rating na 89% mula sa mga batang respondent na may edad 15 hanggang 30 taong gulang sa Barangay San Bartolome. Ang mahigpit nitong katunggali na si Judielyn Francisco ay pumapangalawa na may 75% awareness rating. Sa kategorya ng preference rating (napupusuan), nanguna pa rin si…
Read MoreINARKILANG BANGKA NG PH NAVY BINANGGA NG CHINESE VESSEL
UMANI ng pagkondena sa iba’t ibang diplomatic mission sa Pilipinas ang panibagong pagtatangka ng China sa harangin ang rotation and resupply mission ng Philippine Navy sa BRP Sierra Madre sa dagat malapit sa Ayungin Shoal na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na nagresulta sa banggaan sa West Philippine Sea. Sa ulat na ipinarating ng National Task Force for the West Philippine Sea, bandang alas-6:04 kahapon ng umaga ay nabangga ng isang Chinese militia vessel ang isang inarkilang bangka ng Philippine Navy. “At around 0604H this morning, while…
Read MoreNATIONAL CYBER SECURITY OFFICE ITATAG – TULFO
HINILING ni House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anomang pag-atake ng hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa. Ginawa ni Rep. Tulfo ang kahilingan matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng hackers sa mga computer data system at websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad sa PhilHealth, Department of Information, Communication and Technology (DICT) at maging ng House of Representatives. Ayon kay Cong.…
Read MoreSAUDI INVESTORS KUMPIYANSA SA PINAS
BUKOD sa $4.26 billion investment deal ng Saudi Arabia sa Pilipinas, $120 million dollar na puhunan naman ang ipinangako ng private companies nito. Ayon sa Pangulong Marcos ang nasabing halaga na ilalagak ng Saudi companies sa bansa ay magbubukas ng 15,000 na trabaho partikular sa construction sa Pilipinas. “The amount of investment deal by the Saudi government and the private corporations to the Philippines clearly show kung gaano katiwala ang Kingdom of Saudi Arabia at mga negosyante dito sa Pilipinas para maglaan ng malaking halaga,” ayon kay House Speaker Ferdinand…
Read MoreP1.23-B CONFI FUNDS REALIGNMENT SUPORTADO NG MINDANAO LAWMAKERS
UMANI ng suporta sa mga kongresista mula sa Mindanao ang desisyon ng liderato ng Kamara de Representantes na ilipat ang kabuuang P1.23 bilyong confidential fund sa mga ahensya na nagbibigay ng seguridad sa bansa. Ayon kina Davao del Sur Lone District Rep. John Tracy Cagas at Misamis Oriental Rep. Christian S. Unabia, malinaw na may kapangyarihan ang Kamara na baguhin ang panukalang budget para maging naaayon ito sa pangangailangan ng bansa. Punto ni Rep. Cagas, hindi na bago ang ginagawang paglilipat ng pondo ng Kamara at paulit-ulit umano itong nangyayari…
Read MoreHangad na pagbabago-Inye Pacleb nanguna sa survey
HANGARING pagbabago sa pamayanan ang nagbunsod sa pangunguna ng isang dating Barangay Kagawad ng kamtin ang malaking pagtangkilik ng botante kaysa dalawang katunggali nitong kandidato sa pagka Kapitan ng Barangay Dolores sa bayan ng Taytay, batay sa isang non-commissioned survey na isinagawa ng Eidiya Corporation. May 1,845 selected registered voters ang lumahok sa survey at nakamtan ni Inye “Tolkap” Pacleb ang 49 porsiyento pagtangkilik ng mga responde, nakakuha si Rupe Tapawan ng 30% habang si DI Cayton na ay 12%, at may 10 % ang undecided. Masisipi ang pangunguna ni…
Read MoreAI APPS IPINAGBAWAL SA DND AT PNP PERSONNEL
IPINAG-UTOS ni Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro sa lahat ng mga tauhan ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippine na tigilan na ang paggamit ng trending digital application na AI photo generator apps, dahil sa privacy at security risks na nakapaloob sa nasabing application. Sa inilabas na memorandum order na may petsang Oktubre 16, inutos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga tauhan ng DND at AFP na huwag gumamit ng artificial intelligence (AI) photo generator applications. Paliwanag ng kalihim, may mga nakalap na silang…
Read MoreBSKE BETS SA QC PINADIDISKWALIPIKA
NAIS ipadiskwalipika sa Commission on Elections (Comelec) ang ilang kandidato sa pagka-punong barangay at kagawad sa Barangay San Bartolome, Quezon City dahil umano sa premature campaigning at vote-buying. Sa reklamong inihain nina Jon Jon Francisco, Pedro Villanueva at Cora Cuadra sa Comelec, hiniling nila na mapatawan ng diskwalipikasyon ang mga kandidatong sina Francisco Delfin, Jr., Lovely Capiral, Napoleon Ocampo, Dondon Elman, Kyle Bigcas, Jun Coronado, Ron Espiritu at Jesus Lomboy. Base sa reklamo, tahasan umanong lumabag sa kautusan ng Comelec ang mga nabanggit sa paglalagay ng campaign materials o mga…
Read More