3 ‘PALSIPIKADOR’ TIMBOG SA TONDO

ARESTADO ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District ang tatlong umano’y mga palsipikador ng mga dokumento, sa magkakahiwalay na lugar sa Tondo, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Unang isinilbi ang warrant of arrest sa isang Kino Hero, 30, ng Barangay 227, Zone 21, Tondo, na inaresto dakong alas-6:50 ng gabi Sa F. Yuseco St. at Dagupan Extension sa Barangay 155 sa Tondo. Pangalawang nadakip ang suspek na si Renz Makuha, 20, ng Barangay 182, Tondo, nang mamataan ito dakong alas-7:30 ng gabi sa…

Read More

MGA NABIKTIMA NG 5 PULIS MAYNILA PINALULUTANG

NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa iba pang naging biktima ng limang pulis-Maynila na lumutang at maghain ng kaso. Ito ang apela ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, makaraang sumuko kamakalawa ng gabi kay PAOCC Chairperson Usec. Gilbert Cruz ang mga inirereklamo na kinilalang sina P/SSg. Ryan Paculan, P/SSg. Jan Erwin Isaac, P/Cpl. Jonmark Dabucol, Pat. Jeremiah Pascual, at Pat. Jhon Lester Pagar. Agad ding iniharap ang mga ito kay PNP chief, Police Gen. Benjamin Acorda Jr. Ayon kay Fajardo, dapat makipag-ugnayan sa mga awtoridad ang mga…

Read More

3 TIMBOG SA DROGA

BAGSAK sa selda ang isang 43-anyos na ginang na umano’y tulak ng ilegal na droga, at nadamay ang dalawang iba pa, sa inilatag na buy-bust operation sa Arellano Avenue, malapit sa Zobel Street, Malate Manila, nitong madaling araw ng Miyerkoles. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang target sa operasyon na si Analyn Sicat, ng Honorio Lopez Street, Balut Tondo, Manila. Timbog din sa operasyon sina alyas “Edwin”, 47, at alyas “Monching”, 35-anyos. Base sa ulat ni Police…

Read More

P750 MINIMUM WAGE, GIIT NG WORKERS

IGINIIT ng grupo ng mga manggagawa sa isinagawa nilang kilos-protesta noong Martes ng umaga sa Mendiola Bridge sa San Miguel, Manila, ang P750 minimum wage sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR). Ito ay makaraang ipatupad ng gobyerno ang dagdag sa minimum wage sa NCR na halagang P40 lamang. Pagkaraan ng isinagawang kilos-protesta ay payapa namang nilisan ng mga raliyista ang nasabing lugar. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police district- Barbosa Police Station 14, kabilang sa mga nagtipon-tipon sa nabanggit na lugar ang mga…

Read More

GOV’T NAGSISIKAP MAIBABA PRESYO NG BILIHIN – NOGRALES

NANINIWALA si House of Representatives’ Committee on Labor and Employment chair, at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na agresibo ang gobyerno na maibaba ang presyo ng pangunahing mga bilihin subalit kailangan itong sabayan ng mga pagsisikap. “Our efforts to improve workers’ quality of life should not stop with a wage hike. We also need to aggressively move to lessen the cost of commodities to increase workers’ purchasing power,” ani Nograles. Ito ay matapos na aprubahan ng regional wage board ang P40 increase sa minimum wage sa National Capital Region,…

Read More

LIMANG PULIS SA ROBBERY EXTORTION SUMUKO

SUMUKO sa tanggapan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang limang pulis Maynila na inakusahang pumasok sa computer shop sa Sampaloc, Manila para mangotong kamakailan. Sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), ang mga pulis na tauhan ng DPIOU ay boluntaryong sumuko kay PAOCC usec, Retired Police Major General Gilbert Cruz nitong Lunes ng hapon. Kahapon ay iniharap ni Manila Police District (MPD) Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon sa media ang limang pulis na kinilalang sina Patrolman Jhon Lester Pagar, Police Staff Sergeant Ryann…

Read More

NCRPO TULOY-TULOY SA PAGKALOS SA ‘BAD EGGS’

NABAWASAN ng pitong tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kaso. Ayon kay PNP NCRPO chief PBGeneral Jose Melencio Nartatez Jr., sinampahan na ng kaso ang limang pulis Maynila kaugnay sa kasong robbery extortion. Matatandaang sinalakay umano ng limang pulis ang isang computer shop sa Sampaloc na kalaunan ay kanilang ninakawan at tinakot ang may-ari para hingan ng lingguhang payola o lagay. Kahapon ay sumuko na ang mga inireklamong pulis na kinilalang sina Staff Sergeant Jan Erwin Isaac, Staff Sergeant Ryann Paculan, Corporal…

Read More

PILOT RUN NG FOOD STAMP PROGRAM KASADO SA TONDO

AARANGKADA ngayong araw ang “Walang Gutom 2027” program ng administrasyong Marcos sa isang komunidad sa Tondo, Manila. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), layon nito na makapagbigay ng P3,000 kada buwan sa inisyal na 50 pamilya mula sa Tondo. Ang kick-off ay palalawigin sa 3,000 pamilya na target para sa six-month pilot sa buong bansa. “After six months ng takbo ng programa, ng pilot, titingnan natin iyong resulta. Kung maganda iyong resulta, then we scale up, where it will be initially 300,000 na pamilya and then another…

Read More

IMPROVISED STORAGE FACILITIES TUTUTUKAN VS. PUSLIT NA BOTCHA

PINATUTUTUKAN sa mga awtoridad ang mga hinihinalang improvised storage facilities na pinagtataguan ng frozen meat products. Babala ng Department of Agriculture (DA), maaaring makulong ng hanggang 12 taon ang mga importer, distributors at mga reseller ng puslit na frozen meat o botcha base sa nakasaad sa Meat Inspection Code of the Philippines. Ang nasabing pahayag ay bunsod ng nadiskubreng storage facilities na pinag-iimbakan ng mga hinihinalang expired at smuggled frozen meat na nagkakahalaga ng Php 35 million sa Meycauayan, Bulacan kamakailan. Tinutunton pa ang mga reseller ng expired at smuggled…

Read More