SPEAKER IIMBITAHAN OIL COMPANIES DAHIL SA SUNOD-SUNOD NA OIL PRICE HIKE

IIMBITAHIN ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang lahat ng oil players sa bansa para hanapan ng solusyon ang halos lingguhang oil price hike. Ayon kay Speaker Romualdez, “The government is not insensitive sa sentimiyento ng mga mamamayan hinggil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang petrolyo”. “Pagtaas kasi ng presyo ng petrolyo, lahat tumataas din pero syempre dikta din yan ng world market,” ani Romualdez. “Isa pang problema ay mayroon tayong Oil Deregulation Law kaya tali ang kamay ng pamahalaan,” dagdag pa ng House Speaker. Ayon…

Read More

MAKATI DINAGSA NG REKLAMO SA SCHOOL SUPPLIES

DINAGSA ng reklamo ang Makati dahil sa mga palpak umanong school supplies na ipinamahagi nito sa mga estudyante. Ayon sa mga magulang na naglahad ng kanilang saloobin sa social media, hindi na kasya sa kanilang mga anak ang mga polo, shorts at sapatos na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan para sa pasukan. Matatandaang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na “annual tradition” ang pamamahagi ng mga nasabing school supply sa mga estudyante sa Makati. Sinabi pa nito na pati ang mga estudyante sa mga eskwelahan na sakop ng 10 EMBO…

Read More

QC BRGY. CAPTAIN, 2 PA KINASUHAN NG GRAFT

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Document ang kapitan ng Barangay Kaligayahan, Quezon City at dalawa pang opisyal kaugnay ng reklamong ghost payroll. Sina Brgy. Captain Alfredo “Freddy” Roxas, Kgwd. Arnel Gabito at Brgy. Treasurer Hesiree Santiago ng nasabing barangay ay inireklamo ni Arjean Abe. Si Roxas ay Ex-Officio Chairperson, Committee on Barangay Affairs ng Quezon City Hall. Sa reklamo ni Abe, nagtrabaho umano siya sa Brgy. Kaligayahan bilang isang teacher aide sa Day Care Center noong…

Read More

2 BARKONG PANDIGMA IBINIGAY NG US PARA SA WPS

SA gitna ng umiinit na tensyon sa karagatang sakop ng West Philippine Sea bunsod ng patuloy na panggigipit ng China sa pinag-aagawang mga teritoryo, nagdagdag ng dalawang barkong pandigma ang Philippine Navy sa kanilang armada. Ito ay matapos ang pagbabasbas at commissioning ng dalawang cyclone class warship na ibinigay ng United States government sa Pilipinas na ginastusan ng P780 million. Mismong si Defense Secretary Gilberto Teodoro at US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson ang nanguna sa pagbibinyag sa BRP 178 Ladislao Diwa at BRP 177 Vicente Diaz. Ayon…

Read More

Ayon sa Ombudsman KORUPSYON SA GOBYERNO ‘DI MAWAWALA, LUMALALA PA

“ANG corruption po ay hindi titigil sa ating bansa. Not during our lifetime.” Ito ang inamin ni Ombudsman Samuel Martires sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, hinggil sa budget ng kanyang tanggapan sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5.050 billion. Ayon sa dating Associate Justice ng Korte Suprema, hangga’t hindi binabago ng mga Pilipino ang kanilang sarili at ugali ay hindi malalabanan ang katiwalian sa gobyerno lalo na’t ang anti-corruption laws sa bansa ay post factum o after the fact lamang. “Kailangan po natin ng…

Read More

Anak ayaw ibigay ng dating misis LALAKI TUMALON MULA SA 13TH FLOOR NG CONDO

PATAY ang isang lalaki makaraang tumalon mula sa ika-13 palapag ng isang condominium sa Earnshaw Street, Sampaloc, Manila noong Linggo ng hapon. Nagkabali-bali ang mga braso at nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang tinatayang 25 hanggang 30-anyos. Napag-alaman, nakatanggap ng ulat si Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, mula sa mga tauhan ng University Belt Area (UBA) Police Community Precinct, hinggil sa tawag ng isang security guard na may tumalon mula sa ika-13 palapag ng Leashaw Lucky Dormitory…

Read More

OFW WELFARE KASAMANG NATALAKAY SA ASEAN

BUKOD sa usaping pagtutulungan sa agrikultura, pagmamanupaktura, at mga serbisyo ng mga kasaping bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), natalakay rin ang hinggil sa overseas Filipino workers (OFW) sa sideline meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sumentro ang pagtalakay sa kapakanan at seguridad ng mga OFW sa iba’t ibang bansa sa ASEAN at sa labas nito. Si Romualdez ay bahagi ng contingent ni Marcos Jr. na dumalo sa ASEAN Summit sa Indonesia noong nakaraang Linggo. “The welfare of our OFWs is…

Read More

PRESYO NG VIETNAM RICE EXPORT PINABAGSAK NG EO 39

MATAPOS ipag-utos ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang implementasyon ng price ceiling sa bigas sa bansa noong nakaraang linggo ay bumagsak na rin ang presyo ng Vietnam Rice exports. Batay sa report ng pahayagang Vietnam Express, nabatid na ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ng bigas sa Vietnam ay ang pagkansela ng mga Philippine Rice Importers at traders ng tone-toneladang rice imports. Ayon umano sa isang exporter mula An Giang Province, umaabot sa 40% ng kanilang kostumer mula sa Pilipinas ang nagkansela na ng kanilang mga order. Dahil dito,…

Read More

WAG GAMITIN SA PULITIKA TULONG NG GOBYERNO – TINGOG

NAIS maparusahan ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ang kapitan ng barangay sa Catubig, Northern Samar na viral ngayon sa social media matapos mahuli sa video na pinupunit ang certificate of indigency sa harapan ng nanay ng dalawang estudyante. Nabatid na magpapapirma sana ng certificate of indigency para makakuha ng tulong pinansyal sa Tingog party-list ang nanay ng dalawang estudyante sa kapitan ng barangay na si Carlo Robes, ng Barangay 5, Poblacion, Catubig, Northern Samar, pero sa halip na pirmahan ay pinunit niya ito dahil iba umano ang sinuportahan…

Read More