ROOFTOP NG LODGING INN SA QUIAPO NASUNOG

TUMAGAL ng halos mahigit isang oras bago idineklarang fire-out ang nangyaring sunog sa rooftop sa isang lodging inn sa Globo De Oro Street, Quiapo, Manila nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, bandang alas-6:15 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa rooftop ng Shairah Lodge PADPO sa Barangay 384 sa Quiapo. Agad nagresponde ang mga awtoridad upang mapigilan ang posibleng magsamantala sa insidente saka agad na ipinagbigay-alam sa Bureau of Fire Protection (BFP) na…

Read More

US GUIDED MISSILE DESTROYER NASA WPS

TINIYAK kahapon ng United States Navy na gagawa sila ng paraan para magtuloy-tuloy ang kanilang paglalayag kasama ang mga kaalyadong bansa gaya ng Pilipinas, upang isulong ang kahalagahan ng professional maritime operation at pagtiyak sa seguridad at freedom of navigation sa Indo-Pacific Region. “U.S. 7th Fleet will continue to find opportunities to sail alongside our allies and partners and reinforce the importance of professional maritime operations at sea anywhere international law allows. Our U.S.-Philippines alliance remains vital to Indo-Pacific security and stability in the region,” ayon kay Vice Adm. Karl…

Read More

43RD ASEAN SUMMIT UMARANGKADA

OPISYAL na sinimulan ng top leaders ng ASEAN member-states, ngayong Martes ang 43rd ASEAN Summit sa Jakarta Convention Center sa Indonesia. Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa opening ceremony kasama sina ASEAN Summit Chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR Prime Minister Sonexay Siphandone, Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim, Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, Mark Brown, Prime Minister of Cook Islands, Bangladesh President Mohammed Shahabuddin at Timor-Leste Prime Minister Xanana Gusmaño. Tumayo…

Read More

5 WANTED PERSONS NATIMBOG

BINITBIT ng mga operatiba ng Warrant and Intelligence Section ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District, ang isang 27-anyos na most wanted person, regional level, nang makorner sa Cainta, Rizal, iniulat ng pulisya. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Pio Cinco Marteja. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, commander ng Sta. Ana Police, na isinumite kay Police Brigadier General Melencio Nartatez Jr., Acting Regional Director ng NCRPO, natunton ng kanyang mga tauhan ang suspek sa nasabing…

Read More

ROBBERY WITH HOMICIDE SUSPECT, LAGLAG SA NBI

ARESTADO ang isang lalaki na may kasong robbery with homicide makaraang mamataan sa Naga City ng mga tauhan ng Naga District Office ng National Bureau of Investigation (NBI). Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang suspek na si Lorenzo Purisima alyas “Enzo”. Base sa ulat ng NBI-NADO, si Purisima ay inaresto dahil sa kasong robbery with homicide na nakasampa sa City Prosecutors Office ng Naga City. Si Lorenzo ay suspek umano sa pagkamatay sa isang menor de edad na biktima na natagpuang bangkay sa isang bakanteng lote sa Naga…

Read More

LGUs, MARKET EXECS KATUWANG SA RICE PRICE CAP IMPLEMENTATION

SANIB-PUWERSA ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Metro Manila mayors at mga administrador ng public at private markets na tutulong sa Departments of Trade and Industry (DTI) at Agriculture (DA) para masiguro na maipatutupad ang rice price cap gaya ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Matatandaang ipinalabas ni Pangulong Marcos ang EO 39 noong Agosto 31, na may ‘mandated price ceiling’, para sa regular milled rice ay P41.00 per kilogram habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay P45.00 per kilogram, simula ngayon,…

Read More

P2-B ILALAAN NI SPEAKER ROMUALDEZ SA RICE RETAILERS NA APEKTADO NG PRICE CEILING

INATASAN kahapon ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Appropriations Committee ng House of Representatives na gumawa ng paraan para makahanap ng P2 bilyong pondo para ilaan sa pagbibigay ng tulong sa mga rice retailer na maaapektuhan ng price ceiling sa bigas na itinakda ng Malakanyang nitong Biyernes. Sa pahayag, sinabi ni Romualdez na partikular niyang inatasan si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, chairman ng Appropriations Committee na agad makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) para maglaan ng P2 bilyon sa mga rice retailer. “We…

Read More

TOP 3 MOST WANTED NG NCRPO SA KASONG MURDER ARESTADO

NABITAG ng mga operatiba ng Anti-Terrorist Section ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 29-anyos na Top 3 most wanted person sa Regional Level makaraang matunton ito sa Barangay Bigaa, Sta. Rosa, Laguna, Linggo ng hapon. Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, hepe ng Anti-Terrorist Section kay NCRPO Chief BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., alas-5:30 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek na si Marvin Panoy sa National Housing Villa, Phase 2, Barangay Bigaa, Sta. Rosa kaugnay ng kasong murder. Pinangunahan ni Police Captain…

Read More

PANGAMBA NG RICE RETAILERS NA MAAAPEKTUHAN SA PRICE CEILING PAKIKINGGAN – ROMUALDEZ

TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pakikinggan nila ang mga pangamba ng retailers ng bigas na maaapektuhan ng price ceiling na itinakda ng Palasyo sa bigas. Kaugnay nito, sinabi ni Romualdez na plano niyang kausapin ang lider ng rice retailers sa buong bansa ngayong linggo hinggil dito. “Hindi naman manhid ang gobyerno kaya we want to listen to their concern and we will try to find a solution doon sa pangamba nila na malulugi sila,” ayon kay Romualdez. Dagdag pa niya, “Alam naman natin na mataas na ang…

Read More