PAGSASARA NG KUWAIT NG BORDER SA MGA PILIPINO IKINABAHALA NI ROMUALDEZ

NABAHALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa biglaang pagsasara ng bansang Kuwait ng border nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong nagdaang araw lang. Ipatatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait. “I just want to find out mula sa DFA at DMW ang tunay na dahilan sa aksyon ng Kuwait,” ayon sa House Speaker. Nauna nang sinabi ng Kuwait na hindi tumupad ang Pilipinas sa “bilateral agreement” ng dalawang…

Read More

LOVE TRIANGLE SINISILIP SA PAGPATAY SA GRAB DRIVER

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section upang mabatid kung may kaugnayan sa “love triangle” ang pagpatay sa isang 40-anyos na Grab driver na pinagbabaril nitong Biyernes ng hapon sa panulukan ng Felix Huertas at Tayuman Streets, Sta. Cruz, Manila. Naisugod pa sa Chinese General Hospital subalit nalagutan ng hininga ang biktimang kinilalang si Ronwaldo Lapidario ng San Vicente, Sta. Maria, Bulacan. Habang ang kasama nitong babae na si alyas “Eva”, 41-anyos, may asawa, ng Yakal Street, Sta. Cruz, Manila, ay masuwerteng hindi tinamaan ng bala.…

Read More

POLICE DIRECTORS BINALAAN SA JUETENG

pulis

IKINAGALAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang ibinabang kautusan ni Philippine National Police chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. laban sa illegal number games partikular ang jueteng. Kasunod ito ng babala ni Gen. Acorda na ‘One Strike Policy’ sa mga police director sa buong bansa na mabibigong ipatigil ang sugal na jueteng at iba pang ilegal na sugal sa kanilang area of responsibility. Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, nagpapasalamat sila sa pamunuan ng PNP sa suporta nito sa kanilang kampanya kontra ilegal na sugal sa bansa.Pahayag pa ni Robles,…

Read More

2 LALAKI INARESTO SA TANGKANG PAGPATAY

ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang lalaki dahil sa tangkang pagpatay, makaraang makita sa United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Huwebes ng umaga. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., hepe ng DIDMD ng Manila Police District, ang mga suspek na sina Leonardo Tadeo y Basis, 37, at Cresencio Basis y Pilar, 35-anyos, kapwa caretaker at stay-in sa Crasher Sapang II, Ternate, Cavite. Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Jerry Campo, hepe ng District Warrant Section, kay Police Major Alfredo Tan, hepe ng Criminal Investigation…

Read More

19TH CONGRESS NAKAPOKUS SA PAG-ANGAT SA KAHIRAPAN

BASE sa mga batas na binabalangkas ngayon sa lower house, kapansin-pansin na nakasentro ang mga panukala nilang batas para sa mahihirap. Nasa 3rd reading na ang pagbasura ng ‘no permit, no exam policy’ ng mga paaralan. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, nakapokus ngayon ang 19th Congress na maibsan ang kahirapan ng mga tao. “Galing tayo sa pandemic, siyempre, we in Congress are looking for ways na mabawasan ang paghihirap ng mga tao na dulot ng Covid,” ayon kay Speaker Romualdez. “Ang hindi pagbigay ng exam sa bata dahil sa delay…

Read More

LEARNING RECOVERY TRUST FUND APRUB SA QUEZON CITY

NI JOEL AMONGO SA layuning tiyakin ang kinabukasan ng mga kabataan, isang natatanging ‘trust fund’ ang nakatakdang itaguyod ng Quezon City government, sa bisa ng ordinansang pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod bilang suporta sa learning recovery programs sa mga pampublikong paaralan. Sa kalatas ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD), inaasahan ang agarang implementasyon ng Learning Recovery Trust Fund matapos lagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang SP 3182 na inakda nina Konsehal Dorothy Delarmente, Aly Medalla, at Shay Liban, “A crisis of this magnitude requires all stakeholders to…

Read More

CONSIGNEE NG OPIUM TIKLO SA NAIA

INARESTO ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Force Group (IADITF) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Indian national habang kini-claim nito ang limang kilong dried opium poppy buds, sa loob ng Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay city. Kinilala ang suspek na si Amamdeep Singh, residente ng Brgy. Burol, Dasmarinas, Cavite. Ayon sa impormasyon, ang mga opium ay ipinadala kay Amamdeep Singh ng nagngangalang Sammee Singh, residente ng Navarro De Hato 2430700 ng Murcia, Spain. Nadiskubre ang mga droga sa tinatawag na interdiction operation ng mga tauhan ng…

Read More

NGCP KINASTIGO SA PAGPAPABAYA

WALANG puwang ang kabi-kabilang brownout kung sinunod ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang panuntunan sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), ayon sa isang bagitong kongresista. Sa isang pahayag, hindi naitago ni Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes ang pagkabugnot sa aniya’y malinaw na kapabayaan ng NGCP. Para kay Reyes, nakakaubos ng pasensya ang NGCP na inilarawan niyang punong-dahilan sa kakulangan ng supply sa kuryente sa mga lalawigang sakop ng Luzon at Visayas region. Hayagang paratang ni Reyes, hindi ginagawa ng NGCP ang itinadhana sa EPIRA…

Read More

PAMANGKIN NI MISIS, SEX SLAVE NI MISTER

HINDI nag-aksaya ng panahon ang Alvarez Police Community Precinct ng MPD Station 3, at agad inaresto ang isang lalaki na umano’y ginawang sex slave ang 17-anyos na dalagitang pamangkin ng kanyang misis sa Sta. Cruz, Manila. Isinelda ang suspek na isang 26-anyos delivery man makaraang madakip ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez PCP, sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, Manila. Salaysay ni biktimang si “Amor”, huling naganap ang panghahalay ng suspek sa kanya noong Mayo 7, 2023. Una umanong dumaing ang dalagita sa…

Read More