5 ILLEGAL ALIENS TIMBOG SA BI

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang limang illegal aliens sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng BI Intelligence Division sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ayon sa report ng BI Intelligence Division na nakarating sa opisina ng Immigration sa Intramuros, Manila, ang limang dayuhan ay kinabibilangan ng dalawang Indian national, isang American citizens, Pakistani, at Vietnamese national. Batay sa impormasyon, ang American national na si Victor Florendo Carpiso ay nahuli noong Abril 28 sa kanyang pinagtataguang bahay sa Baguio City. Kasunod nito,…

Read More

ADMIN RAPS TULOY VS 2 PNP GENERALS

pnp

ITUTULOY ng National Police Commission (Napolcom) ang pagsasakdal laban sa dalawang heneral ng Philippine National Police (PNP) at dalawa ring colonels na diumano’y nauugnay sa ilegal na droga. Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa isang news conference na nagpalabas na ang Napolcom ng isang resolusyon para ituloy ang pre-charge investigation laban sa mga hindi pa pinangalanang opisyal. Hinikayat din ni Abalos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggapin ang courtesy resignation na nauna nang isinumite ng mga naturang police officials. “The resolution will…

Read More

BINATA ARESTADO SA INTERNET TAPPING, THEFT

ARESTADO sa bisa ng dalawang warrant of arrest ang isang 27-anyos na binata dahil sa kasong paglabag sa Cable Internet Tapping Act of 2013 at theft, nang matunton sa piitan ng Sta. Ana Police Station 6 sa Maynila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si John Victor Aquino, jobless, ng Onyx Street, San Andres Bukid. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, commander ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-5:00 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad ang dalawang warrant of arrest sa…

Read More

FIELD MARSHAL PATAY SA HIT & RUN

PATAY ang isang 25-anyos na field marshal makaraang mabiktima ng hit and run habang lulan ng motorsiklo sa Velasquez St., Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Christian Darren Isla ng Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo. Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na driver ng closed van. Ayon sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Unit ng MDTEU, bandang alas-5:10 ng madaling araw nang masagi ng closed van ang minamanehong motorsiklo…

Read More

INA PINATAY DAHIL SA LUPA

NALAMBAT ng pulisya ng Malabon City ang isang lalaking sinasabing pumatay sa sariling ina dahil sa usapin sa lupa. Kalaboso si Donard Suan, nasa hustong gulang, nahaharap sa kasong parricide. Noong Setyembre 19, 2022, lasing na tinungo ni Suan ang ina at nagtalo ang dalawa hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima at napatay.  Magmula noon ay nagtago na ang si Suan. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rosario Santos Carrieda ng Regional Trial Court Branch 75, Negros Occidental. (ALAIN AJERO) 263

Read More

PULIS PATAY SA PAGRESPONDE SA ROAD RAGE

QUEZON – Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin nang magresponde sa insidente ng alitan sa trapiko sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado. Sugatan din ang dalawa pang biktima kabilang ang isang bata sa nasabing insidente. Kinilala ang namatay na pulis na si Police Corporal Reniel Marin na nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Peter Paul Hospital sa Candelaria, Quezon, dakong alas-6:00 ng gabi. Ayon sa report ng Candelaria Police, ang biktima ay nagresponde sa away-trapiko na kinasasangkutan ng dalawang tricycle driver na sina Morfie Azul at Teodolo Rustia na…

Read More

83% BUDGET NAGASTOS NG PPA SA 2022 PROJECTS

UMAABOT sa 83% ang budget utilization rate (BUR) ng Philippine Ports Authority (PPA) na nagamit noong 2022, pinakamataas sa mga nakaraang taon sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemyang COVID-19. Nagpapakita ito na ang PPA ay nagawang i-maximize at ipatupad ang responsableng paggamit ng corporate budget nito na may malaking pagtaas kung ikukumpara mula sa 71% noong 2021 at 62% noong 2020. “I congratulate everyone for continuously working hard and for staying true to our vision of providing quality projects over the years. For 2023, we are aiming to surpass…

Read More

RECLAMATION SA MANILA BAY SISILIPIN NG ACT-CIS

MATAPOS makatanggap ng reklamo mula sa ilang mangingisda sa Manila Bay, sisilipin ng ACT-CIS party-list ang ongoing reclamation sa Manila Bay. Ayon kay ACT-CIS 1st Nominee Rep. Edvic Yap, may reklamo ang ilang mangingisda sa Manila Bay na wala na silang makuhang isda sa lugar. Aniya, “ang pinarating sa amin na sumbong ay nabulabog ang mga isda dahil sa pagtambak ng lupa sa lugar”. “Kung dati-rati’y diyan lang sila sa nangingisda malapit sa Roxas Boulevard, ngayon kailangan na nilang lumabas at magtungo malapit na sa Batangas daw,” ayon kay Cong.…

Read More

ACCOMPLISHMENTS SA US VISIT NI PBBM IBINIDA NI ROMUALDEZ

BUKOD sa milyon-milyong dolyar na investment pledges at libo-libong trabaho na mag-aantay sa mga Pilipino, natugunan din ang problema sa external security ng bansa sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay US Pres. Joe Biden, ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. “The president has accomplished so many things in just a very short time,”  ayon kay Speaker Romualdez. Aniya, “milyon-milyong dolyar ang asahan natin na investments, na pangako ni Pres. Biden”. “Bukod pa riyan yung libo-libong trabaho na available partikular sa ating mga seaman sa mga US…

Read More