NASA 28 indibidwal ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard habang apat ang nawawala matapos lumubog ang isang dive yacht sa karagatang sakop ng Tubbataha sa Palawan nitong linggo ng umaga. Base sa ulat ng PCG, bandang alas-6:49 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon mula sa Coast Guard District Palawan kaugnay sa lumubog na M/Y Dream Keeper. Agad ipinadala ng PCG ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) upang magsagawa ng search and rescue operations. Tumulong din ang Coast Guard Substation Tubbataha sa nasabing operasyon kasama ang iba pang dive boats sa…
Read MoreCategory: METRO
SUNOG SA PRITIL MARKET, KP TOWER NAITALA SA 24-ORAS
DALAWANG magkasunod na sunog ang naitala ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, una sa Pritil Market sa panulukan ng Juan Luna at N. Zamora Streets, Tondo, kasunod ang KP Tower sa panulukan ng Juan Luna St. at Claro M Recto Avenue, Binondo, Manila noong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga. Unang iniulat na nasusunog ang palengke ng Pritil ng bandang 10:40 ng gabi. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, sumiklab ang sunog…
Read MoreTASK FORCE EL NIÑO NILIKHA NG NDRRMC
ALINSUNOD sa direktiba ng Palasyo, lumikha ng isang special task force ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa ngaring tutukan at tugunan ang epekto ng matinding init na dala ng El Niño. Sa paglikha ng Task Force El Niño Team, saklaw ng atas ang pagkalap ng datos at pagtataya sa nakaambang peligro hanggang sa susunod na taon. Una nang inatasan ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na magtulong-tulong na tugunan ang hamon ng El Niño sa bisa ng ‘whole of government approach.’ Ayon…
Read MorePANININGIL NG VENDORS NG SIM SA REGISTRATION NO PROBLEM SA DICT
WALANG nakikitang problema ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kung maningil man ang mga retail vendor sa SIM card users sa paggamit ng internet para irehistro ang kanilang SIM card. Napaulat kasi na may retail vendors ang naniningil ng P20 at P50 para sa paggamit ng “internet” ng mga bagong user para iparehistro ang kanilang SIM card. Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na walang paglabag sa batas sa bagay na ito. “Well, actually it’s a private transaction between the SIM card holder and the, and the…
Read MoreSIMREG 90 DAYS EXTENDED
PINALAWIG ng 90 araw ang SIM registration matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ngayong araw sana, Abril 26, 2023 ang takdang araw ng pagtatapos ng pagpaparehistro ng SIM card ng mga subscriber. Sa Facebook page ng Radio Television Malacañang (RTVM), nakasaad dito na “Failure to register within the given period of extension will result to limited SIM services from the telecommunication companies.” Binigyan din ng direktiba ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para magsagawa ng public announcement sa bagay na ito. Nauna rito, pinangunahan ni…
Read More10 EX-REBELS NG BULACAN TUMANGGAP NG P20K AYUDA
TUMANGGAP ng tig-dalawampung libong pisong livelihood assistance ang sampung dating mga rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan noong nakaraang taon, bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na matulungan sila na makapagsimula ng bagong buhay. Bawat ex-rebels ay nakatanggap ng P20,000 sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasabay ng isinagawang payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mahigit 1,200 beneficiaries mula naman kay Senator Imee Marcos na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos noong Abril 24, 2023.…
Read MoreTIWALA NG TAO MAHALAGA KAY GEN. ACORDA
AGAD nagpatawag ng command conference ang bagong talagang Philippine National Police chief Police General Benjamin Acorda. Layunin nito na agad ibaba sa kanyang mga tauhan ang kanyang mga programa partikular ang paglilinis sa kanilang hanay at ang pagkakaroon ng magandang ugnayan sa taongbayan. Sa unang command conference na ipinatawag ng PNP chief, sinabi nitong target niyang makuha ang suporta ng mamamayan sa pamamagitan ng matapat na pagtupad sa tungkulin. Ibinigay na halimbawa ni Gen. Acorda ang kanyang karanasan bilang Regional Director ng Police Regional Office 10, kung saan may mataas…
Read MoreMESSENGER NAGBIGTI SA TABI NG NOBYA
PROBLEMA sa pera ang hinihinalang dahilan ng pagbibigti ng isang 33-anyos na lalaki habang natutulog ang kanyang nobya sa San Andres Bukid, Manila nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Mharvin Pantoja, messenger, residente ng San Andres Bukid, Manila. Base sa ulat ni Det. Jason Ibasco na isinumite kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang madiskubre ng nobyang si Rizza Mae, 28, na nakabigti ang biktima. Ayon sa salaysay ng nobya, umaga pa lamang noong Lunes…
Read MoreFACE MASK MANANATILI SA LRT, MRT, PNR
MANANATILI pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng facemask sa lahat ng tren ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, ang pagsusuot ng face masks ay mananatiling mandatory sa loob ng mga tren bilang pag-iingat laban sa virus. Dagdag pa ni Aquino, mandatory din ang pagsusuot ng face mask sa loob ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 stations. Pero magiging opsyonal ang patakaran para…
Read More