MALAKING CRUISE SHIP PORT SA BICOLANDIA NAIS IPATAYO NG BICOL SOLON

HINIMOK ni Ako Bicol party-list Cong. Elizaldy Co ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang pagtatayo ng International Cruise Ship Terminal sa Legazpi, Albay. Kamakailan kasi dumaong ang isang cruise ship na galing pa sa Germany, lulan ang 200 turista, para masilayan ang Mayon Volcano at iba pang tourist attraction sa lugar. Ayon kay Cong. Co, “Pag natapos na ang International Cruise Ship Port sa Legazpi, tiyak dadayuhin ng mga cruise ship ang lugar”. “More cruise ship coming means more tourist, syempre maraming income at trabaho…

Read More

EX-KAGAWAD ARESTADO SA MALVERSATION CASE

WALANG inirekomendang piyansa ang korte para sa isang 62-anyos na dating barangay kagawad ng Pagadian City, makaraang madakip sa bisa ng alias warrant of arrest, ng mga tauhan ng Manila Police District sa Roxas Boulevard noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Rogelio Carpentero, may asawa, at naninirahan sa Alapan II-A, Imus, Cavite. Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division II ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang alas-8:20 ng gabi nang bitbitin ng mga awtoridad ang suspek sa nasabing lugar. Nabatid sa…

Read More

P1.3-M SHABU NASABAT NG PDEA

TINATAYANG 200 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P1,380,000, ang nasabat mula sa tatlong drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng mga ahente ng PDEA Central Luzon nitong Miyerkoles ng madaling araw. Isinagawa ang operasyon sa isang gasolinahan sa Brgy. Pag-Ibig sa Nayon, Quezon City. Batay sa report ng PDEA team leader kay Director General Moro Vergilio Lazo, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Mark Ryan Absalon Raymundo, 39; Nestor Yabut Alabado, 40, at Heron San Antonio Bigalan, 30-anyos. Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang limang sachet na…

Read More

Kasunod ng Balikatan US-PHILIPPINE AIR FORCE COPE THUNDER SIMULA NA

NAGSIMULA nang umarangkada kahapon ang Cope Thunder 23-1 military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, ilang araw matapos ang PH-US Joint Balikatan war exercise. Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Ma. Consuelo Castillo, kasabay sa selebrasyon ng Labor Day ay muling sinimulan ang nasabing pagsasanay na tatagal  hanggang Mayo 12, 2023 matapos na matigil ito noong 1990. “The original Cope Thunder exercises, which provided regular flight training for US pilots and those of allied nations, were first held in 1976 and continued annually in the Philippines until 1990.…

Read More

Taliwas rin sa aral ng Panginoon K-10 CURRICULUM NG DEPED LABAG SA SALIGANG BATAS

PARA sa isang kongresistang higit na kilala sa larangan ng pananampalataya, hindi lamang ang umiiral na 1987 Constitution ang nilalabag ng K-10 Basic Education Curriculum na binalangkas ng Department of Education (DepEd) – kundi maging ang aral ng Panginoon. Partikular na binatikos ni CIBAC partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ang ‘gender fluidity, same sex union at same sex marriage’ na nakapaloob sa narepasong sipili ng K-10 Basic Education Curriculum ng DepEd. “We are shocked to discover that the promotion of gender ideology, same sex union and same-sex marriage is slowly…

Read More

RETIRADONG ARABO TIMBOG SA RAPE

KATAKAWAN sa laman ang naging hudyat sa mahabang panahon ng pagtatago ng isang banyagang wanted sa patong-patong na kasong rape. Kinilala ang suspek na si Abdulrahman Alderaan, isang Arabong nagpakilalang retiradong empleyado ng gobyerno sa bansang Saudi Arabia. Sa ulat ng Manila Police District (MPD), dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 33 ang Arabong target ng Simultaneous Anti-Criminality  Law  Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya. Sa ipinamalas na dulas ng suspek sa batas, kinailangan pa magpanggap na saleslady sa hindi tinukoy na…

Read More

Walang kadala-dala NAIA SAPOL MULI NG POWER OUTAGE

MULING binatikos ni Senate committee on public services chairperson Grace Poe ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport na anya’y tila walang natututunan sa mga nakalipas na aberya sa paliparan kasunod ng power outage nitong Labor Day. Sinabi ni Poe na ang panibagong insidente ay bunsod ng hindi maayos na sistema sa paliparan kayat libu-libo ang naaberya. Ang kawalan anya ng air conditioners sa ilang bahagi ng paliparan ay hindi lamang inconvenient sa mga pasahero kundi nagbibigay rin ng negatibong epekto sa kalusugan. Hindi anya katanggap-tanggap na tuwing may brownout,…

Read More

Paalala ni Belmonte sa QC resto 20% DISKWENTO PARA SA MGA SOLO PARENT

(JOEL AMONGO) KASABAY ng pagdiriwang ng 1st National Solo Parents’ Week, ibinida ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang suporta at pagkilala sa hanay ng mga magulang na mag-isang nagtataguyod ng kinabukasan ng pamilya. Katunayan aniya, taong 2018 pa nang pagtibayin ng Quezon City Council ang City Ordinance SP No. 2766 nagbibigay ng 20% diskwento sa hanay ng mga rehistradong solo parents, sa una at huling linggo ng kada buwan. Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga restaurants na nakabase sa lungsod na tupdin ang atas ng ordinansang inakda ni Councilor…

Read More

Sa immunization campaign para sa mga bata DOH SUPORTADO NG RED CROSS

TINIYAK ng Philippine Red Cross na suportado nila ang “Chikiting Ligtas,” o ang Measles-Rubella and Polio Supplementary Immunization campaign ng Department of Health (DOH) na sinimulan sa buong bansa mula Mayo 1 Hanggang 31,2023. Ang programa ay inilunsad upang maiwasan ang pagsiklab ng tigdas, kasunod ng mas mababa sa inaasahang turnout sa nakaraang mga kampanya ng pagbabakuna, lalo na sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19. Layon ng kampanya na ibigay ang bakuna laban sa tigdas-rubella sa mga bata na siyam hanggang 59 na buwang gulang, at ang bakuna laban sa polio…

Read More