HINDI nakaalis ng bansa ang isang 43-anyos na dalaga na may kasong large scale estafa at illegal recruitment makaraang masabat sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang suspek na si Maria Rowena Himor, residente ng Barangay Lagasit, San Quintin, Pangasinan. Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division D-2, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, bandang alas-3:00 ng hapon nang abangan ang target ng operasyon sa NAIA Terminal 3 sa lungsod ng Pasay. Inutos ni Samonte…
Read MoreCategory: METRO
SENEGALESE NATIONAL PINIGIL NG BI SA FRAUDULENT PASSPORT
SUMASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang isang Senegalese national makaraang magpresenta ng fraudulent passport at border arrival stamp sa Bureau of Immigration (BI). Ayon sa nakalap ng report, nag-file ang 37-anyos na Senegalese national ng tourist extension visa sa immigration, ngunit napansin ni Raymond Remegio, hepe ng Tourist visa section, na mayroong discrepancies ang documents. Bunsod nito, ipinadaan ang dayuhan sa secondary inspection upang sumailalim sa forensic documents laboratory at dito nakumpirmang peke ang lahat ng isinumiteng dokumento ng dayuhan. Inihahanda na ang kaso laban sa dayuhan bunsod ng paglabag sa immigration laws. Kaugnay nito, kahaharapin ng dayuhan ang immediate deportation at mapapabilang…
Read MoreBEBOT ITINUMBA SA ILEGAL NA DROGA
IPINALALAGAY ng mga awtoridad na may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang hindi kilalang babae na pinagbabaril noong Huwebes ng gabi sa loob ng isang barong-barong sa gilid ng riles ng tren sa Hermosa St., Tondo, Manila. Tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos ang biktima, nasa 5’2 hanggang 5’4 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt, itim na short pants at gray na jacket na may hood. Ayon sa mga testigo, nakita nila ang papatakas na mga suspek kabilang ang gunman na nakasuot ng itim na may kombinasyong…
Read MoreTRABAHO AT OPORTUNIDAD SA BAGONG TNVS SLOTS ALYANSA NG TSUPER
DAHIL magbibigay ng kabuhayan at oportunidad sa transport sektor, pinapurihan ng pinakamalaking transport network vehicle service (TNVS) alliance sa bansa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa paglalaan nito ng mahigit 10,000 TNVS slots, kasabay ng pagsasabi ng alyansa na makatutulong ang hakbang ng ahensya sa pagkakaroon ng mga oportunidad at trabaho sa Metro Manila at mga kalapit na lugar. Ayon sa TNVS Alliance of the Philippines (TAP), “ang mga bagong slots ay magbubukas ng mga pangkabuhayang oportunidad sa ating mga kababayan na patuloy naghahanap ng ibang…
Read MorePNP-PDEG DIRECTOR SINIBAK
TULUYAN nang sinibak sa pwesto ang Director ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) na si Police BGen. Narciso Domingo. Kahapon inihayag ang reassignment order para kay Domingo na pirmado ni Director for Personnel and Records Management Police Maior General Robert Rodriguez. Pansamantalang inilipat si Domingo sa Office of the PNP Chief. Hinirang namang kahalili ni Domingo sa PDEG si Police BGen. Faro Antonio Olaguera na hinugot mula sa PNP- Logistics Service. Matatandaang si Domingo ay kasama sa dalawang heneral at walo pang PNP officers na pinangalanan ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr.,…
Read MorePUNONG BARANGAY SA QC INIREKLAMO
SINAMPAHAN ng reklamong illegal termination ang kapitan ng Barangay Pasong Tamo sa Lungsod Quezon Si PB Mae Tagle ay inireklamo sa Special Investigation Committee ng Quezon City Council. Ito ay bilang sagot sa patuloy na pagkaantala ng operasyon ng barangay at serbisyo sa mahigit isandaang libong residente nito. Ayon sa mga kagawad ng barangay, bukod ang naturang reklamo sa patong-patong na legal actions na isinampa laban kay Tagle bunga ng iba’t ibang paglabag umano nito gaya ng misconduct, graft and corruption at iba pa. Nag-ugat ang reklamo matapos sibakin ni…
Read MoreHIGIT 2K ‘DOKTOR SA BAYAN’ SCHOLARSHIP SLOTS, BUKAS NA
BUKAS na sa aspiring doctors subalit walang kapasidad para makapag-aral ng medisina, ang 2,189 scholarship slots sa ilalim ng programang “Doktor sa Bayan” para sa school year 2023-2024. Ito ang inanunsyo ni House Deputy Speaker Ralph Recto. Ang nasabing bilang ng mga scholarship slot ay karagdagang sa naunang 1,411 medical students na pinag-aralan nang libre. “Medical scholars will study in 16 state universities and 16 private schools in 15 regions. Lahat ng rehiyon meron, maliban sa Caraga at MiMaRoPa, pero magkakaroon din doon kung meron nang ma-accredit na medical schools,” paliwanag ni Recto. Sinabi…
Read More$100M ibubuhos ng US DAGDAG EDCA SITES LILIKHA NG TRABAHO
BUKOD sa pangakong seguridad kontra China, ang pagtataguyod ng karagdagang pasilidad sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), kumbinsido ang mga senior military officers na malaking bentahe ang kasunduang pinasok ng Pilipinas sa Estados Unidos. Gayunpaman, nilinaw nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr. na wala pang pinal na kasunduan – partikular sa usapin hinggil sa lawak at saklaw ng pahintulot na iginagawad ng gobyerno sa mga sundalong Kano sa bagong EDCA sites na tinukoy kamakailan ng Palasyo. Sa isang pulong balitaan na dinaluhan…
Read MoreKOREANO HINARANG SA NAIA SA PH PASSPORT
HINARANG ng Immigration agent at hindi pinayagang makasakay sa kanyang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na nagpanggap bilang Filipino, at gumagamit ng bogus na Philippine passport. Ayon sa report, na-intercept ang suspek noong Lunes habang naghihintay sa kanyang Philippine airlines (PAL) flight papuntang Phnom Penh, Cambodia. Ayon kay BI Intelligence chief Fortunato Manahan Jr., nagkunwari ang suspek bilang isang Filipino, ngunit hindi makasagot ng basic questions sa Filipino dialect pagdaan sa primary inspection. Naging dahilan ito upang i-refer o ipadaan sa secondary inspection nang sa gayon maisalang sa masusing pagsusuri ang ‘authenticity’ ng kanyang travel documents. At sa nangyaring ‘question and answer portion’ ng mga tauhan ng BI…
Read More