TF VS VOTE BUYING/SELLING BINUO NG COMELEC

BUMUO ang Commission on Elections (Comelec) ng formal committee laban sa vote buying and selling. Ito ang kinumpirma ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa ginanap na media forum. Ayon kay Laudiangco ,  noon ay mayroong Task Force  Kontra Bigay na nasimulan noong Eleksyon 2019 at itinuloy noong 2022. Ngunit permanente na aniya ngayon ang komite na tinatawag nang “Committee on Kontra Bigay” na pinamumunuan ni Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr. Dugtong pa nito, magkakaroon na ng mga tao na tututok at mas magiging maayos ang koordinasyon sa law enforcement agencies para…

Read More

NALUNOD SA CALABARZON SA SEMANA SANTA, UMABOT SA 24

UMABOT sa 24 na katao ang nalunod sa CALABARZON Region sa buong linggo ng paggunita ng Semana Santa. Batay sa datos na naitala ng CALABARZON Police Regional Office 4A (PRO 4A), pinakamarami ang mga nalunod sa lalawigan ng Batangas na may 11 total. Pangalawa ang Quezon na may bilang na 6, apat ang nalunod sa Cavite at tatlo naman sa Laguna. Ayon pa sa PNP, karamihan sa mga nalunod ay mga bata at menor de edad, kabilang ang limang magpipinsan na nalunod sa Barangay Sambal Ilaya, Lemery, Batangas noong Sabado de Gloria ng…

Read More

BARANGAY CHAIRMAN SA QC NAGPASAKLOLO SA OMBUDSMAN

MAKARAANG maantala ang sweldo ng kanilang barangay staff, nagpasaklolo na sa Office of the Ombudsman ang barangay chairman ng Pasong Tamo, Quezon City matapos ipitin umano ng kanyang mga Kagawad ang panukalang budget ng Barangay ngayong taon. Bunsod nito, sumulat na sa Office of the Ombudsman si Brgy. Captain Mae Tagle para isumbong ang lima niyang Kagawad dahil sa kabiguan ng mga ito na aprubahan ang kanilang ₱112 million 2023 proposed budget. Ayon kay Chairman Tagle, mula Enero 2023 hanggang ngayon, re-enacted budget ang ginagamit ng kanilang Barangay dahil ilang…

Read More

PEDICAB SINALPOK NG VAN, DRIVER PATAY

TUMILAPON ng may ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente ang isang sidecar boy at agad nalagutan ng hininga nang matumbok ng isang Toyota Hi-Ace van sa panulukan ng Andres Bonifacio Drive at 20th Street, Port Area, Manila. Namatay noon din ang biktimang si Victorio Fernandez y Bonghanoy, nasa hustong gulang, ng Barangay 650, Port Area, Manila Samantala, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang suspek na si Richard Israel y Abude, Looban Daang Amaya II, Tanza, Cavite. Batay sa ulat ni Police…

Read More

TOP 2 MWP TIMBOG SA AKLAN NG MPD OPERATIVES

NAGING matagumpay ang isinagawang ” Oplan Saliksik” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ng mga operatiba ng Manila Police District na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 24-anyos na lalaking suspek sa umano’y pagmolestiya sa isang 5-anyos na batang lalaki, nang matunton sa Ibajay, Aklan. Kinilala ang suspek na si Gerald Ternora, service crew sa isang fastfood restaurant, at nanunuluyan sa Barangay Colong, Ibajay, Aklan. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-4:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa nasabing lugar, sa pangunguna ni Police Executive…

Read More

US EMBASSY LOGO BINUHUSAN NG PINTURA, 6 ARESTADO

SWAK sa selda ang anim na miyembro ng militanteng grupo matapos buhusan ng pintura ang logo ng US Embassy sa Roxas Boulevard, Manila sa isinagawa nilang lightning rally sa harap ng nasabing tanggapan nitong Martes ng umaga. Base sa ulat ni “The Game Changer” Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang anim na indibidwal ay binitbit makaraang maaktuhan habang sinasabuyan ng pintura ang logo ng US Embassy. Ayon kay General Dizon, pinapayagan naman nila na magsagawa ng kilos protesta ang mga militante upang ilabas ang kanilang mga hinaing at panawagan, ngunit hindi…

Read More

GANG MEMBER NIRATRAT SA RILES NG TREN

HINIHINALANG may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang 33-anyos na kaanib ng Bahala na Gang (BNG) na niratrat ng bala habang nakatambay sa riles ng tren sa panulukan ng Algeciras at Simoun Streets, Sampaloc, Manila nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Reuben Angelo Canlas, binata, jobless, ng Algeciras Street, Sampaloc. Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ni Det. Jorlan Taluban, may hawak ng kaso, hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek na riding in tandem. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila…

Read More

700 KASO NG PAGLABAG NAITALA NG MPD

BUNSOD ng patuloy na ipinaiiral na “Oplan Pagtugis” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District, nakapagtala ng mahigit 700 kaso ng iba’t ibang paglabag sa batas, kabilang ang lokal na ordinansa, sa isang araw na pagbabantay ng mga pulis ng 14 himpilan ng pulisya. Ayon sa Daily Accomplishments Report na inilabas ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), ang nasabing bilang ay naitala mula sa pagbabantay nitong Lunes Nabatid sa datos ng MPD, naitala ang kabuuang 775 na iba’t ibang paglabag sa batas,…

Read More

TIRADOR NG BISIKLETA TIKLO SA FOLLOW-UP

NATIKLO sa inilatag na manhunt operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang isang 32-anyos na lalaki matapos tangayin ang bisikleta na nagkakahalaga ng P35,000, sa Sta. Ana, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Jefferson Picaso, may live-in partner, kaanib ng Bahala Na Gang (BNG) at residente ng Paco, Manila. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander, bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Barangay 608, Railroad Side, Sta. Ana, Manila. Ayon sa salaysay…

Read More