INAKO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang responsibilidad na pangalagaan ang interes ng ikatlong distrito ng Negros Oriental matapos masuspinde si Rep. Arnolfo Teves na siyang kinatawan nito sa Kamara de Representantes. Ito ay nakasaad sa Memorandum Order No. 19-017 na inilabas ng Kamara de Representantes na may petsang Marso 23. “In the interest of the people of the 3rd District of Negros Oriental, the undersigned shall act as the Legislative Caretaker of the 3rd District of Negros Oriental for the period 23 March 2023 to 22 May 2023.…
Read MoreCategory: METRO
PNP, FULL ALERT NA SIMULA LINGGO
PAGSAPIT ng Domingo de Ramos sa Linggo (Abril 1), asahan ang mas mahigpit na pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang panig ng bansa kaugnay ng Semana Santa. Sa isang pahayag, tiniyak ng PNP ang kahandaan sa implementasyon ng mga inilatag na security measures mula sa araw ng Linggo hanggang Sabado de Gloria (Abril 8). Paglalarawan ng pamunuan ng pambansang pulisya, ‘all systems go’ na ang PNP sa isang buong linggong pagbabantay ng mga lansangan sa hangaring tiyakin ang maayos na paggunita ng tradisyon ng Simbahang Katoliko. Inatasan…
Read More56 RETIREMENT AGE MALAPIT NANG MAGING BATAS
BERSYON na lamang ng Senado ang hinihintay at maaari nang makapag-retire nang mas maaga o sa edad 56-anyos ang mga tauhan ng gobyerno partikular ang public school teachers. Bago nag-adjourn ang Kongreso ay pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 206 na inakda ng Makabayan bloc, sa botong 268 pabor at isa ang kontra. Layon nito na amyendahan ang Section 13-A ng Republic Act 8291 o “The Government Service Insurance System Act of 1997” upang ibaba sa 56-anyos ang optional retirement age ng government personnel mula sa kasalukuyang 60-anyos. Ginawa ang nasabing panukala upang mas…
Read MoreBATA INI-HOSTAGE NG NABURYONG NA AMA
NAHINTAKUTAN ang isang ginang nang tutukan ng tari ng manok ng kanyang live-in partner ang kanilang 6-anyos na anak na babae noong Martes ng hapon sa roof deck ng isang gusali sa Sampaloc, Manila. Gayunman, agad na natimbog ng nagrespondeng mga tauhan ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, ang suspek na kinilalang si John Eric Morales, 31-anyos, ng Sampaloc, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-2:57 ng hapon nang makatanggap ang duty desk officer na si Police Staff Sergeant Dave Pamintuan, ng tawag mula…
Read MoreSEGURIDAD SA SEMANA SANTA HIHIGPITAN NG MPD
MAS lalong maghihigpit sa seguridad ang buong pwersa ng Manila Police District sa buong lungsod sa nalalapit na “Semana Santa” o paggunita sa pagpapakahirap at pagkamatay sa krus ni Jesus. Iniuos ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa kanyang mga tauhan mula sa Station 1 hanggang Station 14, na ipagpatuloy ang pagpapanatili ng seguridad 24/7. Nabatid mula kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), pangungunahan ng heneral ang pagpapaigting sa Bike Patrol sa darating na Lunes Santo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay sa Abril…
Read More4 TIKLO SA PAGBEBENTA NG GCASH ACCOUNTS
ARESTADO sa serye ng operasyon ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang apat na indibidwal dahil sa pagbebenta ng Gcash accounts. Iniharap ng NBI sa mga mamamahayag ang mga suspek na sina Jay Cortez, Kevin Mark Maboloc, Jeffrey Miguel at Jeffrey Ilagan. Sa ulat kay NBI Director Medardo De Lemos, gumamit ng undercover Facebook account ang mga operatiba at nakipagtransaksyon sa mga suspek na nag-o-operate umano sa Quezon City at Tondo. Kasunod nito, isa-isang naaresto ang mga suspek sa Quezon City at Tondo, Manila. Nabatid na ang bawat account…
Read MoreLALAKI NAGTANGKANG TUMALON SA TULAY SA SAMPALOC
ISANG lalaki na nagtangkang magbuwis ng buhay ang nasagip ng mga awtoridad sa Mabini Bridge sa Sampaloc, Manila noong nakaraang Lunes. Ayon sa ulat ng Manila Police District, kinilala ang biktimang si Armon Quinagoran, 30, at residente ng Sampaloc, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, bandang alas-11:30 ng tanghali nang makatanggap sila ng report hinggil sa isang lalaki na nagtatangkang tumalon mula sa tulay ng northbound ng Mabini Bridge. Dahil dito, agad na nagtungo sa lugar si Villaruel kasama ang kanyang…
Read More5 LAGLAG BARYA GANG MEMBERS NATIKLO
BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Bike Patrol ang limang miyembro ng tinaguriang Laglag Barya gang makaraang dumayo at umatake sa lungsod ng Maynila noong Lunes ng umaga. Pawang mga residente ng lalawigan ng Laguna ang mga suspek na kinilalang sina Harold Royola, 37; Ireneo Gonzales, 48; Ian Manalang Gonzales, 28; Pepito Villanueva Jr., 50, at Renan Encarnacion, 36. Base sa ulat ng pulisya, nangbiktima ng dalawa katao ang grupo sa Taft Avenue malapit sa Pablo Ocampo Street, Malate, Manila na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. Ayon sa imbestigasyon…
Read MoreIBA’T IBANG AKTIBIDAD INIHANDA SA PAGDIRIWANG NG 116 ANIBERSARYO NG LAS PIÑAS
IPINAGDIRIWANG ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City ang kanyang ika-26th cityhood at ika-116 taon ng pagkakatatag kasabay ng mga inihandang aktibidad para sa mga residente. Ayon kay Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar, iba’t ibang aktibidad ang inihanda para sa cityhood at founding anniversary ngayong Marso 27 mula alas-8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Sinabi pa ni Mayor Aguilar na isinasagawa ang health and wellness programs sa Verdant covered court kabilang ang libreng laboratory test sa FBS, cholesterol and blood typing, HIV screening, nutrition education, dental services, immunization…
Read More