HINDI na nakapalag ang isang 54-anyos na barangay chairman nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest, ng mga tauhan ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa mismong barangay hall nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Roberto Icuspit Corpuz, may asawa, punong barangay ng Brgy. 569, Zone 56, Sampaloc. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, bandang alas-9:45 ng umaga nang arestuhin ang chairman sa loob mismo ng barangay hall, sa…
Read MoreCategory: METRO
NPA ATTACK SA MASBATE KINONDENA NI ROMUALDEZ
MARIING kinondena ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang sunud-sunod na pag-atake ng mga komunistang rebelde sa Masbate na malapit pa sa mga paaralan. Ayon kay Romualdez, nagtataka siya kung bakit tila wala nang pinipiling lugar na aatakihin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil kahit malapit sa mga paaralan at may madadamay na mga kabataan ay umaatake pa rin ang mga ito. “Di ko talaga makita ang logic sa pag-atake nila (NPA) sa mga lugar ng mga sibilyan at pagtatanim nila ng mga bomba doon,” anang lider…
Read MoreNAGPALIPAS NG INIT SA BREAKWATER, NALUNOD
NALUNOD ang isang 13-anyos na dalagita habang naliligo sa breakwater sa Happy Land, Brgy. 105, Tondo, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Nicole, estudyante, ng Barangay 108, Tondo. Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang insidente. Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima, naisipan nila ng kanyang ate na maligo sa breakwater dahil sa sobrang init ng panahon. Ngunit habang sila ay nagtatampisaw ay napansin niyang hindi na lumulutang ang kanyang kapatid. Agad nagpasaklolo…
Read MoreBINATA NAGBIGTI SA ROOFTOP
NAGBIGTI sa rooftop ng kanilang bahay ang isang binata sa Brgy. 128. Tondo, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Alvin Manalo, helper, ng nasabing lugar. Base sa ulat ni Det. Sir Christian Joseph Pineda, may hawak ng kaso, bandang alas-3:50 ng hapon nang madiskubre ni Romelito Mercado, 45, habang nakabigti ang biktima sa rooftop. Ayon kay Mercado, nagtungo siya sa rooftop nang magulantang siya nang makitang nakabitin ang biktima. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang mabatid kung nangyaring may foul play. (RENE CRISOSTOMO)…
Read MoreCLOSED VAN NG KUMPANYA TINANGAY NG APAT
CAVITE – Arestado ang isang lalaki habang pinaghahanap ang tatlo pa nitong kasamahan na mga suspek sa pagtangay sa isang Isuzu closed van sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang naarestong suspek na si Lester Arcado habang pinaghahanap ang mga kasamahan nito na sina John Aeron Barba, Libert Tindoy, at Leo Albert Tindoy, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa reklamo ni Sally Chen y Ogeda, 28, kay Corporal Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police, nadiskubre nilang nawawala ang isang Isuzu…
Read MoreWANTED SA HOMICIDE SA LAS PIÑAS NATUNTON SA PAROLA
MAKARAAN ang halos dalawang taong pagtatago, isang 51-anyos na most wanted person sa kasong homicide sa Las Piñas City, ang natunton sa Parola Compound sa Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Joselito De Vera, may asawa, jobless at residente ng Barangay CCA, Las Piñas City. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, bandang alas-5:00 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Block 14, Area B, Parola Compound, Tondo. Makaraang madiskubre ang lugar na pinagtataguan ng…
Read MoreTop Gov’t and Cabinet officials, Senators scored ‘high’ in nationwide survey— RPMD
SA “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) lumabas na si Pangulong Bongbong Marcos ay may 88% performance at 90% trust ratings. Si Vice President Sara Duterte ay mayroong 86% approval at 92% trust ratings. Nakuha naman ni Senate President Migz Zubiri ang 60% job satisfaction at 65% trust ratings, habang si House Speaker Martin Romualdez ay nakatanggap ng 60% performance at 63% trust ratings. Ang performance ratings nina Pres. Marcos at VP Duterte “significantly increased” +5% mula December 2022. Ang approval ratings nina…
Read MoreSERYE NG PAGSABOG INIULAT SA MASBATE
CAMP ELIAS ANGELES, San Jose, Pili, Camarines Sur – Ginimbal ang mga residente ng magkakasunod na pag-atake ng hinihinalang Communist Terrorist Group (CTG) na gumamit ng ipinagbabawal na anti-personnel mines (APMs) sa Masbate nitong Marso 22. Ito’y kasunod ng naitalang magkahiwalay na engkwentro sa nasabing lalawigan. Una rito ay sa Barangay Locso-on, Placer, kung saan dalawang sundalo ang nasugatan habang isang M16 rifle at tatlong magazine ang narekober ng tropa ng pamahalaan matapos ang pangyayari. Kasunod nito, ay dalawang pulis rin ang nasugatan sa Barangay Gaid sa bayan ng Dimasalang…
Read More“BIG TIME” SA MAYNILA TIMBOG SA DROGA
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 32-anyos na jobless makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quiricada Street, Barangay 255, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Wilson Pascual, alyas “Big Time”, binata at residente ng Quiricada Street, Tondo. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses III, commander ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang matimbog ang suspek sa nasabing lugar. Bago isinagawa ang buy-bust operation, nakipagkoordina ang Station Drug Enforcement Team (SDET) sa tanggapan ng Philippine Enforcement Drug…
Read More