KOTSE MUNTIK MAHULOG SA CREEK SA PALPAK NA WAZE

SINISISI ng driver ng isang sasakyan sa palpak na Waze Navigation Application ang kanyang pagkaligaw at halos mahulog sa creek sa pagitan ng riles ng PNR sa Pandacan, Manila noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales , hepe ng Investigation ng Manila District Traffic Enforcement Unit, kinilala ang driver ng sasakyan na si Chinese-Malaysian Wiselie, 28, nanunuluyan sa Bel Air, Makati, kasama ang asawa niyang si Judy Adriano, 27, residente ng Pasay City, na nasa maayos namang kondisyon. Batay sa report ng MDTEU, bandang alas-4:20 ng madaling araw nang mabalahaw ang kotse ng mag-asawa. Ayon sa pahayag ng…

Read More

MGA AWTORIDAD PINAKIKILOS LABAN SA MGA KARAHASAN SA BANSA

NASA 13 senador ang lumagda sa resolusyon na kumokondena sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, bukod sa kanya, lumagda sa resolusyon sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, Senators Joseph Victor “JV” Ejercito, Nancy Binay, Grace Poe, Rufino “Raffy” Tulfo, Juan Edgardo “Sonny” Angara, Ronald “Bato” Dela Rosa, Ramon “Bong” Revilla, Jr. Francis Tolentino, Sherwin Gatchalian, Senate President Pro Tempore Loren Legarda at Sen. Jinggoy Ejercito Estrada. “Injustice and violence do not have a place in any civilized society and no…

Read More

PAG-EXTORT AT PAGNANAKAW SA MGA TURISTA NAKAKAHIYA – ROMUALDEZ

“NAKAKAHIYA”!!! Ito ang naiinis na reaksyon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pinakabagong nakawan at panghuhuthot ng ilang personnel ng Office of Transportation Security (OTS) ng Department of Transportation (DOTr) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan. Ipatatawag ngayong Lunes ni Speaker Romualdez ang mga opisyal ng DOTr para hilingin ang pag-reshuffle ng mga opisyal at tauhan ng OTS. “Papaano pa tayo manghihikayat ng mga turista sa ating bansa kung mga magnanakaw o extortionist ang ilang mga nagbabantay sa ating airport,” galit na pahayag ng pinuno ng Kamara de…

Read More

Romualdez sa PNP kaugnay sa serye ng krimen RESULTA ‘DI PURO PANGAKO LANG

INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na isang direktang hamon sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) ang lantaran at walang takot na pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo nitong Sabado ng umaga, sa loob mismo ng kanyang bakuran, at sa harapan pa ng maraming tao. Ayon kay Speaker Romualdez, dapat nang matigil ang sunud-sunod na high profile crimes sa bansa upang maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad. Nauna rito, dakong alas-9:00 ng umaga ay sinugod ng anim na armadong lalaki ang tahanan ng gobernador at…

Read More

PPA-CRMS NAKAKUHA NG MATAAS NA GRADO SA ARTA

PAGKATAPOS ng maingat na pagsasaalang-alang at serye ng mga pagsusuri, ang Philippine Ports Authority (PPA) Administrative Order (AO) No. 04-2021 o ang “Policy on the Registration and Monitoring of Containers”  at ang Implementing Operating Guidelines nito ay nakakuha ng greenlight mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA). Naisumite ng PPA sa ARTA ang regulatory impact statement ng Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS) noong Pebrero 2, 2023 at pagkatapos ng isang buwan, binigyan ito ng ARTA ng rating na 36- “Good Practice RIS “. Nangangahulugan ito na kinilala ng…

Read More

4 TULAK TIMBOG SA P238K SHABU

UMABOT sa P238,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Katherine Ignacio, 35; Maricel Burdios, 44; Leo Carlo Miralles, 42, at Conrado Trinidad, 6-anyos. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District  – Sampaloc Police Station 4, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation  sa Domingo Santiago Street malapit sa panulukan ng Luzon St., sakop ng…

Read More

PAGKAMATAY NI SALILIG KINONDENA NG ADU-PTA

MARIING kinondena ng pamunuan ng Adamson University Parents Teachers Association (ADU-PTA) ang marahas na hazing na ikinasawi ng isang estudyante ng unibersidad. Ayon kay Mer Layson, pangulo ng ADU-PTA, nakakapanlumo, nakakaiyak at nakakagalit ang ginawa ng grupo ng isang fraternity sa 3rd year engineering student na si John Matthew Salilig na napatay sa Hazing sa Laguna at ang bangkay nito ay ibinaon sa isang subdibisyon sa Imus, Cavite. Sinabi ni Layson na nanlumo siya habang ang ibang opisyal ng ADU-PTA ay naiyak, makaraang makarating sa kanila ang impormasyon hinggil sa…

Read More

DISQUALIFICATION CASE NI SENATOR RAFFY TULFO IBINASURA

NAWALAN na ng saysay ang reklamo laban kay Senador Raffy Tulfo makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang “motion for reconsideration” sa disqualification case dahil sa kawalan ng balidong rason. Unang dinismis ng Comelec ang disqualification case na inihain ng isang Julieta Licup Pearson laban kay Tulfo noong Marso 4, 2022. Naghain si Pearson ng mosyon na ibinasura rin ng komisyon nitong Pebrero 28. Ayon sa Comelec, hindi napatunayan ng mosyon na sapat ang kanilang ebidensya laban kay Tulfo at hindi rin napatunayan na labag sa batas ang unang…

Read More

SPEAKER ROMUALDEZ NAG-ALOK NG PABUYA LABAN SA MGA SUSPEK SA PAGKAMATAY NG ADAMSON STUDENT

NAG-ALOK kahapon si Speaker Martin G. Romualdez ng P500,000 pabuya para sa agarang ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay John Matthew Salilig, isang chemical engineering student ng Adamson University, na hinihinalang nabiktima ng hazing. Kinondena ni Romualdez ang pangyayari at iginiit na hindi gawain ng isang kapatiran ang patayin ang kanilang mga kasamahan. “Brothers do not kill brothers,” ani Romualdez. “Frat-related or not, any crime that results to death deserves utmost condemnation.” “Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal…

Read More