DOH NAKAPAGTAL NG 43 KASO NG RABIES

NAKAPAGTALA ng 43 kaso ng rabies sa bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 18, na pawang namatay bago na-ulol, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH). Gayunman, mas mababa ito ng 4% kaysa kaparehong panahon noong 2022, pahayag pa ng Kagawaran. “Itong 43 na kaso na ito ay hindi rabies mismo. These are animal bite cases,” ayon sa pahayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire. Aniya, karaniwan umano ay kagat ng alagang hayop ang malaking bilang na naitala na kung saan ang nakagat ay ang may-ari. Ang Central Luzon at…

Read More

P3.16-M ARAWANG SAHOD NG CONCON DELEGATES

tao

TUMATAGINTING na P3.16 milyon kada araw ang nakatakdang balikatin ng Pinoy taxpayers para punuan ang sahod ng 251 delegadong magiging bahagi ng Constitutional Convention (ConCon) na magrerepaso ng 1987 Constitution. Ginawa ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang pagtataya matapos ipasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7352 na nagbibigay bisa sa pagsipa ng ConCon na siyang babago sa mga kontrobersyal na probisyon ng Saligang Batas. Sa ilalim ng nasabing panukala, isasagawa ang paghahalal sa 251 ConCon delegates na kakatawan sa iba’t ibang distrito sa October 30, 2023…

Read More

2 TIMBOG SA DAMO

ARESTADO sa mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation nitong Miyerkoles ng madaling araw sa panulukan ng A.H. Lacson at Maria Clara Streets, Brgy. 343, Sta. Cruz, Manila. Kinilala ni Police Captain Rowell Robles, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, ang dalawang suspek na sina Roniel Remz Ariola, 29, at Froilan Quintana, 26-anyos. Batay sa ulat ni Police Executive Master Rommel Fermin Rey, miyembro ng “Team Swabe” ng SDEU,…

Read More

EVACUATION CENTERS BILL APRUB NA SA KAMARA

INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtayo ng evacuation centers sa bawat siyudad at bayan sa buong bansa. Sa botong 307, pabor at isa ang kumontra, tuluyang pinagtibay ang House Bill (HB) 7354 o “An Act Establishing Evacuation Centers in Every City and Municipality” at hinihintay na lamang ang bersyon ng Senado bago ito maipatupad. Sakaling tuluyan  itong maging batas, magkakaroon ng evacuation centers sa 1,488 munisipalidad at 146 siyudad sa buong Pilipinas kung saan dadalhin ang mga taong maaapektuhan ng paparating na…

Read More

BODYCAM NG AIRPORT SECURITY APRUB KAY SPEAKER ROMUALDEZ

APRUBADO kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagsusuot ng body cameras ng mga tauhan ng Office of the Transportation Security (OTS) na nag-i-screen ng mga bagahe ng mga paalis na pasahero sa mga airport. Ito ang iminungkahi ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Secretary Jaime Bautista sa pulong na ipinatawag ni Speaker Romualdez dahil sa magkasunod na insidente ng pagnanakaw at pangingikil sa ilang paalis na foreigners sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan ng mga tauhan ng OTS. Ang OTS ay nasa ilalim…

Read More

Para sa PUV modernization subsidy P1.2-B IBINALIK NG DOTr SA NATIONAL GOVERNMENT

IBINALIK ng Department of Transportation (DOTr) sa National Treasury ang P1.2 bilyong pondo para sa dagdag na subsidiya para sa mga driver at operator na apektado ng PUV Modernization Program, noong 2022. Ito ay ayon kay Atty. Vigor Mendoza ng 1 Utak kasabay ng paliwanag na laan ang pondo para sa additional subsidy na P360,000 sa ilalim ng Memorandum Order 2022-063 para sa PUJ Class 2/3/4. Kasunod nito, nagpalabas din ang LTFRB ng supplemental guidelines para sa aplikasyon upang makakuha ng dagdag na subsidiya sa pamamagitan ng MC No. 2022-076.…

Read More

PCSA KONTRA SA ILANG PATAKARAN NG PPA

NANINDIGAN ang Philippine Coastwise Shipping Association o PCSA sa kanilang mariing pagtutol sa ilang kautusan o patakaran ng Philippine Ports Authority o PPA. Ayon kay PCSA administrator Edgardo Nicolas, naglabas na sila ng “position paper” kontra sa electronic o e-ticketing system at pagpapataw ng sobrang taas na “port fees.” Nakasaad dito na ang mga nabanggit ay “pahirap at pabigat” lamang at mayroong masamang epekto. Wala ring naganap na konsultasyon sa iba’t ibang masasapol. Sila aniya sa PCSA, na pinaka-malaking shipping association sa Pilipinas, ay naniniwalang pumalo pa lalo ang “port…

Read More

TNVS GROUPS: PAGPAPAGAAN SA FRANCHISING REQUIREMENTS LILIKHA NG DAGDAG-TRABAHO

IKINATUWA ng grupo ng Transportation Network Vehicle Services (TNVS) ang streamlining sa pagkuha ng prangkisa ng kanilang hanay na makatutulong anila para makalikha pa ng mas maraming trabaho. Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni TNVS CommUNITY representative and TNVS Alliance PH Chairperson Aylene Paguio si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III at mga miyembro ng LTFRB Board “for heeding to our call to ease the process of applying for a new Certificate of Public Convenience (CPC) for encumbered units.” Ito ay matapos alisin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board…

Read More

VAWC OFFENDER TIKLO SA MPD-DPIOU

NABITAG ng mga operatiba ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District ang isang 36-anyos na chef sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act)  sa loob ng isang restaurant sa Gatan Village, Burgos Avenue, Good Samaritan, Cabanatuan City noong Sabado ng gabi. Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Unit ng MPD, ang suspek na si Gaudioso Alburo Jr., may asawa ng Macatbong, Cabanatuan City. Batay sa ulat ni Police Captain Rufino Casagan, hepe ng DPIOU, kasama niya si Police…

Read More