4 TULAK TIMBOG SA P238K SHABU

UMABOT sa P238,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Katherine Ignacio, 35; Maricel Burdios, 44; Leo Carlo Miralles, 42, at Conrado Trinidad, 6-anyos. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District  – Sampaloc Police Station 4, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation  sa Domingo Santiago Street malapit sa panulukan ng Luzon St., sakop ng…

Read More

PAGKAMATAY NI SALILIG KINONDENA NG ADU-PTA

MARIING kinondena ng pamunuan ng Adamson University Parents Teachers Association (ADU-PTA) ang marahas na hazing na ikinasawi ng isang estudyante ng unibersidad. Ayon kay Mer Layson, pangulo ng ADU-PTA, nakakapanlumo, nakakaiyak at nakakagalit ang ginawa ng grupo ng isang fraternity sa 3rd year engineering student na si John Matthew Salilig na napatay sa Hazing sa Laguna at ang bangkay nito ay ibinaon sa isang subdibisyon sa Imus, Cavite. Sinabi ni Layson na nanlumo siya habang ang ibang opisyal ng ADU-PTA ay naiyak, makaraang makarating sa kanila ang impormasyon hinggil sa…

Read More

DISQUALIFICATION CASE NI SENATOR RAFFY TULFO IBINASURA

NAWALAN na ng saysay ang reklamo laban kay Senador Raffy Tulfo makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang “motion for reconsideration” sa disqualification case dahil sa kawalan ng balidong rason. Unang dinismis ng Comelec ang disqualification case na inihain ng isang Julieta Licup Pearson laban kay Tulfo noong Marso 4, 2022. Naghain si Pearson ng mosyon na ibinasura rin ng komisyon nitong Pebrero 28. Ayon sa Comelec, hindi napatunayan ng mosyon na sapat ang kanilang ebidensya laban kay Tulfo at hindi rin napatunayan na labag sa batas ang unang…

Read More

SPEAKER ROMUALDEZ NAG-ALOK NG PABUYA LABAN SA MGA SUSPEK SA PAGKAMATAY NG ADAMSON STUDENT

NAG-ALOK kahapon si Speaker Martin G. Romualdez ng P500,000 pabuya para sa agarang ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay John Matthew Salilig, isang chemical engineering student ng Adamson University, na hinihinalang nabiktima ng hazing. Kinondena ni Romualdez ang pangyayari at iginiit na hindi gawain ng isang kapatiran ang patayin ang kanilang mga kasamahan. “Brothers do not kill brothers,” ani Romualdez. “Frat-related or not, any crime that results to death deserves utmost condemnation.” “Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal…

Read More

4 LUGAR SA MM, 20-50 ORAS WALANG TUBIG – MAYNILAD

BUNGA ng isasagawang pagkumpuni sa isang major leak sa Makati City, makararanas ng mula 20 hanggang 57 oras na walang  suplay ng tubig ang apat na lugar sa Metro Manila mula  Marso 5 ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-11:59 ng gabi ng Marso 7. Maapektuhan ng pagkukumpuni ang 115,000 service connections ng Maynilad Water Services Inc., sa mga lugar sa Maynila, Makati, Pasay at Parañaque. Sinabi ng Maynilad, susuriin nila ang underground pipe upang matiyak ang laki ng pinsala na dapat nilang ayusin. Una rito, nadiskubre ng Maynilad nitong nagdaang weekend ang major pipe leak…

Read More

PANGAMBA SA BIRD FLU PINAHUPA NG DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DoH) na hindi dapat katakutan ang bird flu dahil hindi naman ito karaniwang naipapasa sa mga tao. Ayon sa DOH, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay ng naitalang kaso ng bird flu sa hayop na naitala na sa ibang mga bansa kabilang na ang Pilipinas . Ngayong taon, nakapagtala na ng hindi bababa sa anim na kaso ng bird flu sa bansa, ayon sa DA. “Hindi para dapat mabahala, itong H5N1 it has been happening in certain part of…

Read More

ACT-CIS TIWALA PA RIN SA PNP

KUMPIYANSA pa rin ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) na mapigilan ang sunud-sunod na ambush sa mga politiko at patayan at kaagad na maresolba nila ang mga ito. Ayon kay ACT-CIS 1st nominee Cong. Edvic Yap, “I am sure at this point si PNP Chief (Rodolfo) Azurin ay may mga oplan na para matuldukan ang problemang ito”. Dagdag ni Cong. Yap, “mukhang political ang motibo sa pag-ambush sa mga officials, entonces the PNP should focus nga sa trabaho, o…

Read More

TAGUIG’S BOSS COLLECTION INCREASES BY P1.17B

THE City of Taguig reported collecting business taxes amounting to ₱4.38 billion during its Business One Stop Shop (BOSS) this year, a whopping ₱1.17 billion increase from the figure reported for the same period in 2022. Carrying out the orders of Mayor Lani Cayetano, the city rolled out a new system that allowed business owners to apply for permits and pay taxes quickly, accurately, and hassle-free. The Business Permits and Licensing Office and the City Treasurer’s Office integrated the payment of Barangay fees. Business owners no longer needed to secure…

Read More

SIBUYAS QUEEN NAMUMURO, ‘NO SHOW’ ULIT SA KONGRESO

PIHADONG sa kulungan magbabakasyon sa nalalapit na Mahal na Araw ang tinaguriang ‘Sibuyas Queen’ dahil sa muling ‘di pagdalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng kontrobersyal na agri-smuggling. “Submit a written explanation to this committee why your client should be subjected into contempt,” direktiba ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., sa abogado ni Leah Cruz. Sa simula ng imbestigasyon, kinuwestyon ng mga mambabatas ang abogado ni Cruz kung bakit hindi ito dumalo gayung pinadalhan ito ng imbitasyon ng komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga. Sa paliwanag ni Atty. Kenneth…

Read More