NANGAKO si House Speaker Martin Romualdez na personal na ihihingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE), ang may 12,000 sugarcane workers na nawalan ng trabaho sa Batangas. “Kakausapin ko ang mga head ng mga agencies na ito na magbigay ng financial assistance for their livelihood at pang-araw araw na pangangailangan,” ayon kay Romualdez, na mambabatas mula sa Leyte. Matatandaang ang DSWD ay may ipinamimigay na Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) hanggang…
Read MoreCategory: METRO
VIETNAMESE FISHERMEN PUMASOK SA TERITORYO NG PINAS
HINDI nakapalag at sumunod na lamang sa utos ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisdang Vietnamese makaraang mamataan ang mga ito sa karagatan ng Pilipinas, kasabay ng mas pinalakas na presensya at pagpapatrolya ng mga awtoridad sa West Philippine Sea partikular sa Kalayaan Island group. Base sa ulat ng PCG, agad silang nagpadala ng radio challenge sa Vietnamese fishing vessel at inatasang lisanin ang loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Agad din anilang inilabas ng coast guard ang kanilang rigid hull inflatable hauls para inspeksyunin ang naturang sasakyang…
Read More16-ANYOS BINATILYO ARESTADO SA RAPE
INARESTO ng mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang isang 16-anyos na binatilyo dahil sa kasong rape sa bisa ng warrant of arrest, makaraang matunton sa Quezon City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Rey”, estudyante at residente ng Bago Bantay, Quezon City. Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, bandang alas-9:15 ng gabi nang maispatan ang binatilyo, sa tulong ng isang impormante, sa Bago Bantay, Road 1, Quezon City. Ang binatilyo ay itinuturing ng pulisya na most wanted person…
Read More600 KILONG ILEGAL NA PORK CHORIZO NASABAT
NADISKUBRE ang 600 kilong pork chorizo na walang kaukulang dokumento at tinangkang ipuslit sa Port of Surigao matapos ang isang linggong pagmamatyag ng mga operatiba ng Philippine Ports Authority (PPA) at Bureau of Animal Industry (BAI). Base sa ulat, isinailalim sa surveillance operation ng mga tauhan ng PPA Port Police ang mga animal shipment matapos makatanggap ng impormasyon mula sa BAI na patuloy ang ilegal na transportasyon ng meat products sa iba’t ibang lugar sa Northern Mindanao. Miyerkoles ng umaga, nasabat ng mga awtoridad ang isang cargo truck na may…
Read MoreSAHOD NA HINDI NAKABUBUHAY ILEGAL – SOLON
LABAG sa Saligang Batas ang hindi nakabubuhay na sahod ng mga manggagawa sa bansa, lalo na sa pribadong sektor. Ito ang ipinaalala ni Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, kinatawan ng TUCP Party-list, kaya kailangang irebyu ang polisiya ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa pagbibigay ng dagdag na sahod. “The right to a family living wage is guaranteed by no less than the Constitution and is, in fact, one of the standards/criteria for minimum wage fixing as stipulated in the Wage Rationalization Act,” ani Mendoza. Gayunpaman, hanggang papel lamang na kailangang magkaroon ng nakabubuhay na…
Read MoreLIFE SUPPORT SA DIALYSIS PATIENTS INIREKOMENDA SA KAMARA
INIREKOMENDA ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan ng suporta ang dialysis patients habang nabubuhay ang mga ito. Kasabay nito, inaprubahan sa pagdinig ng House Committee on Health ang panukalang batas ni House Speaker Martin Romualdez na bigyan ng kapangyarihan ang pangulo na suspendihin ang premium increase sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Sa pagharap ni Dr. Romina Danguilan, NKTI Adult Nephrology Department chairperson, nais nito na suportahan ng PhilHealth ang mga pasyente na may sakit, sa kanilang dialysis. Ginawa ni Danguilan ang pahayag bilang…
Read MoreSa ilalim ng komite ni Cong. Fidel Nograles MOVIE & TV WORKERS PROTECTION BILL ABOT-KAMAY NA
IKINATUWA ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang pagkakapasa kamakailan ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ng iba’t ibang bills na nagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawang Pilipino. “Nagagalak tayo na naipasa na ang mga panukalang batas na dininig ng ating komite na layuning isulong ang kapakanan ng manggagawang Pilipino,” pahayag ni Nograles, chairman ng House Committee on Labor and Employment. Ang House Bill (HB) No. 1270 o ang Eddie Garcia Act, ay magbibigay ng mahusay na proteksyon para sa mga manggagawa ng movie and…
Read MoreLASER ATTACK NG CHINA PINAKOKONDENA SA KAMARA
NAGHAIN ang militanteng mambabatas ng resolusyon para ipakondena sa mababang kapulungan ng Kongreso ang laser attack ng China sa Philippine Coast Guard. Kasabay nito, nakasaad sa House Resolution (HR) 781 na inakda ng Makabayan bloc na magsagawa ng imbestigasyon sa pag-atake ng Chinese Coast Guard sa PCG na sakay ng BRP Malapascua sa bahagi ng Ayungin Shoal noong Pebrero 6. “The legislative branch should issue its strongest condemnation on the incident and renounce any further activity that could escalate the tensions in the West Philippine Sea (WPS), ayon sa resolusyon…
Read MoreKAHANDAAN NG GOBYERNO SA ‘THE BIG ONE’ PINATITIYAK
INIHAYAG ni House Speaker Martin Romualdez na mahalagang matiyak ang kahandaan ng pamahalaan, lalo na ang first responders, sakaling tumama ang malakas na lindol o tinatawag na “The Big One” sa bansa, partikular sa National Capital Region (NCR). Una nang nagbabala ang mga eksperto na maaaring libu-libo ang maging biktima ng nasabing lindol, tulad ng nangyari sa Turkey at Syria, kung walang paghahanda ang bawat isa. Dahil dito, sinabi ng House Speaker na, “We want to find out if we are really ready at ano ang dapat gawin ng publiko”. “Na-experience…
Read More