PRODUKSYON NG COCO SUGAR UMARANGKADA

UMARANGKADA na ang produksyon ng coconut sugar sa kabila ng pagmahal ng presyo ng asukal sa merkado. Ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA), unti-unti nang nakikilala ang coconut sugar product dahil sa malaking demand nito. Sa isang pahayag, sinabi ni PCA Administrator Bernie Cruz, malaki ngayon ang demand ng asukal na mula sa coconut product dahil mas healthy ito kaysa ibang brand. Ayon pa kay Cruz, dahil sa paglaki ng demand ngayon ng coco sugar sa merkado, mas hinihikayat ng ahensya ang coconut farmers na paunlarin pa ang pagtatanim ng…

Read More

MAAGANG SHIPMENT NG ASUKAL PINABUBUSISI

PINABUBUSISI ni Senador Risa Hontiveros sa Senate Blue Ribbon Committee ang mga pumasok na sugar shipments sa bansa bago pa man inilabas ang Sugar Order No. 6 para sa importasyon. Sa kanyang Senate Resolution 497, ibinunyag ni Hontiveros ang shipment ng 260 na 20-foot containers na dumating sa port of Batangas noong Pebrero 9 na naka-consign sa All Asian Countertrade Incorporated. Ito ay kahit noong Pebrero 15 pa lamang inilabas ng Sugar Regulatory Administration ng Sugar Order No. 6 para sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng asukal. Sa proseso,…

Read More

IKA-122 ANIBERSARYO NG MPD DINALUHAN NG MGA DATING OPISYAL

SA unang pagkakataon, nagkasama-sama ang mga naging director ng Manila Police District nang dumalo ang mga ito sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng police district sa Headquarters nito sa United Nations Avenue, Ermita, Manila, Martes ng umaga. Sa unang bahagi ng pagdiriwang, binigyan ng arrival honor sina Manila Mayor Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. Sinundan ito, alas-7:45 ng umaga ng wreath-laying ceremony na pinangunahan nina MPD Director PBGen. Andre P. Dizon, Mayor Lacuna at PNP Chief Azurin Jr. bilang pagpupugay sa mga…

Read More

2 TULAK NABITAG SA RILES

SWAK sa selda ang dalawa katao makaraang madakip ng mga tauhan ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, sa inilatag na anti-drug operation sa riles ng tren ng PNR, malapit sa panulukan ng G. Tuazon Street sa Sampaloc, Manila nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang dalawang nadakip na sina Edepono Mariano, 43, at Mariane Pandato, 46-anyos. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Station 4, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation sa riles ng tren na sakop ng Barangay 422, Zone…

Read More

ICC PAPASUKIN PARA SUMIPA NEGOSYO – SOLON

HINDI papasok ang mga pangakong negosyo ng mga dayuhang kapitalista kung hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang International Criminal Court (ICC) na mag-imbestiga sa giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon. Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, walang kahihinatnan ang mga investment pledges na nasungkit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung patuloy na binabalewala ng administrasyon ang karapatang pantao. Mungkahi ni Lagman kay Marcos, payagan makapasok ang ICC. Bukod sa usapin ng ICC, hinikayat rin niya ang Pangulo na palayain si dating Senador Leila De Lima mula sa anim na taong pagkabilanggo…

Read More

OIL SPILL SA KALSADA NAGDULOT NG KARAMBOLA

NAGDULOT ng panibagong aksidente ang nagkalat na langis mula sa isang Ford pick-up sa northbound lane ng panulukan ng Osmeña Highway at San Andres sa Sta. Ana, Manila, Lunes ng umaga. Sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, Chief Investigator ng Manila District Traffic Enforcement Unit, alas-11:00 ng umaga, binabaybay ni Rommel Nermal, 56, ang nasabing kalye nang tumagas ang langis ng makina ng minamaneho nitong Ford pick-up kaya itinabi nito ang sasakyan. Siyang pagdaan naman ng motorsiklong minamaneho ni Richard Caballero, ng Pasig City angkas ang isang nagngangalang “Aubrey”…

Read More

Sa pag-amyenda sa Saligang Batas PUBLIC CONSULTATIONS NAPAPANAHON – REP. ROBES

MATAGUMPAY na naisagawa ng House Committee on Constitutional Amendments ang kanilang pampublikong konsultasyon sa mga panukalang batas na nagsusulong ng mga reporma sa konstitusyon noong Sabado, Pebrero 18, sa San Jose Del Monte (SJDM) City, Bulacan. Halos 700 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa public consultation na pinangunahan ni SJDM City Rep. Florida “Rida” Robes at kanyang asawang si Mayor Arthur Robes sa City Convention Center sa Barangay Sapang Palay Proper. Si Rep. Robes, na namumuno sa House Committee on Good Government and Public Accountability, ay nagsabi…

Read More

SEARCH AND RESCUE SA MISSING CESSNA PLANE IPINAGPATULOY

IPINAGPATULOY kahapon ang search and rescue operation ng pinagsanib na pwersa ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Energy Development Corporation at Philippine Army, para sa nawawalang Cessna plane. Ito ay makaraang masilip ng isang foreign rescue volunteers sa lente ng kanyang DSLR camera ang posibleng debris ng nawawalang Cessna 340 plane sa Bicol noong Sabado, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) kahapon. Ayon sa OCD, muling ipinagpatuloy ng rescue team ang nabalam na paghahanap dahil sa sama…

Read More

FINAL TESTING NG VCMs SA CAVITE NATAPOS NA

MAAYOS ang final testing at sealing ng 426 Vote-Counting Machines (VCMs) sa 75 voting centers sa 116 barangays ng lungsod ng Trece Martires at mga bayan ng Amadeo, Indang at Tanza sa Cavite City. Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), walang pumalyang makina o SD card ang lahat ng VCMs maliban sa paper jam na naremedyuhan naman kaagad. Ang final testing at sealing ay bahagi ng mga huling proseso ng Automated Elections System (AES) bilang paghahanda sa gaganaping Special Elections para sa kongresista ng 7th District ng Cavite ngayong darating…

Read More