HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pitong Pilipina habang papasakay sa kanilang Scoot Airways flight papuntang Iraq. Ayon sa report, ang pitong Pilipina ay paalis noong Enero 16 sa NAIA Terminal 1 via Singapore, nang ma-intercept ng mga tauhan ng Immigration, dahil sa kaduda-dudang kilos ng mga ito. At nadiskubre sa isinagawang imbestigasyon na magtatrabaho ang pitong Pinay bilang janitress sa Erbil, Iraq, at makatatanggap ng US$1,000 dollars monthly salary. Matatandaang kamakailan, ipinag-utos ng pamahalaan ang tinatawag na ‘long standing ban…
Read MoreCategory: METRO
Sa gas station investment scam NBI NAGLABAS NG SUBPOENA VS LUIS MANZANO
BUNSOD ng umano’y kinasasangkutang gas station investment scam, naglabas na ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa actor/TV host na si Luis Manzano. Nabatid sa ulat ng NBI, noong Biyernes nang ilabas ng NBI Criminal Intelligence Division ang subpoena matapos ireklamo ng mga investor ng Flex Fuel Petroleum Corp. ng kasong estafa ang nasabing kompanya at ang aktor. Nasa 15 overseas Filipino workers ang naghain ng reklamo sa NBI at mayroong 40 complainants sa Pilipinas. Nabatid sa salaysay ng mga nagreklamo, pumasok umano sa kanilang Zoom meeting si Manzano at…
Read More1K PASAWAY SA MAYNILA NAITALA SA 24-ORAS
HALOS isang libong indibidwal ang naitala dahil sa iba’t ibang kaso at paglabag sa sari-saring mga ordinansa sa loob ng 24-oras sa Maynila. Ayon sa accomplishment report na iniulat ni MPD Director P/BGen. Andre Perez, “The game changer” Dizon, ang malaking bilang ng mga nahuli ay dulot ng pinaigting na pagpapatrolya ng mga tauhan ng 14 istasyon sa distrito mula madaling araw ng Enero 7 hanggang madaling araw ng Enero 8. Ang 12 bilang ng ikinasang mga operasyon ng MPD, ay may kinalaman sa bawal na droga, nakakumpiska ng 16.2 gramo…
Read More6 TULAK TIMBOG SA 2 BUY-BUST OPS SA MAYNILA
ARESTADO ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkasunod na buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District, Sta. Ana Police Station 6, nitong madaling araw ng Huwebes sa Tondo at Sta. Ana, Manila. Unang nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses ng DDEU, bandang alas-12:20 ng madaling araw sa panulukan ng Hermosa at Pilar Streets sa Tondo kung saan natimbog ang tatlo katao at nakumpiska ang 3.80 gramo ng umano’y…
Read MoreMANDURUKOT SA JEEP NADAKMA SA FOLLOW-UP
NADAKMA ang isang hinihinalang nandukot sa loob ng jeep sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila, sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa Mandaluyong City noong Miyerkoles. Kinilala ang suspek na si David Solomon, 47, may asawa, jobless, ng Barangay San Luis, Dasmariñas, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-4:20 ng hapon noong Miyerkoles nang mapansin ng 20-anyos na estudyante ng Centro Escolar University (CEU) na laslas ang kanyang bag at nawawala ang kanyang cellphone at P20,000 cash, habang nakasakay sa jeep na binabagtas ang kahabaan ng Claro M. Recto…
Read MoreKapalaran ng 956 PNP officials nakataya LACSON ETSA-PUWERA SA 5-MAN PROBE TEAM
KUMPLETO na ang five-man advisory council na bubusisi at magbibigay rekomendasyon kung sino sa mahigit 900 heneral at koronel na nagsumite ng kani-kanilang courtesy resignation noong nakaraang buwan ang mananatili sa serbisyo – o sasampahan ng kaso kaugnay ng malawakang kalakalan ng droga sa bansa. Sa kalatas ng Department of Interior and Local Government (DILG), unang tinukoy ng Interior Sec. Benhur Abalos sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Philippine National Police chief Director General Rodolfo Azurin Jr., dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, Retired Major General Isagani Nerez. Unang lumutang ang…
Read More935 PUBLIC SCHOOL STUDENTS TARGET SA CASH ASSISTANCE
TINATAYANG nasa 935 estudyante ng pampublikong paaralan ang mababahaginan ng cash assistance mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila. Ang cash assistance ay ikalawang batch sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) at naipamahagi sa koordinasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa San Andres Complex, Manila. Ayon sa pamahalaang lokal, ang mga benepisyaryo ay binubuo ng Grade 1 hanggang Senior High School mula sa Baseco Community hanggang sa ikalimang distrito ng lungsod. Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng P5,000, na layong makatulong sa gastusin sa kanilang pag-aaral.…
Read MoreBID PORT OPERATION BUWAGIN – REMULLA
MATAPOS ang kabi-kabilang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Bureau of Immigration (BI), nakatakdang buwagin ng Department of Justice (DOJ) ang isang tanggapan ng naturang kawanihang pinaniniwalaang sangkot sa human trafficking. Partikular na tinukoy ni Justice Secretary Crispin Remulla ang Port Operations Division (POD) na nangangasiwa sa pagpasok at paglabas ng mga dayuhan sa mga paliparan at pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa. Paglalarawan ni Remulla sa POD, “depekto” sa umiiral na sistema ang naturang tanggapan. Kasabay ng paglusaw sa POD, isusulong aniya ng departamento ang tinawag niyang “decentralization” sa pamamahala sa…
Read MoreBUMBERO ISASABAK NA RIN SA MEDICAL RESPONSE
HINDI lang pag-apula sa sunog ang magiging trabaho ng mga bumbero kapag tuluyang naipasa ang panukalang batas, kundi magliligtas din ang mga ito ng buhay ng mga tao lalo na sa panahon ng kalamidad. Sa susunod na linggo ay inaasahang isasalang sa pinal at huling pagbasa ang House Bill (HB) 6521 na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) 1158 o Bureau of Fire Protection Modernization Act, matapos itong ipasa sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng viva voce voting. Sa ilalim ng nasabing panukala, magiging medical first responder, Emergency Medical Technicians (EMT) ang mga…
Read More