QC POLICE PINAIIMBESTIGAHAN SA PAG-ARESTO SA UP PROF

NAKATAKDANG maghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ng apat na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) na umaresto kay UP Professor Melania Flores. “These operatives should be investigated for impersonating government employees, and even entering Prof. Flores’ room when they were not invited in,” pahayag ni ACT Party-list Rep. France Castro. Bukod dito, nilabag umano ng mga pulis na hindi pa pinapangalanan, ang UP-DILG Accord of 1992 na dapat makipag-ugnayan muna ang mga law enforcer sa UP…

Read More

NPC SOLON ITINALAGANG CARETAKER NG VALENZUELA

ITINALAGA ni House Speaker Martin Romualdez si Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Mark Enverga bilang caretaker ng Valenzuela City 1st District na binakante ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian. Kasabay nito, pormal na rin tinanggap ng liderato ng Kamara ang resignation letter ni Gatchalian at inatasan ang Secretary General’s Office ng Kamara na tanggalin ang pangalan ng dating mambabatas sa roll of members. Si Gatchalian ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang Secretary ng DSWD kapalit ni dating Secretary Erwin Tulfo na dalawang…

Read More

GOBYERNO KINALAMPAG SA KABIGUAN NG REPORMANG AGRARYO

KINALAMPAG ng grupo ng mga magsasaka ang gobyerno dahil umano sa kabiguan nitong ipatupad ang tunay na repormang agraryo. Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Chairperson Danilo Ramos na nabigo ang programa ng Department of Agrarian Reform (DAR) na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka dahil hindi naman napasakamay ng mga magsasaka ang kanilang sinasaka. Sa isang panayam, sinabi ni Ramos na hindi nagkaroon ng tunay na repormang agraryo para sa mga magsasaka at ibinigay na halimbawa ang patuloy na pagmamay-ari ng…

Read More

80 LALAWIGAN MALARIA-FREE NA

UMABOT sa 80 mula sa 81 lalawigan ang iniulat na malaria-free, at tanging ang Palawan na lamang ang natukoy na may mga kaso ng malaria sa nakalipas na ilang taon. Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes, karamihan sa mga lalawigan ay nagdeklara na bilang malaria-free simula noong 1995, kasama ang Cebu, Bohol at Catanduanes na na-tag bilang “malaria-free historically.” Taong 2022 naman nang ideklarang malaria-free ang Oriental Mindoro, Rizal, Aurora, at Cotabato. Paliwanag ni Vergeire, ang criteria na malaria-free na ang mga probinsya ay kung…

Read More

P2K MONTHLY AYUDA SA MAY ANAK NA PWD ISINULONG

NAGSANIB-PWERSA ang dalawang mambabatas at isang party-list sa paghahain ng panukalang batas para bigyan ng buwanang ayuda ang mga pamilya na may anak o miyembro na person with disability (PWD). Inihain nina Davao City Congressman Paolo Duterte, Eric Yap ng Benguet, at sina ACT-CIS Cong. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, at Jeff Soriano ang House Bill 6743. Sa ilalim ng nasabing panukala na pinamagatang “Monthly Subsidy for Parents with Children with Disability Act,” makatatanggap ng P2,000 monthly pension ang mga magulang na may anak na PWD na ang edad ay 21…

Read More

HOARDING NG SIBUYAS, BAWANG PINASISIYASAT NI ROMUALDEZ

PAIIMBESTIGAHAN ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga ulat na sinasadya ng mga tusong negosyante ng sibuyas at bawang na itago ang mga stock nila ng mga naturang pampalasa upang mapataas ang presyo ng mga ito sa merkado. Kasabay nito, tiniyak ni Romualdez nitong Linggo na sasampahan nila ng kaso ang lahat ng negosyanteng mapatutunayang nagho-hoard ng mga naturang produkto upang manipulahin ang presyo nito sa merkado. “Bilang na ang mga araw ninyo,” babala pa ng House Speaker sa mga mapagsamantalang negosyante ng sibuyas at bawang. “May mga…

Read More

22 menor de edad naaktuhan COMPUTER SHOP IPINADLAK

HINDI nagdalawang isip pa ang station commander ng Manila Police District- Raxabago Police Station 1, sa pagpadlak sa isang computer shop sa Tondo, Manila dahil bukod sa naaktuhang mga kabataan na naglalaro sa loob nito, ay walang maipakitang ‘business permit to operate’ ang may-ari noong Biyernes ng gabi. Ang pasya ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr. na tuluyang isarado ang nasabing computer shop sa Barangay 123 sa Tondo, Manila ay bunsod ng reklamo ng mga magulang na pinapapasok dito maging ang mga menor de edad na dapat ay nasa loob…

Read More

EDCA 9 PINABUBUSISI SA KONGRESO

NAIS ng ilang mambabatas sa Kamara na busisiin ang ekspansyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Pilipinas matapos magkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na dagdagan ng apat ang EDCA locations sa bansa. Ginawa ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang panawagan sa Kamara na magpatawag ng imbestigasyon dahil sa pagkumpirma ni US Defense Secretary Lloyd Austin na magiging 9 na ang EDCA locations sa Pilipinas. Sinabi ng mambabatas na lubha itong nakababahala dahil tiyak na maiipit umano ang Pilipinas sa girian ng Amerika at China kapag nagkataon kaya dapat…

Read More

TULAK BINITBIT SA ARREST WARRANT

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa bisa ng warrant of arrest, sa New Antipolo Street, Barangay 217, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Carlos Umali, 45-anyos, tricycle driver, ng Antipolo St., Tondo. Ayon kay Police Captain Rufino Casagan, hepe ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, bandang alas-2:00 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest kay Umali sa New Antipolo Street sa Tondo. Inaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pamumuno ni Police Captain Veronica Apresurado,…

Read More