IBINIDA ni President Ferdinand R. Marcos Jr. noong Sabado na nangunguna ang Pilipinas sa pagbangon at pagganap ng ekonomiya hindi lamang sa Asia-Pacific kundi sa buong mundo. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang arrival speech matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland. “Our WEF engagement has enabled the many leaders and experts in government, in business, civil organization and in the academe that were in attendance to receive the good news that the Philippines is leading economic recovery and performance not only…
Read MoreCategory: METRO
DALAGANG FRAT MEMBER ITINUMBA
NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isang 19-anyos na dalaga makaraang malapitang baunan ng bala sa ulo ng hindi kilalang suspek sa Block 1, Dubai Street, Barangay 649 , Baseco Compound, Port Area, Manila. Linggo ng hapon, dakong ala-1:00 nang ideklarang patay na ang biktimang si Maica Salapate ng nasabing lugar. Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek habang nangangalap ng testigo ang mga awtoridad para sa ikalulutas ng kaso. Noong Enero 20, bandang alas-5:00 ng…
Read More3 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NA-INTERCEPT SA NAIA
NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong biktima ng human trafficking bago makasakay sa kanilang flight palabas ng bansa. Ayon sa report, nakatakdang mag-board ang tatlong ito sa kanilang Air Asia flight patungong Bangkok, Thailand ngunit naharang ng Immigration officers dahil sa kaduda-dudang kinikilos ng mga ito. At makaraan ang isinagawang question and answer, inamin ng tatlo na natanggap sila bilang mga Customer Service representatives ng isang kumpanya sa Vientiane, Laos. Ayon kay BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)…
Read MoreCOVID CASES BUMULUSOK SA NCR
BUMULUSOK sa 2.4% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) bagama’t bahagyang mas mataas ang kabuuang naitala na 2.7%, ayon sa OCTA Research Group kahapon. Ayon sa ulat ni OCTA fellow Dr. Guido David, naitala ang 2.4% rate sa Metro Manila noong Enero 21, na higit na mas mababa sa 3.7% na naitala noong Enero 14. Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa Covid test. Samantala, iniulat din ni David noong Linggo ng gabi, bahagya…
Read MoreACTION CENTER BUBUKSAN NA SA KONGRESO – SPEAKER ROMUALDEZ
BUBUKSAN ng Kongreso ang isang action center para sa mga tao na walang mahingan o malapitan ng tulong sa oras ng kanilang pangangailangan. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, pagamot, palibing, legal problems, illegal dismissal, biktima ng pang-aabuso ng mga nasa puwesto, at iba pa ay pwedeng ilapit sa action center ng mababang kapulungan. “Kung lumapit ka sa ahensya ng gobyerno at hindi ka pinansin o pinag-antay o pinababalik-balik kayo, magsumbong kayo sa amin at kami ang tutulong sa inyo,” aniya. “Tatawagan namin ang mga concerned agencies at tatanungin kung…
Read MoreBATAS PARA SA MGA MAY ANAK NA PWD PINOPORMA NG ACT-CIS SA KAMARA
MAGHAHAIN ng isang panukalang batas ang ACT-CIS Party-list na tutulong sa mga pamilya na may miyembrong persons with disability (PWD). Paliwanag ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, ang naturang batas ay isang financial aid para sa mahihirap na pamilya na may mga anak o miyembro na PWD. “Nakita ko yung pag-aaral na ginawa ng DSWD at lumalabas na mas malaki ang gastos ng pamilya na may PWD na miyembro o anak,” ani Cong. Yap. Aniya, “napupunta na lang halos higit sa kalahati ang kita ng isang pamilya sa gamot, check-up, o…
Read More16 DRAGON BOAT LUMAHOK SA CHINESE NEW YEAR PARADE
MASAYANG masaya ang mga dumalo sa pagdiriwang ng Lunar Chinese New Year ng Year of the Rabbit at sumaksi sa isinagawang Dragon Boat Competition sa ilog Pasig sa Sta. Cruz, Manila nitong umaga ng Linggo. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office, nagsimula ang paligsahan ng dragon boat bandang alas-9:15 ng umaga. Nasaksihan ng mahigit 300 indibidwal ang nasabing parada. Sinimulan ito sa Escolta Ferry Station dakong alas-9:15 ng umaga at inasistehan ni Police Captain Joel Roja ng Meisic Police Station 11 sa Binondo. Umabot…
Read MoreBADOY, SMNI ‘PABUBUSALAN’ SA KBP, NTC
HINDI libel at cyberlibel ang isasampang kasong laban kina dating National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NFT-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy-Partosa, Jeffrey Celis at sa Sonshine Media Network International (SMNI), kundi mas mabigat pa dito. “Ang suwerte nila (kung libel lang ang isasampa),” ani House Deputy Minority Leader France Castro, kaya ginagawa na umano ng mga ito ang reklamo na isasampa sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at National Telecommunications Commission (NTC). Bukod dito, ikinokonsidera rin umano ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list group na kanyang kinakatawan, ang pagsasampa ng oral…
Read More7 MWPs, 21 SUGAROL ARESTADO SA QC
INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Nicolas D. Torre III ang pagkakaaresto sa pitong wanted persons kasama ang no.1 regional level most wanted person, at 21 sugarol sa pinakahuling anti-criminality operations sa lungsod. Nagsagawa ang QCPD ng kanilang walang humpay na operasyon laban sa wanted persons na nagresulta ng pagkakadakip ng mga tauhan ng District Mobile Force Battalion (DMFB), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Geovanny Emerick Sibalo, kay Rexner Rubio, 34-anyos, nakalista bilang no.1 regional level most wanted person ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU),…
Read More