HENERAL NA DAWIT PLAZA SLAY SIBAK

SA hangaring tiyakin ang patas na imbestigasyon hinggil sa pamamaslang sa isang prominenteng negosyante sa Davao City, sinibak na sa pwesto ang army general na una nang idinawit ng pulisya “person of interest.” Sa direktiba ni Philippine Army chief Lt. Gen.  Romeo Brawner Jr., laglag bilang Commander ng 1001st Infantry Brigade si Brig. Gen. Jesus Durante matapos lumutang ang kanyang pangalan sa talaan ng mga “persons of interest” sa pagpatay kay Yvonette Chua Plaza noong Disyembre 29 ng nakaraang taon. Bukod sa pagiging negosyante, kilala rin ang biktima sa larangan…

Read More

TINGA ARESTADO SA P95K HALAGA NG SHABU SA TAGUIG

ANG suspek na si Bernardo Tiñga at ang droga at baril na nakumpiska umano sa kanya. DINAKIP ng mga tauhan ng Taguig City Police Sub-station 4 sa bisa ng search warrant ang isang umano’y miyembro ng Tiñga drug group kamakailan. Ang suspek na si Bernardo Tiñga ay sinilbihan ng search warrant na inisyu ng Taguig RTC Branch 15 ni Judge Byron San Pedro sa bahay nito sa P. Mariano St., Barangay Ususan. Nakuha sa 56-anyos na suspect ang isang kalibre .45 na baril, mga bala at diumano’y shabu na nagkakahalaga…

Read More

BANTAG ‘NO SHOW’ PA RIN SA DEPARTMENT OF JUSTICE

NABIGO na naman ang Department of Justice (DOJ) na pasiputin si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong murder na inihain sa kanya kaugnay sa umano’y pagpaslang sa broadkaster na si Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor. Gayunman, dumating ang abogado nitong si Atty. Rocky Balisong na naghain ng isa pang ‘motion for reconsideration’ sa naunang ibinasura nilang petisyon na mag-inhibit sa kaso ang prosecution panel ng DOJ dahil sa kawalan umano ng hurisdiksyon. Sa bago nilang katuwiran, may murder case din…

Read More

Tagatago ng pera ng PDLs 30 WARDEN TATALUPAN

NASA 30 warden sa ilalim ng Bureau of Corrections (BuCor) ang sumasailalim na sa malalimang imbestigasyon matapos mabisto ang pakikipagsabwatan sa mga preso. Pag-amin ni BuCor chief Gregorio Catapang, may mga patunay na ang kawanihan, sa pakikipagkuntsabahan ng ilang Bucor officials at personnel na nagtatago umano ng mga kinikita ng sindikato sa loob ng kani-kanilang binabantayang bilangguan. Katunayan aniya, kamakailan lang ay kinumpiska ng kawanihan ang nasa P300,000 na umano’y ipinatago ng isang persons deprived of liberty (PDL). Sa isang panayam sa telebisyon, hayagang sinabi ni Catapang na nakasentro ang…

Read More

2 KAGAWAD LAGLAG SA DRUG-BUST

TINATAYANG umabot sa P54,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang barangay kagawad at isang lalaking nasa drug watchlist ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4, sa ikinasang buy-bust operation noong Lunes ng umaga sa Sampaloc, Manila Kinilala ang mga suspek na sina Virgilio Diasanta Jr., 41, at Allan Salumbre, 39, kapwa kagawad ng Brgy. 537, Zone 53. Samantala, natimbog din ang umano’y kasabwat ng mga suspek na si Albert Salumbre, 37, kapatid ni Allan. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District…

Read More

TULAK, 2 PA TIKLO SA P2-M SHABU

MAHIGIT P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang 23-anyos na binata, at dalawang kasabwat nito sa ikinasang buy-bust operation noong Linggo ng gabi sa panulukan ng Claro M. Recto at Delpan streets, Tondo, Manila. Kinilala ang target ng operasyon na si John Derick Jasmin, alyas “Boss”, jobless, ng Blk. 5, Barangay 649, Zone 68, Baseco Compound, Port Area, Manila. Samantala, dalawa sa kasabwat nito ang binitbit din ng mga operatiba na kinilalang sina “Benjie”, 30, ng nasabing lugar, at Jan Oliver, 22, binata, tambay, ng Asuncion Street, Tondo.…

Read More

UE NAGLULUKSA SA PAGKAMATAY NG ESTUDYANTE

patay

PATAY ang isang 19-anyos na estudyante matapos umanong mahulog mula sa ikasiyam na palapag ng isang gusali sa loob ng University of the East (UE) campus sa Caloocan City noong Lunes ng umaga, Enero 23. Ayon sa Caloocan City Police Station (CCPS), nakarinig ng malakas na kalabog ang isang school utility personnel dakong alas-6:25 ng umaga at kalaunan ay nadiskubre niya ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa drainage. Base sa Facebook post ng UE Dawn, publication ng UE, nahulog ang biktima mula sa Lucio C. Tan Building sa loob…

Read More

DALAGA TUMUNGGA NG ASIDO BAGO TUMALON SA CONDO

SINIGURADO ng 23-anyos na dalaga ang kanyang pagpanaw sa paraan ng paglaklak ng asido bago pa man lumundag mula sa ika-5 palapag ng condominium na tinutuluyan. Kinilala ang biktima sa pangalang Iris Kyle Catacutan ng Chi Building, Unit 513 Redwoods Condominium, Brgy. Pasong Putik, Quezon City. Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 12:00 ng hatinggabi nang matagpuang wala ng buhay ang biktimang nakahandusay sa hardin sa baba ng gusaling tinitirhan. Ayon kay PSSG Angel Pascasio III, isang Jelmer Lapider, security guard…

Read More

BARKO SUMADSAD SA MASAMANG PANAHON

SORSOGON – Nagsasagawa  ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at iba pang ahensya ng pamahalaan sa posibleng naging pinsala sa pagsadsad isang cargo vessel sa mababaw na bahagi ng dagat sa bayan ng Barcelona sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga dahil sa masamang panahon. Noong Linggo ay inalam ng PCG, kasama ang Marine Environmental Protection Group Sorsogon, SPDRRMO Sorsogon, MDRRMO Barcelona at mga tauhan ng Philippine Army, kung may posibilidad ng oil spills mula sa sea vessel na LCT Regent 101 na sumadsad sa bahagi ng sea water ng Sitio Boracay, Barangay…

Read More