NAHULOG sa bitag ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14 ang isang 43-anyos na top 2 most wanted person dahil sa kasong murder at frustrated murder sa Basilan, nang matunton ito sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pista ng Nazareno sa Quiapo, Manila. Kinilala ang suspek na si Lajid Jayanna y Mustamin, may asawa, jobless, tubong Sumisip, Basilan, at umano’y kasapi ng Yakan ethnic group at nanunuluyan sa Maharlika Village, Taguig City. Ayon sa impormante, ang suspek ay sangkot sa iba’t ibang krimen kabilang ang mga karumal-dumal na gawain. Kasapi rin…
Read MoreCategory: METRO
WANTED NA DAYUHAN TIKLO SA NAIA
NA-INTERCEPT ng Immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang isang Belarus national na wanted ng mga awtoridad sa kasong rape with sexual assault na isinampa ng kanyang naging biktima sa lalawigan ng Cavite. Kinilala ang suspek na si Aliaksei Rudakou, 31-anyos, nadakip noong Enero 5 makaraang bumaba mula sa Emirates Flight galing Dubai. Batay sa impormasyon, si Rudakou ay gumagamit ng alyas na Ali at Aliak, at naninirahan sa isang condominium unit sa Quezon City. Nakarating sa kaalaman ng Bureau of Immigration na ang suspek ay…
Read More265 TONS NG BASURA NAHAKOT SA PISTA NG QUIAPO
HALOS umabot sa 265 metriko tonelada ng mga basura ang nahakot ng mga tauhan ng Department of Public Safety ng Maynila, na iniwan ng mga deboto sa ilang araw na selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand at sa Quiapo, Manila. Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna, katumbas ito ng 99 truck ng basura na nahakot mula Enero 6 hanggang 9. Mas marami ito sa nahakot na basura noong 2021 na may 196 metriko tonelada o 57 truck ng basura, at noong 2022…
Read MorePAKIKIPAGTULUNGAN NG AIRLINES HINILING NI TANSINGCO
HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco nitong Miyerkoles ang lahat ng mga ahensya na may kinalaman sa airport operations, gayundin ang mga airline, na magtulungan para maresolba ang airport lines. Ginawa ni Tansingco ang panawagan matapos na makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa long lines sa immigration area, kasunod ng post-new year glitch sa pangunahing mga paliparan ng bansa. “All counters were manned, but the lines remained long,” ani Tansingco. “While passengers were processed expeditiously, more can be done to improve this,” dagdag pa niya. Ayon kay Tansingco,…
Read MoreBAHAGI NG MAHARLIKA HIGHWAY ISASARA
PANSAMANTALANG isasara sa mga motorista ang bahagi ng Maharlika highway sa Brgy. San Juan, Alaminos, Laguna upang bigyang daan ang kasalukuyang construction ng TR4 project o South Luzon Expressway extension. Ayon sa announcement ng Alaminos Police sa kanilang FB page, simula noong Lunes ay inaasahang tatagal ng 30 araw ang pagsasara ng bahagi ng highway kung saan itatayo at ilalagay na ang overpass bridge ng ongoing SLEx TR4 project patawid sa Maharlika highway, ayon anila sa DPWH. Sinabi ni P/Cpt. Edwin Goyena, hepe ng Alaminos Police, ang light vehicles mula motorsiklo hanggang…
Read MoreMGA DEBOTO KUNTENTO KAHIT WALANG TRASLACION
MASAYA ang mga deboto ng Itim na Nazareno na nakibahagi sa selebrasyon ng Pista ng Quiapo kahit walang traslacion. Sa ikatlong taon, mula nang pandemya dulot ng COVID-19, itinuloy ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand. Pahayag ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, nalulungkot ang mga deboto dahil hindi pa rin naidaraos ang “Traslacion” na pangatlong taon ngayon ngunit ipinaalala niya na si Hesukristo ay palaging nasa buhay ng bawat Kristiyano. “Ang Traslacion ay hindi lang taon-taon kundi araw-araw na karanasan sapagkat ang Mahal na Poong Hesus Nazareno ang Siyang nagpuprusisyon…
Read MoreCentino sumabak na sa trabaho ‘WHITE PAPER’ DEDMA SA AFP
KASABAY ng agad na pagsabak sa trabaho ng bagong talagang Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff, ipinagkibit-balikat lang ng hukbong sandatahan ang intrigang kalakip ng white paper na kumakalat sa punong himpilan ng AFP. Sa halip na patulan ang mga patutsada hinggil sa di umano’y paggamit kay retired AFP chief Lt. Gen. Bartolome Bacarro, nanindigan ang pamunuan ng AFP na suportado nila ang pagbabalik ni Gen. Andres Centino bilang AFP chief-of-staff. Normal din anila ang sitwasyon sa kabila pa ng mga ulat hinggil sa di umpano’y nilulutong destabilisasyon ng mga…
Read MoreMWP SA MURDER NASAKOTE SA CALOOCAN
NALAMBAT sa Caloocan City ang isang lalaking kabilang sa most wanted persons ng lungsod dahil sa kasong murder. Huli ang suspek na si Jeffey Arfon y Salcedo alyas “Bokbok”, 24, ng Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City. Natimbog ang suspek sa operasyon sa Tierra Nova, Barangay 171, Bagumbong, ng lungsod, dakong alas-11:30 ng umaga noong Enero 6. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Elvin Lobina Siosana, ng RTC Branch 128, Caloocan City dahil sa kasong murder. (ALAIN AJERO) 346
Read More2 TINEDYER, 1 PA TIKLO SA P.8-M SHABU
KALABOSO ang tatlo katao makaraang makuhanan ng halos P.8 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Caloocan City. Dakong alas-2:05 ng gabi noong Enero 6 nang dambahin sa Tala, Barangay 188, ng lungsod ang mga suspek na sina Farok Carnabal alyas “Amo”, 18, at Akim Basher y Toledo alyas “Polpol”, 18, matapos makumpiskahan ng 105 gramo ng umano’y shabu na may presyong ₱714,000, boodle money at isang asul na pouch. Dakong alas-9:40 naman ng umaga sa nasabi ring araw nang matimbog sa operasyon sa C3 Road, Barangay…
Read More