KABILANG SA DRUG LIST, HULI SA MANDALUYONG

NATIKLO ang isang 42-anyos na kabilang sa Unified Drugs Watchlist makaraang makumpiskahan ng 21.8 gramo ng umano’y shabu sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Eastern Police District sa Mandaluyong City. Ayon sa ulat ni Eastern Police District (EPD), director, P/BGen. Wilson Asueta kay NCRPO Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, kinilala ang nadakip na si alyas “Jorge”, 42-anyos, residente ng Brgy. Addition Hills, sa lungsod. Dakong alas-12:40 ng madaling araw makalipas ang isang linggong surveillance ng mga operatiba ng EPD, isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek…

Read More

‘WALK OF FAITH’ MAPAYAPANG NAIRAOS

MAPAYAPANG nairaos ang “Walk of Faith” ng mga deboto at mananampalataya ng Itim na Nazareno na nagsimula ng bandang alas-1:35 ng madaling araw sa Quirino Grandstand sa Luneta hanggang sa simbahan ng Quiapo, Manila nitong Linggo, bisperas ng pagdiriwang. Labing-siyam na mga kalsada ang pansamantalang isinara para sa daraanan ng imahe ng Mahal na Hesus Nazareno. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office ng Manila Police District, umabot sa 247,000 miyembro ng Philippine National Police, tulad ng mga tauhan ng MPD, Northern Police District, Eastern Police…

Read More

DRUG TEST PINANGUNAHAN NI PMGEN. ESTOMO

PINANGUNAHAN ngayong Biyernes ng hapon ni NCRPO Regional Director PMGEN Jonnel Estomo ang pagsailalim sa mandatory drug test kasama ang mga 3rd level officer ng Philippine National Police (PNP) sa Hinirang Multi-purpose Hall sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig. Layon ng nasabing aksyon ng mga ito na ipakita sa publiko na suportado nila ang adhikain ni DILG Secretary Benhur Abalos na linisin ang hanay ng pulisya laban sa mga protektor ng illegal drugs. Ipinagmalaki rin ni Estomo na 67 opisyales ng NCRPO ang nagpakita ng suporta kay Chief PNP Gen.…

Read More

MAGKUMPARE TIKLO SA SHABU

IBINALIBAG sa selda ang magkumpareng tulak matapos makumpiskahan ng umano’y shabu sa Caloocan City. Kalaboso ang mga suspek na sina Nasip Dipatuan y Acmad Saavedra, 28, at Roger Esplana y Alcala, 28, kapwa ng Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City. Natimbog ang dalawa sa operasyon ng mga awtoridad sa Camaro St., Barangay 175, Camarin, Caloocan City dakong alas-9:30 ng umaga noong  Enero 5, 2023. Umabot sa 10 gramo ng umano’y shabu na may presyong P68,000 ang nasamsam sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of…

Read More

TOP 7 MWP SA CALOOCAN NASAKOTE

SINAKOTE ng Caloocan City Police ang top 7 most wanted person na pinaghahanap dahil sa kasong rape, at 15 taon nang nagtatago, ayon sa pulisya. Dinamba ng mga awtoridad ang suspek na si Richard Salmorin y Divina, 32, sa Brgy. 178, Camarin, Caloocan City dakong dakong alas-11:30 ng gabi noong Enero 3, 2023. Dinakip si Salmorin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez y Briones, ng Family Court Branch 1, Caloocan City, na may petsang Oktubre 24, 2022. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso…

Read More

ARMY ENGINEERING BATTALION MINOBILISA PARA SA APEKTADO NG LPA

MINOBILISA ni Philippine Army chief, Lt. General Romeo Brawner ang lahat ng humanitarian assistance and disaster response units ng Hukbong Katihan para magbigay ng tulong sa mga komunidad sa Metro Manila at ilang bahagi ng Eastern Visayas na maaaring naapektuhan ng malakas na pag-ulan dala ng nararanasang Low Pressure Area o LPA. Ayon kay Army Spokesperson  Col. Xerxes Trinidad, pinakilos ng 525th Engineer Combat Battalion, 51st Engineer Brigade ang kanilang dalawang light urban search-and-rescue team para sa posibleng pagsasagawa ng  humanitarian assistance and disaster response para sa mga lugar na…

Read More

12 KILONG SHABU NASABAT SA NAIA

MILYON-MILYONG halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay, Huwebes ng hapon. Dinakip ang hindi muna pinangalanang babae na sinasabing courier ng droga na nakalagay umano sa initan ng tubig. Base sa ulat ng Bureau of Customs na nakabase sa NAIA, bandang alas-4:00 pasado nang tangkain umanong ipuslit ang droga. Sa pagbeberipika ng airport authorities ay nadiskubre ang nasa 12 kilong hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa P6.8 milyon. Nasa kustodiya na ng BOC ang suspek habang isinasailalim sa patuloy na imbestigasyon…

Read More

VOTER REGISTRATION WALANG EXTENSION

HINDI na puwedeng palawigin pa ang kasalukuyang voter registration paglampas sa deadline nito sa Enero 31, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi na tinalakay sa deliberasyon ng poll body en banc ang pagpapalawig sa registration. Kaya payo nito, sa halip makinig sa mga sabi-sabi ay magparehistro na at huwag nang hintayin kung palalawigin o hindi upang masuportahan ang kasalukuyang opisyal na nanunungkulan sa kanilang komunidad. Target ng Comelec ang nasa 1.5 hanggang 2 milyong bagong botante sa pagtatapos ng registration period. Nauna nang…

Read More

ABERYA SA NAIA PINASISIYASAT NI ROBES

NAIS malaman ni San Jose Del Monte City Representative Florida ‘Rida’ Robes kung paano pinamahalaan ang Air Traffic Management (ATM) System sa kabila ng pagpapasinaya noong 2018 lamang. Hiniling ni Rep. Robes, sa pamunuan ng Kamara na atasan ang House committee on good government na magsagawa ng inquiry sa iniulat na malfunction at shutdown ng bagong Communications, Navigation and Surveillance system para sa Air Traffic sa pamamahala ng Ninoy International Airport (NAIA) noong Enero 1. Si Rep. Robes ay kabilang sa 65,000 inbound at outbound passengers na apektado ng airspace…

Read More