BABAE NAIPIT SA GUMUHONG GUSALI SA MALABON

ISANG babae ang naipit ng mga piraso ng gumuhong apat na palapag na gusali sa Malabon City nitong Linggo ng umaga, Disyembre 4. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktimang si Ronalyn Tumbocon, nasa hustong gulang, habang isinusulat ito ay inililigtas ng mga kawani ng BFP at iba pang rescuers. Nabatid mula sa Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), gumuho ang nasabing residential building sa Orchid St., Barangay Longos, ng lungsod, dakong 6:30 ng umaga nitong Linggo, at dalawang pamilya ang naapektuhan. Inatasan na umano…

Read More

KASO NG MISSING SABUNGEROS ‘DI LULUBAYAN – PNP-CIDG

SINISIGURO ng pamunuan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na hindi nila lulubayan ang kaso ng nawawalang mga sabungero. Ito ay makaraang matukoy ang dalawang suspek na hinihinalang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero na nagbigay daan upang pormal nang dumulog sa Department of Justice para maghain ng reklamo ang pamilya ng nawawalang sabungero na nakuhanan ng video habang bitbit ng dalawang lalaki. Sa imbestigasyon, pinangalanan umano ng isang testigo ang isa sa dalawang lalaki nakuhanan ng secret video habang naglalakad bitbit ang isang nakaposas na lalaki na umano’y…

Read More

TULAK, 3 PA HULI SA DRUG BUST

BALOT ng hinagpis ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos siyang iwan sa ere ng kanyang kumpareng nakatunog na parak ang kanilang katransaksyon, habang tatlo pa ang nahuli sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Navotas City. Natiklo sa operasyon sa Kapalaran 3 St., Brgy. San Roque sina Roselle Calamba, 36, at Roderick Austria alyas “Odek,” 50, habang patuloy na nagliliwaliw sa laya ang kumpare ni Austria na si Augusto Genuino alyas “Barok,” 42, na pumuslit agad nang maamoy na parak ang kanilang kausap. Kumpiskado sa mga dinakip ang 5.2 gramo…

Read More

CCTV OPERATOR TIMBOG SA SEXUAL ASSAULT

SWAK sa selda ang isang 41-anyos na binata makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest sa kasong sexual assault, nang matunton sa Taguig City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Wilson David, CCTV operator, at residente ng Punta, Sta. Ana, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng MPD Sta. Ana Police Station, bandang alas-9:30 ng gabi nang matunton ang suspek sa Neo Three Company sa 30th Street, Bonifacio Global City sa Taguig City. Sa bisa ng warrant…

Read More

HUMAN TRAFFICKING SA NAIA BUBUSISIIN

MAKARAANG sumambulat ang balita hinggil sa umano’y talamak na human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), umarangkada ang joint investigation na pinangungunahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng Bureau of Immigration (BI). Kasabay nito, ipinag-utos ni Commissioner Norman Tansingco sa kanyang mga tauhan sa paliparan, na makipag-ugnayan sa MIAA sa hangaring panagutin ang sangkot na mga empleyado ng naturang ahensya ng gobyerno. Nobyembre 16 nang unang sumingaw ang balita hinggil sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa, sa kabila ng kawalan ng kaukulang mga dokumento – at…

Read More

8 SUSPEK TIMBOG SA IKINASANG SACLEO

NADAKIP ang walo katao sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Sta Ana Police Station, at SDEU ng Malate Police Station noong Lunes ng gabi hanggang nitong Martes ng madaling araw. Bandang 10:00 ng gabi noong Lunes, sa pangunguna ni Police Lieutenant Josephus Melpaz, tatlong lalaki ang nabitag sa buy-bust operation sa Crisolita St. malapit sa Sagrada Pamilya Street, San Andres Bukid. Kinilala ang mga arestado na sina Allan Flores, target ng operasyon; Sonny Boy, 28, at Mark Kenneth , 32, pawang…

Read More

SEGURIDAD SA DIVISORIA PINAIGTING SA PAGDAGSA NG SHOPPERS

MARIING iniutos ni P/Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng Manila Police District, ang pagpapaigting ng seguridad at kaayusan sa Divisoria sa Tondo, Manila ngayong papalapit na ang Christmas season, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili. Nakipag-ugnayan na si P/Staff Sergeant Gerardo Tubera, Outpost commander sa Dagupan Police Community Precinct, sa barangay officials para magmatyag sa laban sa masasamang loob na pagala-gala sa Divisoria. Nitong Martes ng umaga, namahagi ng two-way radios at whistles para agad matugunan ang posibleng paghingi ng tulong ng mga mamimili, sa isinagawang “Pulis at…

Read More

Para sa ika-159 kaarawan ni Bonifacio ILANG KALSADA SA CALOOCAN ISASARA

INIHAYAG ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kung anu-ano ang isasarang mga daan mula alas-10:00 ng gabi nitong Nobyembre 29, at mga alternatibong ruta bilang bahagi ng paggunita sa ika-159 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Nobyembre 30. Isasara ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula Bonifacio Monument Circle (BMC) hanggang Serrano; mula Gen. Simon hanggang BMC. Hindi rin maaaring daanan ang Samson Road mula BMC hanggang Villarosa St.; mula New Abbey Road hanggang BMC. Bukod dito, sarado rin ang Rizal Avenue mula BMC hanggang 10th Avenue, parehong linya, at McArthur Hi-way mula…

Read More

JOB ORDER EMPLOYEE NG BI, SINIBAK SA PANGINGIKIL

SINIBAK sa serbisyo ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang job order employee na naaresto noong Nobyembre 22 sa Muntinlupa City. Ang BI employee ay kasama sa 9 iba pa na naaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) matapos na magpakilala na mula siya sa National Bureau of Investigation (NBI) at pumigil para pagnakawan ang isang Chinese national na nakatira sa Ayala Alabang Village. Nabatid na ang empleyado ay nagpakilala na siya ay isang immigration officer nang siya ay arestuhin.  “Upon checking our records, we confirmed…

Read More