PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na ang “Register Anywhere Project” (RAP), na ilulunsad sa susunod na linggo ay limitado lamang sa bagong botante at transfer of registration registrants. Ayon sa Resolution Number 10869, ipinaliwanag ng Commission en banc na ang mga aplikasyon na ito ay tatanggapin sa RAP booths sa limang malls sa Metro Manila. “The Commission shall initially implement the RAP by conducting pilot testing, where only applications for New Registration and Transfer from Another City/District/Municipality shall be accepted.” Sa ilalim ng proyekto, maaari nang magparehistro…
Read MoreCategory: METRO
3 ONLINE SELLERS NG PEKENG YOSI TIKLO
BINALAAN ang publiko na huwag makipagtransaksiyon sa Market Place sa Facebook hinggil sa mga pekeng produkto matapos masabat ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang tinatayang P250,000 halaga ng mga pekeng sigarilyo sa pagsalakay sa San Andres Bukid, Manila noong Linggo ng hapon. Tatlong suspek ang naaresto sa operasyon na kinilalang sina Jerome Pagobo, 31; Elma Facunda, 45, at Cesar Piasto Jr., 36, pawang nakatira sa San Andres Bukid, Maynila. Ayon sa ulat na isinumite ni P/Major Jake Arcilla kay P/Lieutenant Colonel Orlando Mirando, Jr., commander ng MPD-Sta. Ana Police…
Read MoreLADY NARCO TRADER TIMBOG SA DRUG BUST
NASAKOTE ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group Special Operation Unit 4A, ang umano’y babaeng narco trader habang nakatakas naman ang live-in partner nito na si alyas “Ward” na target sa drug bust operation. Napag-alaman na si Ward ang kausap ng poseur buyer habang pinaplantsa ang transaksyon. Pasado alas-nuwebe ng gabi noong Lunes, pinapunta ni Ward ang poseur buyer sa Bernabe Compound, Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City. Ngunit pagsapit ng poseur buyer sa lugar ay ang live-in partner ni Ward na kinilalang si Jennyflor Pecaña y Quilicol,…
Read MorePNP SUPPORT UNIT PASOK SA MISSING SABUNGERO PROBE
SA hangaring tuldukan ang halos dalawang taong paghahanap ng katotohanan sa likod ng kontrobersyal na kaso ng 34 na missing sabungero, inatasan na rin ni Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin ang PNP Support Unit para tuntunin ang mga salarin – kabilang ang utak ng sindikato. Partikular na tinukoy ni Azurin ang mga insidente ng pagdukot sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Bulacan mula Abril taong 2021 hanggang sa kalagitnaan ng sumunod na tan. Sa bagong direktiba ng PNP chief, inatasan ang PNP Support Unit na makipag-ugnayan sa…
Read More‘REGISTER ANYWHERE’ NG COMELEC ITINAKDA SA 5 MALLS
NAKATAKDANG isagawa ang “Register Anywhere” drive mula Disyembre 17 hanggang Enero 25, 2023 sa limang malls na tinukoy ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagpaparehistro ng mga bagong botante. Ayon kay Comelec Spokesperson, Atty. Rex Laudiangco, kabilang ang Mall of Asia, SM Fairview, SM Southmall, Robinsons Galleria, at Robinsons Place sa mga lugar na maaaring magparehistro. Paliwanag ni Laudiangco, sakaling hindi nakatira sa Metro Manila ngunit nagkataong narito ang botante ay maaaring pumunta sa mga registration venue o sa Register Anywhere booth. Aniya, ang thumbprints at iba pang biometrics ay gagawin…
Read MorePCG 24/7 NAKAALERTO SA HOLIDAY SEASON
NAKAALERTO nang 24/7 ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard para matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero ngayong holiday season. Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, inaasahang magiging abala ang sea transportation system kaya 25,000 personnel ang kanilang ide-deploy ngayong Christmas season. “Ang ating mga tauhan ng Coast Guard nationwide, we’ll put them on alert status– heightened alert and will be reminding ship owners to ensure the seaworthiness of their vessels,” pahayag ng opisyal. Pinayuhan din ni Admiral Abu ang ating mga kababayan na planuhing mabuti…
Read MoreCASH AYUDA SA PWDs SUPORTADO NG DSWD
BAGAMA’T nasa committee level pa lang ang panukalang batas na inihain ng ACT-CIS Party-list hinggil sa buwanang cash ayuda para sa mahihirap na Persons with Disabilities (PWDs), nangako ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na susuportahan nila ang nasabing bill. Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, “napapanahon na bigyan ng buwanang financial assistance ang mga mahihirap na PWDs lalo na yung mga nakaratay na lamang sa higaan”. Ayon kay Sec. Tulfo, “kahit pambili lang ng maintenance o pangkain para hindi sila pabigat sa kanilang pamilya”. Sinabi…
Read MoreKontra human trafficking FACIAL RECOGNITION CAMERA, BARCODE GAGAMITIN SA NAIA
SA hangaring tuluyang wakasan ang human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), napagpasyahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na gumamit ng makabagong teknolohiyang kalakip ng facial recognition camera ar barcode sa lahat ng pasaherong papasok at lalabas ng paliparan. Ayon kay MIAA general manager Cesar Tiong, partikular pupuntiryahin ng kanyang ahensya ang mga pasaherong gumagamit ng mga pekeng dokumento – tulad ng boarding at access pass, ID at immigration stamps para makalusot. Buwan ng Nobyembre nang maganap ang dikit-dikit na insidente ng human trafficking kabilang ang mga Pinoy…
Read MoreSHIPPING COMPANY EMPLOYEE KINUYOG, PATAY
NAMATAY habang inoobserbahan sa Mary Johnston Hospital sanhi ng mga saksak ang isang 34-anyos na empleyado ng 2Go Shipping Company, makaraan umanong pagtulungan ng magkakaanak sa Tondo, Manila noong Sabado ng umaga. Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Analupa, ng Liwayway Street, Tondo. Samantala, natimbog sa ikinasang manhunt operation ng Manila Police District – Homicide Section, ang isang suspek na kinilalang si Armando Silao Sr., 55-anyos, may asawa, ng Brgy. 116, Tondo. Habang ang anak nitong si Armando Jr., ay nasa nasabing ospital, makaraang masaksak sa kamay, at si Antonio Silao,…
Read More