VALIDITY NG US VISA NG PINOY SEAFARERS PALALAWIGIN NG 10-TAON

PALALAWIGIN hanggang sampung taon ang US Visa ng mga Pinoy seafarer at crew ng mga cruise ship bilang suporta sa maritime industry ng Pilipinas. Inihayag ito ng Amerika sa pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris. Batid umano ng US government na dominado ng mga manggagawang Pinoy ang global cargo at cruise industries na umaabot sa mahigit 30 percent ng seafarers sa buong mundo. Bukod dito, tiyak ding bibilis ang pagproseso sa pagbiyahe ng isang Pinoy patungong Amerika. Samantala, susuportahan naman ng US Trade and Development Agency, oras…

Read More

BI KATUWANG NG CICC VS CYBERCRIMES

MAKIKIPAGTULUNGAN ang Bureau of Immigration (BI) sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center, upang masawata ang cybercrimes o mga krimen na maaaring mangyari sa loob at labas ng mga paliparan. Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ang layunin nito ay upang ma-establish o ma-formalized ang cybercrime hubs sa major ports at maging sa kanilang opisina. Upang maisakatuparan ang hakbang na ito, pinagtibay ng dalawang ahensiya ng pamahalaan ang kasunduan noong Nobyembre 15. Matatandaan, ang CICC ang nangunguna o lead coordinating agency ng pamahalaan para masawata ang cybercrimes sa bansa.…

Read More

UGNAYANG PH, VIETNAM PATATATAGIN – SOLON

NAGING panauhin sa mababang kapulungan ng Kongreso kahapon ang pangulo ng Vietnam National Assembly na si Vuong Dinh Hue. Ang pagbisita ni Vuong Dinh Hue  ay  base sa imbitasyon ni House Speaker Martin Romualdez  sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vietnamese Prime Minister  Pham Minh Chinh  sa 40th and 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits sa  Cambodia kamakailan. Iprinesenta ni Romualdez sa Vietnam official ang resolusyong pinagtibay ng Kamara para sa pagpapatatag ng ugnayan ng dalawang bansa na miyembro ng Southeast Asian Nation. “Mr. President, please accept this copy of…

Read More

ANTI-FIXER, RED TAPE CAMPAIGN IKINASA NG LTO

BAWAL na sa lahat ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO)  ang pagpasok ng mga fixer at pagkakaroon ng red tape sa ahensya para matiyak ang mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko. Nabatid sa isang memorandum, iniutos ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade sa mga Regional Director ng LTO sa buong bansa na “ipagbawal sa mga fixer na pumasok, gumala, maghintay at/o iba pang katulad na aktibidad sa alin mang opisina at/o pasilidad ng LTO.” Nanawagan din si Tugade sa mga pinuno ng opisina ng LTO sa…

Read More

MARCOS, BELMONTE, ABALOS BEST PERFORMING OFFICIALS – RPMD

STATISTICALLY-TIED sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (70%) at Bise Presidente Sara Duterte (68%) sa pagiging pinakamahusay na mga opisyal ng publiko sa National Capital Region (NCR), ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Sa kabilang banda, nakakuha naman si Senate President Juan “Migz” Zubiri ng 64 percent approval rating mula sa constituents, habang nakakuha naman si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng 55 percent approval rating. Kasabay nito, nakakuha ng 52 percent approval rating si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo. Sila…

Read More

MEDIA PROTECTION APRUB NA SA KAMARA

NASA Senado na ang bola para magkaroon ng proteksyon ng mga kagawad ng media matapos itong pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa botong 252 pabor at walang tumutol, pinagtibay ang House Bill 454 o “Media Workers’ Welfare Act” subalit kailangan munang ipasa ng Senado ang kanilang hiwalay na bersyon bago ito maipatupad. Noong nakaraang Kongreso, ipinasa rin ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala subalit hindi naging batas matapos mabigo ang Senado na ipasa ang kanilang hiwalay na panukala. Dahil dito, umapela ang liderato ng…

Read More

BAHAGI NG QUIAPO BRGY. HALL, NASUNOG

NATUPOK ang lahat ang mga kasangkapan makaraang masunog ang unang palapag ng barangay hall sa Quiapo, Manila noong Lunes ng gabi. Wala nang mapakikinabangang gamit sa unang palapag katulad ng computer na nagsisilbing monitor sa mga closed circuit television (CCTV) camera sa Barangay 306 sa Carlos Palanca St. sa Quiapo. Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-8:00 ng gabi nang mangyari ang sunog sa barangay hall sa nasabing lugar. Ayon sa ilang opisyal, bago sumiklab ang apoy, may nangyaring malakas na pagsabog sa loob ng…

Read More

VHONG NAVARRO INILIPAT NA SA BICUTAN JAIL

INILIPAT na sa National Capital Regional Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ngayong Lunes ng umaga ang aktor na si Vhong Navarro. Mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) dinala sa BJMP Taguig City Jail – Male Dormitory ang aktor sa utos na rin ng Regional Trial Court Branch 69 noon pang Nov. 14. Bago dinala sa male dormitory, sumailalim ang aktor sa medical examination tulad ng RT-PCR test, alinsunod sa health protocol requirements. Ang kaso ng aktor ay kaugnay ng reklamo ng modelong si Deniece…

Read More

LOLO NA PINAGRETIRO SA TRABAHO NAGTULAK NG DROGA, ARESTADO

BUNSOD ng sapilitang pagpaparetiro sa kanya sa trabaho, pinasok ng isang 63-anyos na lolo ang pagtutulak ng ilegal na droga nagresulta sa pagkakadakip sa kanya kasama ang tatlong iba pa sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nitong Lunes nang madakip sa operasyon sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque ang mga suspek na sina Godofredo Grande alyas “Godo”, 63, at Jojit Sales, 25, kapwa ng lungsod, at nasamsam sa kanila ang anim na gramo ng hinihinalang shabu na may presyong…

Read More