MAAGANG Pamasko ang handog ng pamunuan ng Manila Police District – Forensic Unit (SOCO) sa mahigit 300 benepisyaryong pamilya sa aktibidad na idinaos sa MPD Headquarters, Linggo ng umaga. Ang gift giving at feeding program ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Edmar A. Dela Torre, hepe ng MPD Forensic Unit, kasama sina Police Lieutenant Gloria Cortes at Gng. Corazon S. Rodriguez na siyang chairperson ng Advisory Council, Ang mahigit 300 pamilya ay nabigyan ng libreng gamot, bitamina para sa mga bata, grocery items at almusal. Maging ang mga photographer sa…
Read MoreCategory: METRO
3 ASO, 7 PUSA PATAY SA SUNOG SA PACO
SINAWING PALAD na makasama sa nasunog na bahay ng kanilang pet owner ang tatlong aso at pitong pusa sa Paco, Manila, Linggo ng gabi. Nagawang maisalba ng mga kapitbahay sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana ang senior citizen na si Cristela Ong habang nilalamon ng apoy ang kanyang unit sa gusali sa Angel Linao Street, Paco. Sa ulat ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog bandang 10:29 ng gabi. Pag-aari umano ni Ong ang nasunog na sari-sari store sa nasabing gusali. Nang magsimula ang apoy ay natutulog ang matanda sa…
Read MorePAGSAGIP SA MGA BADJAO AT AETA SA KALSADA SINIMULAN NA NG DSWD
ILAN sa mga na-rescue na Badjao nitong Biyernes (Nov. 18) sa NCR ang binigyan ng P10,000 per family bilang puhunan at pamasahe. HINDI lang ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Badjao at Aeta para hindi na hihingi ng limos sa mga lansangan. Simula noong Nobyembre 18, aabot na sa 100 Badjao mula Mindanao ang na-rescue ng ahensya sa Metro Manila pa lamang. Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, hindi lang basta pauuwiin sa kanilang lugar ang mga Indigenous People…
Read MoreACT-CIS DISMAYADO SA MGA SIRANG RFID SA SLEX
DISMAYADO si Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist Representative Jeffrey Soriano hinggil sa umano’y faulty Radiofrequency Identification (RFID) collection system sa South Luzon Expressway (SLEX). Ayon kay Soriano, marami silang natanggap na report kaugnay ng matinding traffic sa SLEX na dulot lamang pala aniya ng sirang RFID scanners. Aniya, nagdulot ng traffic build-up ang ‘invalid reading at ETC lanes’ kaya’t nag-manual scanning na lang ng RFID cards. “Umagang-umaga, ito na ang bumungad sa ating mga motorista,” aniya pa. “Napakaraming Pilipino ang napeperwisyo dahil sa depektibong RFID system…
Read MoreBEBOT KULONG SA P.2-M SHABU
KALABOSO ang isang 40-anyos na babae nang makumpiskahan ng P170,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City. Inaresto si Jocelyn Otano alyas “Josephine”, sa operasyon sa Riverside, Phase 12, Brgy. 188, ng lungsod, matapos ingusong nagtutulak umano ng shabu. Isang undercover cop ang nakaiskor ng P7,500 halaga ng umano’y shabu mula sa suspek kaya dinamba ito ng mga parak. Nakuha sa pag-iingat ni Otano, ang 25 gramo ng hinihinalang shabu, at buy-bust money. (ALAIN AJERO) 536
Read MoreBuking sa pagkuha ng police clearance NAIS MAKI-TUPAD WANTED ARESTADO
NAGWAKAS sa bangungot sa karsel ang pangarap ng isang lalaki na makasali sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng pamahalaan, nang damputin makaraang mabuking na may warrant of arrest nang tangkaing kumuha ng local police clearance sa Navotas City. Ibinalibag sa selda si Kenneth Cubos Lozada, 22, ng M. De Vera St., Brgy. Sipac-Almacen, ng lungsod, na kasama sa talaan ng most wanted persons sa siyudad. Nabatid, nag-apply para sa police clearance si Lozada sa Navotas Police Station sa M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacen subalit nabuking na mayroon…
Read MoreRIDER KRITIKAL SA TUMBOK NG TAXI
KRITIKAL sa pinagdalhang pagamutan ang isang hindi pa kilalang rider makaraang makasalpukan ang isang taxi sa pagitan ng United Nations Avenue at Romualdez Street sa Ermita, Manila Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property ang driver ng taxi na si Artemio Talacay. Base sa ulat na nakarating kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa intersection ng United Nations Avenue at Romualdez Street sa Ermita. Ayon sa imbestigasyon ng Traffic…
Read More2 ARAW NA SPECIAL VACCINATION DRIVE, INANUNSYO NG DOH
INANUNSIYO ng Department of Health (DoH) ang isasagawang dalawang araw na special COVID-19 vaccination drive na tinawag na “Bakunahan Bayan II”. Magsisimula ang nasabing vaccination drive sa Disyembre 5 hanggang Disyembre 7 na ang target ng bakuna ay ang mga bata na nasa edad lima hanggang 7 taong gulang. “Ang target po natin dito ay more of the 5-11 years old and the first booster. Para ma-reach natin ‘yung target natin for 5-11 and the booster doses,” pahayag ni Health Usec. Nestor Santiago. Base sa datos ng DoH, nasa 73.6…
Read MoreVALENZUELA NAKIISA SA WORLD TOILET DAY
NAKIISA ang Valenzuela City sa pag-alala sa Araw ng Kubeta o World Toilet Day nitong Sabado, Nobyembre 19. Ayon sa pamahalaang lungsod, batay sa United Nations (UN) Water, 3.6 bilyong tao pa rin sa buong daigdig ang walang ligtas na napamamahalaang sanitasyon. Ang taunang pag-alala ng UN ay nagtatampok sa pandaigdigang krisis sa sanitasyon, sa gitna nang patuloy na banta sa kalusugan at kapaligiran ng hindi sapat na sanitasyon, lalo sa mahihirap na mga komunidad “Let us continue to champion safe sanitation for all – we all deserve kuBETTER! #WorldToiletDay,”…
Read More